Track #12

17 1 0
                                    


#DJsTeamBuilding

"Baklaaa! Gumising ka na! Baka ma-late pa tayo! Maiwan tayo ng convoy, sige ka!" sabi ni Fel sakin sa kalagitnaan ng tulog ko.

Oo nga pala, team building namin ngayon kaya dito siya sa bahay nakitulog dahil sasabay siya saakin. At baka kasi mahuli pa kami kung dadaanan ko pa siya.

"Ano ka ba, Fel! Natutulog pa ako eh! Hinay hinay lang sa pag gising sakin! Sumasakit yung ulo ko eh!" sagot ko naman habanag nakapikit pa rin.

"Eh basta, bumangon ka na! Four o'clock na, five ang usapan. Ang bagal mo pa naman kumilos."

"Ay, grabi siya." pagkamulat na sabi ko at nilapitan siya sa make up and hair dresser ko kasi may nilalagay siyang cream sa mukha. Inakbayan ko siya at humikab ako.

"Ang baho, bes. Pwede magtoothbrush ka muna?"

"May sinabi ba akong amoyin mo? Nagrereklamo ka pa diyan? Ang baho nga ng kili kili mo eh kasabay pa ng hininga mo kanina nung natutulog tayo, saktong sakto sa muha ko, kaya nga puyat ako eh, nagreklamo ba ako?" sabi ko at tumayo saka dumiretso sa cr para mag toothbrush at maligo na.

"Ay grabi siya oh!" rinig kong sabi niya na ikinatawa ko.

Naligo na ako ng napakabilis dahil ang lamig ng tubig. Walang heater ang banyo ko dahil hindi naman kami yayamanin.

Pagkalabas ko ay ang bakla naman ang nagcr. May nakasilip na daw sa kaniyang puwetan. At anytime ah lalabas na.

Nagbihis na ako ng aztec na tank top saka shorts and pinatungan ko rin sila ng open na denim vest na hanggang tuhod ko. Pinartneran ko sila ng isang pair ng white sneaks.

Nagpatuyo na ako ng buhok at nag make-up ng kaunti. Kaunti lang naman. Hindi naman bonggang bongga. Ayoko kasi na sasabihin ng tao na nadaan lang ako sa make-up kaya maganda. Mas ok nang makita nila na ang pagigung maganda ay likas na saakin. Na sa kaunti lamang na kolorete ay sapat na upang idepina ang aking kagandahang taglay. Oha.

Inayos ko na ang hand bag ko, ayos na kasi yung mini maleta ko kagabi pa. So, tapos na ako! Echosera yung baklang yon. Mabilis lang kaya ako mag ayos. Mas matagal pa nga yung pagtae niya kaysa sa pag aayos ko eh. Usually, diba mula pwet hanggang bituka siguro yung tae? Sakanya hanggang lalamunan. Kaya siguro ang tagal. Gosh.

Nagphone muna ako para hindi mabagot. Mga ilang minuto rin at lumabas na ang bakla sa cr. Pawis na pawis ang lola niyo.

"SUCCESS!!" sigaw niya.

"Anong nangyari sayo? Akala ko nalunod ka na sa loob. Bat pawis na pawis ka?" sabi ko nang di tumitingin sa kanya dahil ako'y nakapokus sa cellphone ko.

"Aba't nang aasar ka pa?" sabi niya at inilgay ang mga daliri sa ibaba ng ilong ko

"YAK!" sabi ko ngunit patuloy niya lang ginagawa ito kahit tinataboy ko ang kamay niya.

"Yiee! Chalempoy! Chalempoy! Hahaha!" patuloy lang siya sa pang aasar hangga't sa natigil kami dahil sa tunog ng isang notification sa cellphone ko.

Nagunahan pa kami ng bakla na kuhain ang cellphone ko. Aba'y loka loka, hindi ba? Saakin na cellphone yon, tapos aagawin.

Nang sabay kami na nakarating sa cellphone ko na nakasaksak sa outlet malapit sa pinto, ay sinangga ko siya. "Aba, aba, aba, Eduardo Feliciano! Baka nakakalimutan mo, selpon ko to." napakamot naman siya sa batok niya. "Hala, sige. Alis. Shoo shoo! Dun ka sa selpon mo!" sabi ko sabay tago ng cellphone ko para tignan kung sino ang nagtext.

Walang iba kundi....










Ang Globe. :((

Ang sad. Akala ko naman siya (CX). Akala ko magtatanong siya kung susunduin niya ako. Okaya na sabay na kami. Okaya magbbreakfast muna kami sabay punta sa meeting place. Okaya kahit na simpleng good morning! Wala! ANO BA LANGIT! WHAT DO YOU EXPECT, MAY SARILING BUHAY YUNG TAO. HINDI LANG IKAW ANG INIISIP NIYAN. Well, iniisip kaya ako? :(

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now