Noon at Ngayon

33 1 0
                                    

Noon. (nu-on)

- Ang salitang binabalik ang ating kahapon.


Noon.

Ang tumataglay sa istorya nating hindi ko basta bastang maitapon.

Noon.

Gano na nga ulit ito katagal? Buwan? Taon? Gano ka layo ang noon?

Noon.

Dalawang taong pinaglapit sa isang tagpuan na ati'y paring binabalikan.

Noon.

Dito tayo unang nagtagpo. Pinaghalong kaba at saya ang aking naramdaman habang ako'y nagtatago sa ilalim ng puno kung saan kita inaabangan. Hawak hawak ang aking telepono sa isang kamay at ang payong na prumoprotekta sakin mula sa ulan. Tinanong kita sa kabilang linya kung asan ka na ba at ang sabi mo'y andito ka na. Liningon ko ang paligid at saka kita nakita.

Noon.

Ito ang araw ng una nating pagkikita. Nakatago ako sa ilalim ng puno malapit sa iyo. Pinagkatitigan kitang mabuti mula sa malayo. Napapakurap sa aking isipan na tinatanong ang aking sarili, ikaw na ba ito? Ang babaeng kausap ko ng ilang linggo? Ang babaeng katawanan ko magdamag sa telepono? Ang babaeng pinaglaanan ko ng oras ko?

Noon.

Lumabas ako sa aking pagtatago at hinarap ka. Nang maglapat ang atin mga mata sa unang beses ay alam kong kakaiba ka. Alam kong tama ako dahil nagtagal ka. Isa ito sa mga unang beses nating pagkikita dito sa pweston kung saan nagsimula ang ating istorya.

Noon.

Wala akong pakielam kung sino ka. Basta ang alam ko ay akin ka... Kahit na hindi ako sayo.

Noon.

Kuntento na ako sa kung ano ang meron tayo. Ito ang gusto ko. Hindi ko ramdam ang pagsasakal ng salitang 'relasyon' pag dating sayo. Dahil sayo, parang tayo pero malaya ako.

Noon.

Kalandian. Fling. Malabong Usapan.

Noon.

Ano nga ba tayo noon?


"Chia..." Tawag ko sayo pagkatapos ng mahabang panahon.

Napalingon ka sa aking direksyon at matipid akong ngitian. 


Ngayon.

- Ang madilim na realisyon ng kahapon.


Ngayon.

Ang istorya nating dapat pa bang ikwento sa iba kung pagkakamali lang ito para sa iyo?

Ngayon.

Segundo. Minuto. Oras. Hindi ko maipaliwanag kung gano ka tagal kitang gustong titigan at hilingin na sana't ibalik nalang ako sa makasalimoot nating nakaraan.

Ngayon.

Dalawang taong muling pinaglapit sa dati nilang tagpuan.

Ngayon.

Andito ulit tayong dalawa. Pero hindi tulad noon na planado ang lahad. Dahil ngayon... Ngayon ay ang muli nating pagkikita mula ng araw na talikuran kita.


"Dave." Tawag mo sa akin. 

Hindi ako sumagot. Tahimik akong naghintay hanggang sa maalala mo ang katotohanan mula sa aking kasinungalingan. Hindi ko ito sinagot dahil hindi ito ang pangalan ko. Hinintay kong tawagin mo ako sa aking tunay na pangalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon