Track #11

28 1 0
                                    


#DJsinSicknessAndinHealth

"Bye." sambit ko sabay babye ng kamay sa paalis na kotse ni CX. Alas-diyes na ng gabi at binaba niya ako dito sa labas ng bahay namin at ako ngayon ay kasalukuyang nakangiti sa naglahong kotse ni CX.







Nakangiti ako na naglakad papasok ng bahay with matching kalandian sa paglalakad and pagipit ng buhok sa likod ng tenga plus pagkagigil sa bag ko.






"Enebe nemen kese yen eh. Hehe!" kalandian ko, saka ako pumasok sa bahay.





Pagkapasok ko, kita ko kaagad sina kuya Sunny at kuya Star na naglalaro ng Xbox sa sala at sina muds at puds naman ay naghaharutan sa dining area. Napatigil silang lahat dahil sa pagdating ko.





"Kamusta, na- - " naputol ang pagsasalita ni puds nang paulanan ako ng tanong ng dalawa kong kapatid na imbestigador. Aba'y dinaig si Mike Enriquez. Kainis!






"Bakit ngayon ka lang?"

"Anong ginawa niyo?"

"Nagamit ba yung condom ni CS?"

"Saang otel kayo tumuloy?"

"Libre niya ba lahat?"

"Nasaktan ka ba? Papatayin ko yon, sabihin mo lang!"

"Ano? Sumagot ka, uyy."





Kinuha ko yung invisible whistle sa ere at hinipan ko. "Ano ba kayo, ha? Masyado na kayong over protective eh! Super over over na, na iba na yang iniisip niyo! Ayaw niyo na masaktan ako, pero yung iniisip niyo—ahhh! Nakakainis na eh! Pwede bang minsan, tumino naman yang mga utak niyo? Hindi ba pwedeng lumabas lang, friendly date lang? Gumala lang? Ayaw niyo na mabastos ako, pero yun ang nasa utak niyo kahit hindi naman yun yung nangyayari sakin! Puro kabastusan lagi ang nasa isip niyo eh! Tama na, ok? Tama na!" pageeklabu ko para matigil na ang lahat ng ito at para makapagpahinga na ako.





Nakakasura lang kasi. Lagi nalang silang ganon. Imbes na mag wonder ako sa date namin ni CX, yung kalandian ko, yung fireworks at yung mukha kong parang kamatis, eh hindi ko na nagawa dahil sa pagka over sobra ng mga kuya ko. Nakakatawa lang isipin na, iniisip nila yung mga ganong bagay, eh hindi pa nga kami nag k-kiss eh.





Mabilis at padabog akong umakyat ng hagdan at malakas ko rin na sinarado ang pinto. Naglinis lang ako ng katawan ng mabilis at nagbihis, saka humiga.






Nakakainis talaga sina kuya. Ba't nila kailangan nila magisip ng ganon? Ang dudumi ng isip. Ang babastos. Oo, alam ko na ako ang nagiisang babaeng anak slash kapatid, pero utang na labas, malaki na ako! Hindi na ako bata na iiyak nang dahil sa inagawan ako ng kendi pero iiyak ako dahil inagawan ako ng lalaki! Ay mali. I shoudn't have said that. Naks, may pa english-english pa.






Pero yun na nga. As I was saying. Nakakayamot sila. Itulog ko na nga ito.






So ayon natulog ako. Ay bago pala ang lahat. Magdarasal pala muna akeshiwaps.





Papa God,

Hello po again! Ansaya ko po kanina. Opo kanina lang. Siyempre po, ahih. Nakasama ko si CX ih. Hihi. So ayun po, lumandi na naman, wala na naman pong bago. Likas na malandi po itong anak niyo. Haha. So yun po Papa God. Thank You po kasi, hinayaan Niyo na naman po ako na kiligin at sumaya.

Pero Papa God, lagi po bang kailangan na may kapalit yung pagiging masya natin? Kailangan po ba pagkatapos ng maraming saya ay maramg lungkot naman? Kasi po, naiinis po ako kayna kuya pagkauwi ko po. Binato po nila ako ng mga nakakahiyang mga tanong na ako po mismo sa sarili ko ay nahihiya. Nakakainis na po eh. Over over na po eh. Lagi nalang po silang ganon at napapahiya na po ako. Kailan kaya sila titigil?

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now