Track #9

13 1 0
                                    

#SongHeyMo&SongSungKi

"And I'm back, mga balakubak! *Ahahahaha* Charos! AHAHAHAHA! So, kamusta naman kayo *music* ok ba kayo? *music* namiss niyo ba ako? *music* pwes ako hinde! *Ahahahaha* Charos! Welcome everybody dito sa K-Radio 143.3" panimula ni DJ Nimingho kase kakabalik niya lang.

"Oy, DJ Nimingho!" tawag ko.

"Oh?"

"Grabe ka ha!"

"Bakit naman?"

"Iniwan mo ko!"

"Sorry na! Nasobrahan kasi ang kalandian eh, kaya nagkaganto. *Ahahaha*"

"Pero ok lang, iniwan mo naman ako with two papabols!" Sabi ko at tumawa.

"Oo nga eh, kaloka ka nga inday eh. Andaya mo."

"Ikaw eh. *Ahahaha* Siya nga pala, DJ Nimingho. Mayron tayong bagong DJ ha!"

"Ay, oo nga daw!"

"Oo nga! Eto siya! DJ Ulap!"

"Hello, hello everyone!" bati ni CX.

"Ay ang gwapo mo, kaazar naman bakit mukhang bagay tayo?" sabi ni DJ Nimingho

"Ahahaha," tawa niya. "Talaga ba, DJ Nimingho?"

"Oo nga! Pero alam mo, mas bagay kayo ni DJ Langit!" sabi niya habang nakatingim sakin sabay kindat.

Sinamaan ko siya ng tingin. Dukutin ko mata neto eh.

Pero gaya ng lagi kong sinasabi, deep inside, nagpapa thank you ako sa kanya.

"Ahahaha, talaga?" pa inocente pa tong si kuya mo. Sarap lunudin sa timba ng mga ginawa niya kanina saken!

"Oo naman! Tignan mo, lapit nga kayo dali. DJ Ulap, lapit ka nga kay DJ Langit." sabi niya at naglabas ng cellphone.

Putalittlemon to ah.

At eto namang nasa tabi ko, lumapit nga ang mokong.

"Ayan, smile naman kayo! Dali!"

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti nalang. Alangang panget ako sa picture diba? Ipagkalat pa yan ni Fel.

"Ayan! Very nice! Ayan na mga K-Listeners ha! Abangan ang ipo-post ko! Ganda ganda! Cute cute niyo! Ship ko kayo!" sabi niya habang nagpipipindot sa phone niya.

"So ayon na po ano? Kung may mga K-Dramahan kayo sa buhay, *yeah* o mga may i-K-kwento, tawag na!" sabi kp para di na niya mapahaba yung ship ship na yan.

"Habang nag iintay sa mga tatawag, may sasabihin lang ako." sabi ni DJ Nimingho.

"Ano na naman ba yon?" sabi ko.

"Eh kase, bagay lang talaga kayong dalawa, eh. I can't help it! Gusto ko kayo gawan ng ship name! Kaya kayong mga K-Listeners, tulungan niyo naman akong magisip ng ship name ng dalawang to, ha? I-tweet lang ang ship name na ginawa mo at gamitin ang hashtag na #KRadioLoveteam, and ang price ng mapipili ko ay gagawin nilang ship name ang kinomment mo, plus a chance to see then in person at makakausap namin live dito sa K-Radio 143.3." sabi ni DJ Nimingho.

Aba't ginawa pa kaming palaro. Jusko ka, Roberto Eduardo Feliciano ka!

"So, let's proceed na nga ano? Meron na ba tayong unang caller, DJ Ulap?" tanong ko.

"Ayieee!" nagulat naman ako nang naghuhumiyaw tong si DJ Nimingho. Sarap pasakan ng papel sa bunganga eh. 😂

"Haha, so meron na nga tayong caller, DJ Langit noh?" sabi niya.

K-Radio | KnWhere stories live. Discover now