Henosis Author #5: AkoSiIbarra [08/22-27/17]

18 4 0
                                    


Ang writing tip/s na mababasa n'yo rito ay mula kay kuya Cris Ipinaliwanag ko lang para magkaroon kayo ng ideya kung paano mo sisimulan ang step para makapagsulat ka ng isang kuwentong papatok sa panlasa ng madla.

"I write to conquer—conquer the fears. Conquer the frustrations. Conquer the flaws. Conquer the boredom."

-AkoSiIbarra

Someone asked kuya Cris if he writes to express. Kuya Cris answered "I write to conquer. Conquer the fears. Conquer the frustrations. Conquer the flaws. Conquer the boredom." How about you? Why do you write?

Hindi lahat ng tao ay perpekto. Let me correct. Walang taong perpekto. Kahit ano pa ang kaantasan mo sa buhay o kahit ano pa ang panlabas mong anyo ay hindi ka perpekto. Mayroon ka pa ring imperfection. Bilang isang manunulat, hindi mo naman maiiwasan ang pagkakamali. May iilang wrong grammar, typographical errors, at minsan mayroong magulong pagkakasalaysay ng mga pangyayari. Paano mo haharapin ang lahat ng imperfections mo? Magpatuloy ka. Magsulat ka nang magsulat. Learn from your mistakes.

Kung natatakot ka, harapin mo 'yon sa pamamagitan ng pagsusulat. Halimbawa, natatakot kang mawalan ng kaibigan. Anong gagawin mo para hindi ka mawalan ng kaibigan? And here's the question, What is the connection of losing a friend and writing a novel? The answer is, magsusulat ka ng eksena o pangyayari kung saan haharapin ng character ang problemang kinahaharap mo. You will include ways on how to conquer the fear. Magsusulat ka, matututo ka, at may matutulungan ka pa.

Kung naguguluhan ka, harapin mo 'yon sa pamamagitan ng pagsusulat. Kung pakiramdam mo ay napakaraming gumugulo sa isipan mo, paayusin mo 'yon sa pamamagitan ng pagsusulat. Conquer your frustrations. How? Let all the negative vibes out of your system. Transform negative in to positive.

Kung mayroon kang pagkukulang o pagkakamali, punan mo ang mga 'yon sa pamamagitan ng pagsusulat. Tulad nga ng sinabi ko, natututo ka habang nagsusulat ka. How will you conquer the flaws? You need to learn. How will you learn? You need to write. How will you write? Write something you want to read but make sure that it's unique. Do not imitate other writers. Write using your own way. Lahat ng tao may flaws kaya mahalin mo ang flaws mo and consider those as your strength. You have to find out how.

Kung wala kang magawa o mapaglibangan, magsulat ka. Hindi ka lang malilibang, matututo ka pa. But how will you start? You have to think of a solid plot. Huwag mo hayaang biglang magbago ang plot basta-basta dahil baka mahirapan kang magpatuloy sa pagsusulat. Kung buong-buo na ang plot mo magsisimula ka sa isang paraan na hangga't maaari ay ikaw lang ang nakakagawa. Mahirap magsimula, totoo iyan. Pero kahit na gaano pa ito kahirap ay kailangan mong magpatuloy. Unti-unti mong malalabanan ang boredom. Hindi lang 'yon! Bukod sa mayroon ka ng mapaglilibangan, uulitin ko for the nth time. Matututo ka sa pamamagitan ng iyong pagsusulat.

Minsan, sa mga hindi inaasahang bagay natin nakukuha ang saya at ang satisfaction. Magkaroon ka ng oras para sa sarili mo. Isipin mo kung paano ka makukuntento, dahil kung ipinipilit mo lang ang isang bagay at wala kang interes dito ay walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ka o hindi. Think and make a way to satisfy yourself.

©zephaniahhhh

Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon