Middle

22 0 2
                                    

"She's the kind of girl a guy meets when he's too young and fucks up because there's too much living to do. But later he realizes she's perfect"


Ramdam ko ang kaba sa aking sistema. Kakapark ko lang ng aking kotse sa tapat ng isang sikat na bar kung saan namin pinagkasunduan na magkita kita. High school reunion namin and we all wanted to loosen up a bit by chilling and partying.

My hands are sweaty and a bit shaky. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako and, fuck, I didn't know why.

Ba't nga ba ko kinakabahan? Okay naman ang estado ko ngayon sa buhay. I'm currently a corporate business manager in one of the most prominent companies here in the Philippines. Hindi lang iyon, may isa pa kong hinahandle na business kasama ng mga college friends ko. At the age of 26, I'm having a succesful life. Kaya ko silang harapin ng walang ikinahihiya.

So why am I all nervous all of a sudden?

Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone at wallet ko. Lumabas na ako ng aking kotse. I can feel the cold breeze of the night. Isinara ko na ang aking kotse at inayos ang aking suot. I brushed my fingers through my hair and I was ready to go.

I got this. Kaya ko 'to. Wala akong dapat ikakaba.

Pagkapasok ko ng bar ay agad na sumalubong sakin ang maingay na tugtog mula sa DJ. Sick beats were playing and I wanted to just chill and dance. Kung puwede lang ay hindi na ako sisipot sa usapan pero hindi naman pwede. Agad akong nag tungo sa pina reserve naming VIP lounge. Isa sa mga dati kong kaklase ang may ari ng bar kaya nagawa niyang irecommend na dito nalang kami.

Nang makarating ako sa VIP lounge ay agad kong nakasalubong ang dati kong kaklase na si Paolo.

"Pare!" Sigaw niya. Nginitian ko naman siya at agad na linapitan. Nakipag kamayan kami sa isa't isa.

Si Paolo ay ang isa sa mga kabarkada ko noong Highschool. Sa lahat ng kalokohan ay magkasama kami. Matagal narin kaming hindi nagkikita. I'm sure he's succesful now.  

"Musta na? Tagal na nating 'di nagkikita." Sabi ni Paolo. Sabay kaming napaupo sa couch.

"Oo nga ehh. Grabe, laki na ng pinagbago mo. 'Di ka na siopao tulad nung Highschool." Sabi ko na natatawa tawa.

"Syempre. Para habulin ng chicks." Sabi niya at nakitawa narin.

"Ikaw? Ano na trabaho mo?" Tanong niya sakin.

"Corporate manager, pare. Tsaka I'm handling a business with my college friends. Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Dentista na, bro. Ako narin ang nag hahandle sa iba't ibang branches namin... With a little help from Dad of course." Aniya. Tumango naman ako.

Pamilya ng mga dentista si Paolo. Naalala ko noong high school ay nagkandahirap hirap kami mag isip ng course na gugustuhin namin sa College. I guess napilitan lang siyang mag dentistry dahil wala narin siyang maisip na kurso.

"Nako, bro. I bet you're still a well known playboy. Siguro nilalandi mo parin ung mga chicks mong clients!" Asar ko.

"Pare, it's a gift that I have. Kasalanan ko bang gwapo ako kaya hindi ako maiwasan ng mga chicks?" Tanong niya. Sabay kaming natawa sa isa't isa.

"Paolo! Cy!"

Lumingon kami ni Paolo sa taong tumawag samin. It was Jean, isa rin sa mga dati naming kaibigan noong high school. Nakipag kamayan naman kami sa kaniya.

"Uyy! Musta na, Jean? Tagal na ah!" Ani ni Paolo sa kaniya.

"I know, pare. Ikaw naman kasi, ang layo layo mo na nung college. Eto ngang si Cy ay lagi kong nakikita since magkatapat lang ang Benilde sa La Salle." Sabi niya.

Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon