Track #8

11 1 0
                                    

#DJLangitSweetDate

Nakarating naman kami sa restaurant ng matiwasay. Walang kulang na dalire at bangas sa mukha. Well, pagod sa kaka-racing na puso, oo.

Kung itatanong niyo kung may nangyari pang kabaliwan pagkatapos, ay wala na. Nakakalungkot nga eh. Tsk. Dapat nagpakilig pa siya, huhu.

Nakaupo kami sa isang table for two. Alangan namang dalawang table for two diba? Bakit apat ba kami? Ok, skl. Hehehe.

Tumitingin ako sa paligid nang madako ang tingin ko kay CX.

Inangat ko ang mga kilay ko na para bang nagtatanong kung bakit siya nakatingin sakin.

"Wala naman, hehe." sabi niya at ngumiti. Pero di ko pa rin inalis ang tingin sa kanya. "Ok, I quit." sabi niya.

"Huh?"

"Ayoko na."

"Ayaw mo na?"

"Ayoko nang magpanggap na mahiyain. Sorry, Sky ah?"

"Huh?"

"Ok. Hindi talaga ako demure, ok? Kung inaakala mo na mala-Maria Clara ako, eh nagkakamali ka. Oo kanina, kase hiya ako sayo eh, ehehe. Pero," kumibit balikat siya. "Ngayon hindi na. Tutal opportunity na to." sabi niya pa at ngumiti.

Nagulat ako. Pero slight lang. Pero shems naman, opportunity daw oh!

Tumango nalang ako. "O.. K? Order na tayo?" sabi ko at ngumiti.

Di nagtagal, dumating na yung mga inorder namin. Baby back ribs sa kanya at Blue Marlin sakin. Habang kumakain, kwento siya ng kwento. Para tuloy bumaligtad yung sitwasyon ngayon. Ako naman yung tahimik. Lels. 😜

"So yun nga, may dalawa akong kapatid. Isang lalaki and isang babae. Yung isang lalaki, kamukha ko. Tas yung babae kamukha with slight na papa ko. Kase, kamukha ko si mama. Tapos, Panganay ako. Tas yung lalaki, tas yung babae. Ikaw. Magkwento ka naman. Antahimik mo jan eh." sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya at kumakain. Ano ba pwede sabihin? Huhu.

"U-uh. Nakita mo naman. May dalawa akong kuya. Bunso ako. May nanay akong mahina ang pandinig."

"Weh?"

"Bakit? Ngayon ka lang naka-encounter ng ganon?"

"Hindi naman. Nagtataka lang ako kung paano ko ipapaalam sa kanya na liligawan na kita." sabi niya at nangalumbaba at naglipbite na makatulo laway sabay kindat.

Anak ng pitong kagaw naman!

"Umayos ka baka mahulog panty ko." Hala! Ba't lumabas sa bibig ko yon! Pota!

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?" naguguluhang sabi niya.

Malamang sa malamang hindi niya narinig yon. Kase kung narinig niya yon, may makahulugan at nang aasar na ngiti na ngayon ang nasa labi niya.

Kaya nag isip nalang ako ng posibleng palusot.

"Ah.. Wala. Sabi ko, kain na tayo?"

Mukhang nag hesitate siya at first, pero mukhang naniwala naman siya. Hihi.

Pasubo palang ako ng isang kutasang kanin ay nagtanong siya.

"Dominique Skyler, diba?"

Binaba ko yung kutsara. "Yeah." at tinaas muli.

"I wonder, pano naging Nikki? Nikki diba? Tawag nila yon sayo?"

At binaba ulit ang kutsara. "Dominique. Nique. Nikki." at sinubukan itaas muli.

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now