Ito ay mga payo ko para mawala ang katamaran mo at makapag-imbak ka na maraming mga ideya. Natulungan ako nito kaya sa tingin ko, matutulungan ka rin nito.
1) Pray to God, Read the Bible
Yes! Magdasal ka. Magdasal ka na bigyan ka Niya ng mga ideya na makakatulong sa pagsusulat mo. Magdasal ka na gabayan ka Niya sa pagsusulat. This tip will be a big help! Wala kang magagawa kung wala Siya. Just Believe and Trust in Him and everything will be okay!
You can also read the Bible. There are words of Wisdom there. You can be inspired to continue writing by reading meaningful verses.
Maaari ka ring makakuha ng mga magagandang pangalan sa Bible. Hindi lang wattpad books ang makakatulong sa 'yo. Ang Bible matuturuan ka niyan. Matuturuan ka na, mapapalapit ka pa kay God. Isn't it amazing?
2) Have a time for yourself
Magkaroon ka ng oras para sa sarili mo. Magmuni-muni ka. Mag-isip-isip ka kung ano ba ang mga dahilan mo kung bakit ka nagsusulat. Tanungin mo ang sarili mo "Bakit ba ako nagsusulat? Para kanino ba ako nagsusulat?"
Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Magsulat ka para sa sarili mo. Magsulat ka para sa pangarap mo.
You have to be a goal setter! Magset ka ng goals at makipagtulungan ka sa sarili mo para maisakatuparan ang mga iyon.
3) Always think positive
Huwag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Huwag mong ikumpara ang gawa mo sa gawa ng iba. You are unique! Lahat ng manunulat ay magaling sa sarili nilang pamamaraan.
Isipin mo lagi ang goal na gusto mong maabot. Don't mind the failures! Try and try! Ang failures na dumarating ang magtuturo sa 'yo para mas magsumikap ka pa. Para mas magpatuloy ka pa. Believe in yourself!
3) Read stories, Watch Anime, Movies, Dramas, and etc.
This could help you! Magkakaroon ka ng maraming ideya para maipagpatuloy mo ang story mo. Kapag wala ka nang maisulat, gawin mo ito para makapag-imbak ka ng ideas. Maiinspire ka na magpatuloy.
Don't give up! Continue chasing your dreams! Keep dreaming and writing, Girl/Boy!
4) Learn to Listen to everyone's tips
Yes! Makakatulong iyan! Minsan, kahit hindi mga manunulat ay makakatulong sa 'yo. Matutulungan ka nila na huwag sumuko at magpatuloy lang. Pakinggan mo ang bawat payo na ibinibigay sa 'yo. Yes you can write! But it's not bad to listen to other people.
Mayroon kang matututunan sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Ano pa man ang kalagayan niya sa buhay ay matuturuan ka niya. Kahit mga nambubully pa sa 'yo iyan ay matutulungan ka niyan.
How? Gusto mong patunayan na mayroon kang maibubuga, kaya magsusulat ka. Magsusulat ka para sa sarili mo. Para makita ng lahat na isa kang tao na mayroong pangarap at kaya mong maabot ang mga 'yon sa sarili mong pamamaraan.
5) Have a conversation with other authors
Magtanong ka sa mga tulad mong manunulat tungkol sa mga problema mo sa pagsusulat. Marami silang maipapayo sa 'yo na magbibigay kalakasan sa 'yo para magpatuloy pa.
Ang tips na ibibigay nila ay base sa mga karanasan nila. Kung nakatulong sa kanila, siguradong makakatulong din sa 'yo!
Marami pang mga paraan kung paano mawawala ang katamaran sa pagsusulat, but I want you to know it by yourself. Para matuto ka rin ng ikaw lang. I know you can do it! Believe in yourself!
©zephaniahhhh
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Non-FictionThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh