#DJLangitAndHerBoldness
"Good, good kagabihan sa mga Langitbabies ko! Ano na? Kamusta naman kayo? May pag-ibig na naman ba kayo na patapon na? O isa na namang pag-ibig na hayop sa tamis na kab-biteran ni ate niyo Langit? Kung ganon, handa na ba kayong masaktan (awtsu!), i-judge (ting ting!) at babaan ng tawag? (toot toot toot) Ay, ako pala yon. AHAHAHA! Pwes kung handa na kayo, tawag na!" masaya kong sabi habang binababa at itinataas volume ng kanta para sa araw na ito.
Pagkatapos ko sambitin ang huli kong mga salita, ay agad agaran na ang sunod sunod na tawag mula sa telepono sa aking tabi.
"Hello, caller! Magpakilala na ka na!" masigla kong sabi.
"DJ Langit! Itago niyo na lang po ako sa pangalang Asha. Yung crush ko po kasi, ayaw akong pansinin. Nagpapapansin na po ako ng nagpapapansin, pero wa-epek eh. Ano po ba ang kailangan kong gawin para mapansin na niya ako?" malungkot na sabi nung babaeng desperada.
"Oh, hello naman sayo, Asha. Unang una, harap harap din sa salamin. Baka meron siyang nakikitang alam mo pero di mo maamin (Oooh!!). Hoy, hindi kita sinasabihang panget ah? Dahil di pa naman kita nakikita. Ang sinasabi ko, baka naman ayaw naman talaga niya sa iyo. (Aray ko beh!) Saka isa pa, ayaw ng mga lalaki ang papansin. Kaya wag kang ano jan na parang umasta na KSP. KSP for Kulang Sa Pansin (Wooh!). Pwede rin na, KSP for Kay Sinta lang Pwede (Ehh!). Okaya, KSP for Kerengkeng Si Prend (Aray ko beh!). Pero mas bet ko yung KSP for Kuko Sa Paa. (HmmBeyam!). Kaya kung ako sa iyo bebe Asha my loves, tama na ang kaka-Asha! (Nakuha mo!). Wag mo nang ashahan yang bebe boy your loves mo! Kase, baka nga ayaw naman talaga niya diba? Saka pag pinilit mo siya, baka ma taken ka nga, for granted naman. (Grabehan dito ah?!). Pero malay mo! Torpe lang pala si kuya mo! Pero malay mo hindi pala ikaw ang tipo! O baka lalaki rin ang gusto! (Yikes!). Yun lamang at nagiiwan Kay K-caller Asha ng K-sabihan na, Wag mong pilitin kung ayaw naman. Baka nga ma-taken ka nga, for granted naman! I thank you! Sarranghae caller!" masaya kong pag-a-abiso sa pabebe na babae.
"DJ Langit! Grabe ka naman magsalita! Pero ok na rin yon atleast narealize ko na baka wala naman pala talaga akong pagasa. Sige po! Sarranghae din DJ Langit!"
"At dahil dyan, this song is for you bebe Asha! Hope you like it! Sarranghae! Paki imaginr na lang nung finger heart ah? (AHAHAHAHAHAH)" sabi ko at saka plinay ang kantang para sa kanya.
Oo nga pala, Hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako,nangangarap na mapasayoHindi sinasadya na hanapin ang lugar ko
Asan nga ba ako
Andyan pa ba sayoNahihilo,nalilito
Asa ba sayo
Aasa ba sayo.At patuloy na tumugtog ang Migraine na kinover ng isang girlaloo na wit ko knowings.
Ohmygosh. Achivement ituuu! Hindi nagalit sakin yung caller. Lol HAHAHAHA 😂. Madalas kasi magalit sakin yung mga tumatawag pag pinaparealize ko sa kanila na wala na talaga silang pag asa. Ehehehe.
"EH GAG. ka pala DJ Langit eh! Pinapabreak mo sa kin yung hutangnang boypren ko? Eh kakasabi ko nga lang na huta gusto ko pa matuloy at mag work yung pesteng relationship namin tapos sasabihin mo sakin, na hutangna break-an ko siya? Eh kung anak ng tokwa, hambalusin kita dyan eh!" sigaw ng eskandalosang babaeng kausap ko.
Napaka ingay at daldal! Hindi pa nga ako nakakatuloy ng sasabihin may entry na naman siya.
Mga ten minutes na ata akong on-air at eto yung pangatlong caller ko.
"Aba aba aba K-caller Samantha! Sobra na si ikaw ah? May mura pang kasama bawat tirada mo! Babaan ka namin dyan eh!" sabi ni DJ Nimingho. Yung isa kong kasama dito sa K-Radio na bakla. Charos.
YOU ARE READING
K-Radio | Kn
FanfictionSi DJ Langit. Ang babaeng sumikat nang dahil sa radyo. Ang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang manlait ng kapwa. Pero 'wag ka. Gustong gusto siya ng madla, dahil lahat ng kan'yang nababara ay uuwing nganga at wala nang magawa kun'di ang tawag ay ...