Chapter2(Jennie is in Trouble)

543 20 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung sino ung lalaking iyon. I really dont know why? Bakit niya ko kinuhanan ng litrato habang naglalakad sa hallway ng hotel, hindi kaya iniisip niya na nababaliw ako kasi naka-ngiti ako habang naglalakad? Hayyyss hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman siguro.

Dahil dun parang tinamad na ko na maglakad-lakad pa kaya umakyat na lang ulit ako at aayusin ko na lang ang gamit ko.

"Saan ka galing?" Pagpasok ko pa lang sa pinto , tanong na agad ni jennie ang salubong ko.

"Wala nagpa-hangin lang sa labas" sagot ko at umupo sa kama at kinuha ang maleta ko.

"Dito lang makakapagpa-hangin ka lumabas ka pa" kairita talaga si jennie minsan sarap batukan.

"Bakit ba?! Tinaas kong konte ang boses ko "Gusto ko lang naman mag-isa" pabulong na dagdag ko.

"Really? All of your life nga mag-isa kana tapos gusto mo pang mag-isa? Hayy nako Alexandra ewan ko sayo, hindi ko alam kung tao ka ba talaga o alien ka. Tsss" pagka-sabi nya nun tumayo siya at pumunta sa CR na may dala-dalang damit na pangpalit.

"Sige magbibihis na ko. Hindi naka-tugma dito ung outfit ko ehhh" sabay pasok niya ng CR.

Kahit kailan talaga itong si jennie. Humiga ako at napatingin sa taas, iniisip ko lang ung sinabi niya kanina. Oo nga naman All of my life mag-isa na ko tapos gusto ko pa mapag-isa. -_-

Hindi naman talaga sa gusto kong mag-isa forever, syempre gusto ko rin may makasama sa buhay. Pero sa tingin hindi pa ito ang tamang oras.

Lumabas na si jennie sa cr at tumingin sakin ng hindi ko maintindihan tingin.

"What are you looking at?" Tanong ko sa kanya kasi ang labo niya, nasaniban ba siya?

"I'm looking at you, can't you see" oo nga naman. Ehh bakit kasi ganyan tingin niya kakainin niya ba ko?

"What kind of look is that? Do you wanna kill me or something?" Seryosong tanong ko.

"Oo gaga kakainin na talaga kita kapag hindi mo pa tapusin yang gamit mo at magpalit kana nakuha mong lumabas ng ganyan ehh nasa resort tayo. Bilisan mo na dyan lalabas muna ako, sure ako maraming gwapo niyan." Sabay lumabas na siya ng pinto.

Kaya siguro ako kinuhanan ng litrato ng lalaki kanina, dahil sa suot ko. Siguro nga yun lang yon. Tsss. Don't care! I wanna rest.

Humiga ulit ako at hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako.

***

" heyy pretty wanna play?" Wait nasaan ako sino itong lalaking kaharap ko? Bakit siya naka maskara? Hindi ko tuloy makita ang mukha niya?

"What? I mean who are you?" Tanong ko sa kanya.

" heyy! Did you forgot me? I'm your husband! " ano daw? Husband? Teka may asawa ba ko? Wala naman diba? NBSB nga ko tapos asawa kita.

"What?! Kailan pa? I didnt know you? Wala akong asawa" tanong ko sa kanya na nagtataka.

"Pero ngayon meron na. At ako yun?"seryosong sagot niya.

"Kung asawa kita bakit hindi tanggalin yang maskara mo at ipakita sakin ang mukha mo?" seryosong tanong ko.

"Hindi pa pwede. And I'm affraid dahil baka ipagtabuyan mo rin ako kagaya ng ginawa mo sa mga manliligaw mo. Pero bakit mo sila sinaktan at anong problema mo? Bakit hanggang ngayon single ka parin at hindi pa nahalikan? Huwag kang matakot magmahal dahil lahat tayo nabubuhay sa pagmamahal. Without love no one people can live. Wake up ALEXANDRA UZULAN!"

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon