Ang Pagmamahal at ang Marathon.

24 0 0
                                    

Ang Love.


Nag uusap kami ng pinsan ko tungkol sa Love. May iba't ibang ways kami ng pag hahantulad sa love itself. Ako, hinantulad ko siya sa isang marathon.

Ang Love, parang isang marathon.

Kung pag papalain ka, makakasabay mo siya sa pag takbo at sabay niyo rin matatapos ang karera.

Pero minsan, may nahuhuli at may nauuna.

May ibang tumatakbo parin para habulin ung nauna na. 

Kaya kung gusto mo talaga siyang mahabol, wag kang lilingon kung saan saan. Focus on your prize. Focus on running after her para sabay ninyong matapos iyong karera na walang nauuna at nahuhuli.

Kasi ung iba, prize na para sa kanila ang mahabol ang isang tao na tumatakbo palayo sa kanila.

Iyong... Takbo ka ng takbo para maabot siya. 

Pero wala eh, hindi mo talaga siya mahabol.

Kaya hihinto ka nalang. Kasi alam mo sa sarili mo na isa tong karera na hindi mo mapapanalunan. Hindi mo siya matatapos dahil masyado siyang impossible.

Paminsan minsan, mag lalakad ka nalang para subukang ma abot siya. Kahit hindi ka na tumakbo. Lakad nalang. 

Baka sakali lang naman eh.

Kasi ang tutoo, iisa lang naman ang gusto mong marealize niya. 

Na sa pag lingon niya sa kakatakbo palayo sayo, makikita niyang malayo ka na. 

Hindi mo na siya hinahabol. Mukha na siyang tanga kakatakbo sa wala. 

Dahil ung taong parang tanga na humahabol sa kaniya?

Sumuko na.

Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon