Track #3

37 4 0
                                    


#DJLangitWithKita





"... And this song, is for you." sabi ko sa caller at may plinay ang music na makakarelate sa kanya.




In-off ko lang yung mic at ibinaba ko ang headphones ko sa leeg ko at inikot ang upuan ko. Pero pagharap ko..




"Huy!" sabi ko at napatayo. Pano ba naman? Eh halos maglapat yung maharot na labi ni Seeyan sa akin.


"Hahahaha" tinawan lang ako nung loko. Sarap hambalusin 👋


"Tawa ka diyan. Muntik mo na akong mahalikan, mokong ka." sabi ko.



"Sus. Gusto mo rin naman, baby eh."





Hutangn? Baby?!






"Hindi ako sanggol para tawagin mong baby!"




"Edi babe." chill niyang sabi at saka umupo sa swivel chair niya.





"Hindi ako baboy."





"Edi sweetheart"





"Hindi ako matamis na puso."





"Edi my loves"




"Hindi ako sayo at hindi ka sakin, kaya wala kang karapatang mang angkin. Tigilan mo nga ako, Seeyan." Kahit deep inside kinikilig ako, eheheh.Alangan ipakita ko na kinikilig talaga ako. Pa demure muna, eheheh.



Tinignan ko lang siya. At nakatingin lang siya sakin. Ang gwapo niya talaga. Yung mga mata niyang mapungay, yung ilong niyang matangos, yung labi niyang...hayst.....


"Hoy ano yan?" singit ni DJ Nimingho. Tngn naman eh. Nagtititigan na kami eh. "Patapos na ang kanta, harutan pa din? Balik na! Ang haharot neto!" sabi pa ulit niya at umupo na ako at sinuot na ang headphones.









Edi sorry na. Tao lang lumalandi rin.😜








"And~ down to the last caller! This is DJ See, hello!" panimula ni Seeyan.





"Kyaaaaahhh!" sabi nung caller.




"Hello! Magpakilala ka na!" sabi ulit ni Seeyan.





"Kyaaaah! Oh my gulay! Kyaaahh! Si DJ See ang nakasagot! Kyaaaah! Ahhhh!! Kyaaaaahhh!"




Anak ng pating. Ano ba namang caller to? Ang sarap paabangan sa kanto.


"Uhm, K-caller? Magpakilala ka na?" singit ko.


"Che! Wag ka nga sumama sa usapan, DJ Langit, epal ka eh. Kyaaaah! DJ See! Oh my gosh! Kausap na kitaaaaa!"


Aba't ang kapal? Baban kita jan eh. Ang harot mo ah.



"Hahaha, hi caller! Magpakilala ka na! Para naman malaman ko na pangalan mo. (Yeah!)" sabi ni Seeyan at saka naglagay ng mga sound effects.



"Kyaaaaaaah! Sige na nga! Tawagin niyo nalang po akong Babe, ahihihi!"



Wth. Ito talagang babaeng to makakatikim sakin eh. Babe?! Gigil niya si ako. 😑😡





"Hoy ateng maharot. Para kang sinigang. Kilig na kilig lang? Ha? May problema ka ba talaga? O tumawag ka lang para makausap si See-- Si DJ See? Ano? Ha? Eh kung tatawag ka lang dahil sa kanya, mabuti nang babaan ka namin at i-ban dito sa station na to! Ano?! Ha?!" palakas ng palakas kong sabi sa malanding caller.




K-Radio | KnWhere stories live. Discover now