Track #7

25 1 0
                                    


#DJLangitsNotADateButADate

"Mudra, sigurado ka bang ok lang tong suot ko?" sabi ko habang ilang na binababa yung laylayan ng dress na pinasuot sakin ni mama.

"Ano? Sinarado yung kabaong ng tuhod mo?" nagtatakang tanong ni mama.

Napangiwi naman ako. "Ma. Si-gu-ra-do-ka-bang-o-key-lang-tong-su-ot-ko?!"

"Sinisigawan mo ko?" galit na sabi niya.

Napailing nalang ako at napakamot sa ulo.

Maya maya, pumasok si pudra sa kwarto. Gulat ang bakas sa mukha niya.

"Anak, magni-ninang ka ba? O magsisimba?" nangaasar na naman si puds.

"Puds naman."

Wala namang ispluk si mudrabells. Baka hindi kami naiintindihan. Dumiretso nalang ako sa walk in closet ko at pumili ng mas casual.

Kinuha ko yung black cropped top ko saka yung black ko na pants na high waist na maraming butones. Pati na rin yung maroon ko na vans. Sinuot ko na rin yung bracelet kong Cartier

Pagharap ko sa salamin nagulat nga naman ako sa damit ko. Agad akong nagpalit at baka dumating na si CX.

Lumabas na ako sa walk in closet at kinuha yung Mango ko na sling bag.

"Ano ba naman yang suot mo, Skyler! Hindi pormal para sa date!"

"Hindi po date yon! Labas lang!"

"Okay na yan, Bbb! Yan ang uso! Osya anak, larga na!" sabi ni puds.

Lumabas na ako mg kwarto at bumaba ng hagdan. Kita ko yung dalawa kong kuya na nakabantay kay CX. Nasa gitna siya nila kuya. Jusko, andito na pala siya walang pasabi.

"Kuya!" tawag ko sa kanila.

"Sky!" sabi nila at lumayo sa pagiipit kay CX.

"Ano bang ginagawa niyo?"

"W-wala naman." utal na sabi ni Kuya Star.

"O-oo! Kinakausap lang namin si pogi." sabi naman ni kuya Sunny.

"Haist. Lika dito, CX!" sabi niya at umalis sa pagkakaipet.

Naglakad siya papunta sakin at amoy ko kaagad ang napakabangong pabango niya. Shet. Amoy pa lang ang gwapo na. Lalo na yung itsura niya ngayon, shet.

Naka black lang siya na t-shirt na may bungo at shorts, Iconic socks at vans. Naka brush up din ang hair tapos ay naka shades na black. Potek ang gwapo.

"Oy lalaki, ingatan mo yang kapatid namin ah!" sabi ni Kuya Star.

"Pag yan nasaktan, kahit na makagat ng langgam, alam mo na mangyayari." banta pa ni Kuya Sunny.

Jusko mga kuya ko. Napailing nalang ako.

"Hehe. Opo mga kuya."

"He-he-he." awkward kong tawa. "Lika na." sabi ko at hinigit si CX palabas ng bahay. "Ba't hindi ka nagtext man lang para nakababa ako kaagad. Naipit ka tuloy nila kuya." nahihiyang sabi ko at pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niyang Lexus RC 350. Enebe pinagbuksan eke, kilig eke pero pademure muna. 😁

Pagkapasok ko sa loob ay agad siyang nagmadali na pumunta sa kabilang pinto para makapasok na rin.

"Ha?" nakangiti niyang sabi at nakatitig sa mga mata ko.

"Ang sabi ko, bakit hindi kanagtext man lang para nakababa ako agad at hindi ka naipit nila kuya." sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Ah. Hehe. Ok lang, ano ka ba." sabi niya ng nakangiti ulit at nagkibit balikat saka tumingin sa harap at nagsimula na magmaneho.

Gan'to ba ang lalaki pag pabebe? 😁

Tahimik lang kami buong biyahe. Kung ano ang kinakapal ng mukha sa text, ay ngayon naman ay dinaig si Maria Clara sa kahinhinan. CX bebe, why you like that? Hehe.

"Antahimik naman.. Haha." basag ko sa katahimikan.

"Ah, sanay ka ba sa music? Sorry, nakalimutam kong buk--" sabi niya at akmang bubuksan ang radyo pero pinigilan ko siya.

"Hindi, hindi! Ok lang! Sawa na ako sa radyo, haha. What I mean is, an-tahimik mo naman."

"Ah! Hehe. P-pano ba naman? Kasama ko si crush eh. Ehehehe."

Pota ano daw?! Crush?! Kasama niya si crush?!

Pero again, pa demure muna kaya tumingin kunwari ako sa paligid.

"S-sino?" tanong ko habang naghahanap sa backseat

"Hahaha! C'mon! Ikaw yung sinasabi ko, 'to naman oh. Hahaha!

"Ahahaha!" tawa kong peke at hinampas siya kuno.

Enebe kyah, nahihiya naman eke kyah!

"Ahaha.. San tayo pupunta?" peke kong tawa ulit.

"Sa forever?" putcha. Ang corny pero, putcha nakakakilig. Nakakakilig na nakakaines.

Pero still, pa demure muna. Pero deep inside nagwawala na yung laman loob ko.

"Ha?" na-w-weirdo-han kong sabi.

"Ah! Sa.. Sa.. Sa Garlic Chowder's! Oo! Dun nga, hehe." sabi niya at ngumiti.

Kunwari hindi ako napopogian sa kanya kaya tumango nalang ako.

"Ah.. Oo nga masarap don."

"Oo, masarap don eh." sabi niya habang nakangiti lang at nakatingin sakin.

"Haha, oo noh? Haha, harap ka sa daan noh? Haha, baka mabangga tayo noh? Haha." sabi ko sa kanya.

"Ay, oo" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

POTA! YUNG KAMAY KO?! OO YUNG KAMAY KO NGA!

"Ay, sorry" sabi niya at napabitaw. Ay sayang.

Pero puchaaaaa!

"Kala ka ko kambyo, sorry!" sabi niya pa.

Hutaaa talaga!

OMG! OMG!

"Haha," peke kong tawa at ngumiti na hindi abot mata. Yung parang as in labi lang yung nakangiti- - SO, KAILANGAN KO PA BANG I-EXPLAIN SAINYO YUNG NGITING MERON AKO EH KINIKILIG NA NGA AKO!!

So yun nga. Ngumiti ako ng ngiting sinasabi ko at humarap sa salamin sa gilid ko at tahimik na nagkawala ng sobra sobrang ekspresyon na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag abuso sa pagmumukha ko slash paggamit ng iba ibang facial expression.

"Pucha! Oh my ghaaad! Pupunta daw kaming pureber! Crush niya daw ako! Tapos hinawakan yung malanding kamay ko, pucha!" galaw ng bibig ko without tunog.

Pero...

"Ah, Sky? Are you ok? Anong gina- -" sabi niya na ikinaharap ko.

"Ha? I'm ok! Yes, I'm super ok, noh? Ok ako! Hahaha." sabi ko ng tuloy tuloy.

"Ah, ok! Basta ok ka, ok din ako. Hihi."

Oh this ride will be so nakakaloka.

💙

So ayun na nga. Late ako nakapag update huhu sorry na ulet😂

Please Vote, comment and share💕

Para naman ganahan ako magsulat😔

Pa add and follow mga Bbb😂

🐤: @alexiaaaduran
📷: @duranalexiaaa
Facebook: Alexia Cassandra Duran

Pakilala kayo na reader ha, AHAHAHA!

Use the hashtags naman mga Bbb sa twitter or ig or fb.😚

Saka may new story ako, soon ipublish ko pag medyo patapos na tong story. Kaya dapat magvote kayo😂 para ganagan ako magupdate saka para matapos ko na saka para mapublish yung isa pa, and marami pang iba!😂💕

Love you chowders!💙

Always the sabaw,
GarlicChowder💕

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now