Chapter4(FIANCE?)

453 24 3
                                    

Cellphone vibrate

6:00am

Tumayo ako at hinahanap ko yung cellphone ko na kanina pa nagri-ring at nakita ko ito sa ilalim ng higaan ko kinuha ko ito at pinatay. Pagtayo mula sa sahig dahil kinuha ko pa sa ilalim ng higaan napalingon ako sa kama ni jennie at ayun hindi na ko magtataka nakatihaya parin siya at ang lakas humilik ahhh daig pa alarm clock ko sa bahay.

Niligpit ko na ang higaan ko at dumeretso na ko sa CR para makapag-shower kinuha ko ang cellphone ko para ipatugtog. Nakasanayan ko na kasi na maligo ng nagmu-music I play my favorite music that I always playing when I'm bored.

Relaks It's Just Pag-ibig

Naranasan mo na bang umiyak ng walang dahilan,

Kiligin at matuwa sa maraming kababawan,

Tumingin lang siya parang wala ng bukas pa,

Kung umasa ka wagas lord sana di niya ko iwanan,

Isip-isip lang ang kailangan

Kaya relaks ka lang its just pag-ibig hinga ka lang marereplayan ka din

Relaks ka lang its just pag-ibig maghintay ka lang oh-ohhh kase may HAPPY ENDING ka rin.

Ito ang dahilan kung bakit ko gusto ang kantang ito. Para kasi sakin napaka-meaningful nya. Habag patuloy ang kanta at patuloy ang pagbagsak ng tubig mula sa shower bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

***

Paglabas ko ng restaurant naglakad na ko papunta sa hotel. Habang naglalakad nagulat ako ng may biglang tumakip sa bibig ko, at hinatak niya ko papunta sa madilim na lugar ng resort na ito.

Nagpumiglas ako pero hindi kinaya ng lakas ko dahil mas mapuwersa siya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bibig ko. Sinisiguro niya na hindi ako makaka-sigaw.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sino ka ba?

Anong kailangan mo?

Hindi ko alam kung anong lugar ito ng resort pero sa tingin ko isa siyang garden pero walang ilaw kahit isa. Hindi naman gaanong madilim dahil maliwanag ang buwan. Huminto kami banda sa may puno at unti unti niyang tinanggal ang pagkakahawak sa bibig ko.

Mula pagka-talikod unti-unti akong humarap sa taong nagdala sakin dito nanginginig ako sa takot at kinakabahan.

Pagharap ko. Dahil medyo madilim pinakatitigan ko siya at unti-unting naliwanagan ang mukha niya sakin mga mata.

"Ikaw?!" Nawala ang nginig at takot ko ng mamukhaan ko siya"Anong problema mo i mean anong kailangan mo bakit mo ko dinala dito?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Dinala kita dito dahil gusto kitang maka-usap ng maayos." Seryosong sagot niya sakin

"Ano namang seryosong pag-uusapan natin?" Walang ganang tanong ko.

"Sasabihin ko na sayo ang condition ko kanina" seryoso ang pananalita niya. Medyo kinabahan ako ng konte.

"Wow ahhh pagkatapos mo kong pagbayarin ng 7k sa kinain mo sa restaurant na yun may condition ka pa pala" naiinis kong pagkasabi

"Pero hindi iyon ang condition ko. Kung ano m man ang condition ko Oo na ang sagot mo hindi ba?" Seryong nga talaga siya. Akala ko sira ulo siya pero bakit ganyan siya magsalita ngayon. Naalala ko kanina nga pala bago nya ko tulungan pina-Oo niya muna ko. Mautak karin pala.

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon