#SkyAndCX
"Felicityyy!!" sigaw ko nang makapasok ako sa kwarto ni Felicity.
Nadischarge na pala siya sa ospital. At ngayon, nasa kwarto na siya ng bahay nila.
"Hay nako, andito ka na naman." naiinis na sabi niya nang niyakap ko siya
"Grabe naman this beks. Alam mo, ikaw lang yung kaibigan na alam kong ayaw na ayaw sa kaibigan nila." sabi ko at humiwalay sa yakap at umupo sa tabi niya.
"Anong magagawa ko? You've got to love me for what I am." sabi niya at nag shrug.
"So, yun na nga! Pumunta ako di--"
"So kaya ka lang pumunta para may sabihin sakin?"
"Oy, hindi naman, ahahah. Ok, let me rephrase that. May sasabihin din ako sayo." sabi ko at ngumiti ng sobrang laki.
"Malaki ngiti mo ah? Dinaig si Mcdo sa laki ng labi. Anong sasabihin mo?" nakangiti niyang sabi.
"Si future guy...."
"Oh? Anong meron?"
"Siya muna yung papalit sayo sa radio." sabi ko at ngumiti ulit ng malawak.
"Oh my gosh! Yiee!" sabi niya at hinila ang buhok ko.
"Aray naman!"
"Taray! Haba ng hair! Hanggang EDSA, nahiya traffic!" pang ookray niya.
Inirapan ko nalang siya. "Pero grabe, Fel. Ayoko umasa sa mga sinasabi mo. Ayoko maging fool na naman para maniwala na siya si future. Na ayoko lokohin yung sarili ko. Pero kasi, dahil don, parang naniniwala na ako sa destiny. Dyan sa sinabi mo." sabi ko at ngumiti out of the blue.
Wengya.😂
"That's what you called love. Naniniwala ka sa lahat." lutang niyang sabi.
Alam kong ansarap nang dukitin yung mata ko sa kaka irap kaya ginawa ko na ulit. ✌
"Love agad? Kakakilala pa lang, love agad? Anlabo naman non." natatawa kong sabi.
"Ganun talaga." pasayaw sayaw pang sabi niya.
Napailing nalang ako at yumuko.
"Ay, wait." niya.
"Ano?"
"Edi dala-dalawa boylet mo ngayon?" nabibiglang sabi niya.
"Grabe, hindi naman." natatawa kong sabi.
"Sus! Ewan ko sayo!" natatawa rin na sabi niya.
"AHAHAHAHA!" tawa ko. 😂
"AHAHAHA! Basta akin yung isa ha?" pagbilin niya pa.
"Oo naman. Sayong sayo na. Kaya nga nagkaganyan ka eh" sabi ko at tinignan siya😂
"AHAHAHAHAHAHAHA!"
At nagtawanan lang kami.
BINABA ko na yung mga gamit ko pagkadating ko sa kwarto ko. Umupo ako sa couch at tumingin sa number na nakasave sa cellphone ko bilang si CX 😂.
Napangiti naman ako at ibababa na sana ang telepono nang..
*Tweet tweet*
YOU ARE READING
K-Radio | Kn
FanfictionSi DJ Langit. Ang babaeng sumikat nang dahil sa radyo. Ang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang manlait ng kapwa. Pero 'wag ka. Gustong gusto siya ng madla, dahil lahat ng kan'yang nababara ay uuwing nganga at wala nang magawa kun'di ang tawag ay ...