"Welcome to Chatime!"
I looked around to see if Kyla was already here. Inilbot ko ang aking paningin at nang nakitang wala siya doon ay tumungo nalang ako sa cashier para mauna ng mag order.
"One large Pearl Milk tea. Half sugar, fifty percent ice." Order ko. I glanced at my phone to see if Kyla texted anything but she didn't. I immediately sent her a text saying that I was in our meeting place already.
Kakabreak lang ni Kyla at ng kaniyang boyfriend. They were together for almost eight months. Something came up and everything was so fast. At bilang mabuting pinsan, eto ako at sinasamahan siyang sawi.
My phone buzzed and it was a text from her saying na andito na siya. Nag abang ako sa pintuan at hindi naman nabigo nang makita siyang papasok sa glass door. Muling umingay dahil sa pamilyar na bati galing sa mga workers ngunit hindi manlang napatingin dito si Kyla.
Tumayo ako nang mag buzz ang high tech coaster na ibinigay sakin at kinuha ang order ko. Sinabayan naman ako ni Kyla sa pagbalik sa table na kanina kong inuupuan. Sabay kaming umupo at napa buntong hininga ako habang tinatanggal niya ang aviators niya.
"Ano nanamang panibagong drama yan?" I asked as I stared at her aviators. Umiiling na pinagmasdan lamang niya kong inumin ang aking Milk tea.
"I need it. Mugto parin iyong mga mata ko kakaiyak." Sabi niya at agad ring natulala. Hindi ako nagsalita at pinagpatuloy ang pag masid sa kaniya habang umiinom sa aking Milk tea. I rolled my eyes as I saw her about to cry once again.
"Kalay, it's been a month. Kelan ka ba titigil sa pag iyak? Kelan mo ba marerealize na hindi worth it yang ex mong hinayupak na dinaig pa ang pag gulong sa uling sa sobrang itim?" I exclaimed. Sinamaan niya ko ng tingin.
"What? I'm just saying, Kalay. Hindi siya worth it." Singhap ko.
"Please, Reese. I just want to forget about him." Tumayo naman siya saglit para kunin ang Milk tea na kaniyang inorder. Mabilis siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina at malalim na huminga.
"Well crying won't make you forget about him. It's making you worse. I mean, look at yourself! Wala kang tulog, you've been crying all night, nangangayat ka na dahil hindi ka kumakain! Are you trying to kill yourself?"
"Well, I want to die! This heartbreak is much more worst than anything! Just kill me, already. God!" She tiredly spoke as she drank her Milk tea in full gulps. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagmasdan siya na parang tanga.
"Oh my God," I breathed in annoyance. "Is that why we're here? Kaya niyaya mo ko mag Milk tea? God, walang lason yang iniinom mo, Kyla! Can you stop!" I hissed and took her Milk tea away from her. Nakita ko siyang umiyak at napahilamos ng mukha sa palad.
"Tell me, ganun ba ko kadaling kalimutan? Ba't may bago na agad? Hindi niya ba talaga ako minahal?" She cried. People were starting to look at us. Minasahe ko muna ang aking sentido bago magsalita.
"Kyla," I started, "Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong na yan kungdi siya. And please, tigilan mo na ang pag sastalk sa kanya sa Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, at sa kung ano ano pang social networking sites. At kung gusto mo talaga tulungan ung sarili mo, tigil tigilan mo na ung pag hila sakin para lang istalk yang ex mo sa mga date niya ng bago niyang girlfriend. Ikaw lang nasasaktan eh. Pano ka makaka move on, kung ganyan? Sige nga." Tanong ko habang patuloy siya sa pag iyak.
"That's the problem. I don't want to move on. Baka kasi pwede pa, Reese. Alam mo iyon?" Tanong niya na puno ng pag asa sa kaniyang mga mata.
"Pwede pa? Can you hear yourself, Kyla? May bago na siyang girlfriend at matagal tagal narin kayong break. He has moved on. It's time for you to do the same."
BINABASA MO ANG
Love Shots
RomanceBecause when you're in love, the bullets are shot. (Compilation of Short what-nots about Love.)