#DJLangitMostUnexpectedCaller"Nikki, tignan mo yung mga comments dun sa picture niyo ni CX mo." nagmamadaling sabi ni Fel.
Tahimik lang kami habang nagmemerienda sa studio habang nagiintay na mag on air ang program namin nang bigla naging hysterical tong si Fel.
"Huh? Bakit?" sabi ko at lumapit sa kanya at tinignan ang kanyang cellphone. "Hala siya.
"Bakit, Ba?" tanong ni CX at lumapit din saamin.
"Ha? Ah eh.." sabi ko sabay turo sa kanya sa phone ni Fel.
Ang nakalagay lang naman ay puros...
Jusko.. Para sa masa lang yan. Di yan totoo.
Yang si DJ Langit? Di pa yan over sa ex niya eh.
Oo nga. Rebound lang yang si DJ Ulap. Sayang, papi pa naman. Kawawa.
Grabe ka, DJ Langit. Akin ka nalang, DJ Ulap! HAHAHAHAHA!
User ka, DJ Langit. Wag ka nga manggamit para sa sarili mo.
Saka, diba may gf si DJ Ulap?? Diba pang radyo lang yung LT nila??
Biglang pumasok ang espiritu ng kaba sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit. Tumingin lang ako kay CX at kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Tumingin siya sakin at nawala ito lahat.
"I hope you're not believing them." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"I should be the one telling you that." sabi ko at hinaplos ang kamay niyang humahawak sa isa kong kamay.
"You shouldn't be. Kase ako, bad comments, criticism, and them judging everything—judging us, won't stop me from loving you. Kase ako, sayo ako naniniwala. Mahal mo naman ako, diba?" sabi niya at hinaplos ang pisnge ko.
"Of course." mahina kong sabi. "So much." sabi ko sabay yakap ko sa kanya.
"Me too."
Alam ko, sa sarili ko, na hindi totoo ang mga sinasabi nila. Na mali silang lahat. Mahal ko si CX. Mahal na mahal. Ipinaglaban ko siya. Hindi pa ba sapat na rason yon para masabi ko na mahal na mahal ko siya, at seryoso ako sa kanya? Na totoo akong nagmamahal sa kanya? Na hindi lang ako basta gamitera? Na para maka-move on ako, na I'm using someone? I know my feelings. And my feelings for CX are sacred, true, and will never fade. Ever.
"Ay taray may linyahan na nagaganap. Pinakita ko lang sainyo, nagsi-dramahan na kayo diyan. Hala sige, magsi upo na kayo. Mag oon air na. Wag na kayo madrama, wala lang magawa ang mga bashers. Ansasarap tirisin!" sabi ni Fel habang ibinabalik kami sa upuan namin.
Itinawa nalang namin ito at sinimulan na ang programa. Agad naman na may tumawag.
"DJ Langiiiiiiiit! Tulungan niyo naman po akooo!" bungad ng isang babaeng caller na may maliit na boses.
"Hi caller! Magpakilala ka na!" sabi ko.
"DJs, ako po si Pia. Nagmahal, iniwan, nasaktan, at sumubok na magmove on. Pero habang kasalukuyan na nagmo-move on po ako, may dumating na lalaki sa buhay ko. Sinabi niya po na tutulungan niya po ako magmove on. Hindi pa ako pumapayag, ngunit nagpakatotoo po siya sa pangako niya. Napamahal na po siya sakin. Ngayon, ako po ay muling nagmahal, ayoko na pong masaktan. Ok lang po ba na bigyan ko siya ng chance kahit di pa ako nakakamove on sa past ko? Baka kasi isipin nila na rebound ko lang siya. Patulong naman, DJ Langit, oh." paliwanag niya
Sumulyap ako kayna Fel. Pagkatapos ay kay CX. Nginitian niya naman ako, kaya sinuklian ko ang ngiti niya sa paghawak sa kamay niya.
Huminga ako ng malalim at nagisip ng maisasagot kay Pia.
YOU ARE READING
K-Radio | Kn
FanfictionSi DJ Langit. Ang babaeng sumikat nang dahil sa radyo. Ang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang manlait ng kapwa. Pero 'wag ka. Gustong gusto siya ng madla, dahil lahat ng kan'yang nababara ay uuwing nganga at wala nang magawa kun'di ang tawag ay ...