Track #12.2

17 1 0
                                    


#DJsTeamBuilding

So ano na? Anong gagawin ko sa loob ng malawak at mabangong kwarto na to?

Kumain? Sumuka? Mag cart wheel? Pumatay? Mamatay? Pagtripan ang ilaw? Manira ng gamit? Ritwalan si Tuhod? ANO?! Kase, kingina, wala na talaga ako magawa dito sa loob!

Nakatulog na ako ng matagal. Mga fours hours ata. Yun ang tantsa ko. Grabe noh? HAHAHA. Ayoko naman din lumabas kase, chukinaenae, makikita ko lang ang tuhod at ang iba pa niyang mga alipores! Baka masunog ko pa siya ng di oras.

Haay. Speaking of mga tuhod and her alipores. Nakita ko kanina ang IG story ng bakla kong kaibigan (Fel). Kasama niya ang mga palaka! Grabe. Nagkasamaan lang kami ng loob ng saglit, naghanap na ng mga pets. Nakakaloka.

Isa pa dahil ayokong lumabas ay dahil makikita ko si CX. Hmmp. Isa pa yon. Bakit ba laging kasakasama niya yung mga palaka? May kinwento siya sakin nung nakaraan. Nakapatay daw siya ng palaka nung bata siya. Baka naguiguilty siya kung hindi na niya tatratuhin ng maganda ang mga kamaganak ng napatay niya, di ba? Hmm?

Umupo ako sa pagkakahiga ko sa napakalaking kama nitong kwarto. "Haay." pagod na sabi ko. Oo, pagod. Pagod sa kakahiga. At pagaod sa kakaisip sa kung ano ang gagawin ko dito sa loob!

Huaaaaa! Ayoko na! Wala na akong magawa! Da't pala di na ako sumama. Da't pala nagkunwari nalang ako na masama ang pakiramdam ko? Hays.

Humiga nalang ulit ako at kinuha ang cellphone ko para makapag internet ng kaunti. Hayz, di talaga akez masyadong ma internet, but gora.

Nag YT ako at bumungad sakin ang isang video about sakin. Siyempre, plinay ko.

"DJ Langit! Ang babaeng sumikat nang dahil sa radyo. Ang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang manlait ng kapwa. Pero 'wag ka. Gustong gusto siya ng madla, dahil lahat ng kan'yang nababara ay uuwing nganga at wala nang magawa kun'di ang tawag ay
ibababa. Heto ang mga video ng kanyang mga nababara.

DJ Langit on the media: Aso ka ba? O napag-utangan?

Girl sawi: Ha? Bakit naman?

DJ Langit: Eh pano ba naman kasi! Ang hilig mong maghabol!

DJ Langit on the media: Oh, kalma ate gurl. Wag ka namang beast mode. Baka imbes na maging Emma Watson ka, maging yung kapartner ka niya.

DJ Langit on the media: Hayup ka din eh no? Galing manulot ng jowa! Isang trophy para sayo!

DJ Langit on the media: Sige, iyak lang. Tignan natin lahat kung di ka maubusan ng tubig sa katawan. Ma dehydrate ka sana!

DJ Langit on the media: Hinay hinay! Di ka mauubusan ng saging!--- Ah este, lalaki!"

Panlalait ba yon, o mga compliment? Nakakaloka, ha. Umirap nalang ako, tumayo at lumapit sa malaking bintana.

Tanaw ko na agad silang lahat na nasa may mga pool. Nakapabilog sila at mukhang nagmemeeting. Wait. Bat di ako nainform? Diba, kahit papano, tatawagin nila ako dito sa kwarto ko? Nakalimutan na ba nila ako? :((

Saadneeeeeessss! :((((((

*Tok* *Tok*

Ayy. Whuts dut? May kumakatok?

*Tok* *Tok*

Ayy. Inulet.

*Tok* *Tok*

"Sky?" teka. Parang kilala ko to ha!

Agad akong nagayos ng mabilisan. Ok ba yung buhok ko? Yung suot ko? Ok ba? Ok sige. Lumapit na ako sa may pintuan, huminga ng malalim at saka binuksan.

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now