Chapter29(How to be a Wife?)

218 5 0
                                    

Alexandra's POV

Palapit nang palapit ang araw nang pagiging isang asawa. Bukas magsisimula na si Jack sa pagpasok sa opisina at ako naman magsisimula naring mag-aral ng mga bagay na kailangan kong matutuhan as a wife. At sisimulan kong mag-aral kung paano magluto. That Feeling, kalalaking tao ni Jack mas marunong pa siya sakin magluto. -_-

"Hey Alex! Wassup? Bakit ganyan itsura mo?" Nagulat ako nang gulatin ako ni Jack. Gising na pala siya. Naka-upo kasi ako sa Sofa at nag-iisip. "Alam mo ang gulo mo! Hirap na hirap na nga akong mag-isip kung ano pang dapat kong gawin bilang asawa mo. Lalo na't magsisimula kanang magtrabaho bukas." Nakasimangot na talaga ako ngayon. At narinig ko ang pag-ngisi niya. "Seryoso ka? But anyways ang sweet naman pala nang asawa ko!" Nagulat ako nang yakapin ako ni Jack. "Puwede ba Jack! Hindi tayo close okay!" Tinulak ko siya. Kung makayakap kasi parang totoo lang ang lahat? Tsss.

"Ano bang klasing closure ang gusto nang Mrs ko?" Mrs? Yakk! Jeje neto! Sipain kita. Pero parang namula pisngi ko.

"Mrs mo mukha mo!" Tumayo na ako baka ano pa magawa ko sa lalaking 'to! Diyos ko patawarin.

"Heyy! Kinaka-usap pa kita! Wait lang saan ka pupunta?" Hindi ko napansin na sinundan niya ako sa kusina. "Ahh mag-aaral ka ba talagang magluto? Madali lang naman, gusto mo turuan kita?" Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Really?" Lumapit siya sa ref at tumingin ulit sakin. "As a wife you need to check first kung may laman ang ref, siyempre baka wala ka naman iluluto. Kagaya nalang nito. Walang laman!" Kinuha niya ang cellphone niya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"What are you doin?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito para tingnan.


Hey there! O ayan! Bilhin mo lahat nang yan ah. Hintayin kita. Make sure lahat yan mabibili mo.

Youre Husband Jack! :)

** Ingredients **

Tumingin ako sa kanya. "Ano pang ginagawa mo Mommy? Go na hangga't maaga."

"Sure ka na ako lang mag-iisa mamimili?" Anong alam ko sa mga ito?

"Yup. As a wife hindi lang pagluluto ang ginagawa mo ikaw din mismo ang magg'grocery nang mga kakailanganin. Kaya sige na!" Ngumisi nalang ako at umakyat na sa kwarto para makapagbihis.

Pagbaba ko nakita ko siya na nakahiga sa sofa habang nanonood nang T.V. Lumapit ako sa kanya. Inilapad ko ang kamay ko sakanya. Tiningnan niya ito, akala ko ibibigay niya ang susi pero hinawakan niya ang kamay ko at hinatak niya ako papunta sa kanya. At ngayon nakapatong na ako sa kanya. Niyakap niya ako at hindi ko maintindihan kung ano bang ginagawa niya, susi lang naman ang kinukuha ko. Baliw na talaga siya.

"Okay sige na mag-iingat ka Mommy ko!" Kumawala ako sa kanya. "Ano bang sinasabi mo dyan. Susi ang kinukuha ko sayo! Akin na!"

"Ito naman ang sungit. Okay ito na." Hinagis niya ang susi sakin at buti nalang nasalo ko. Umalis ako nang nakasimangot. "KAINIS!" lumabas na ako nang bahay at kahit nasa labas na ako narinig ko parin ang pahabol niyang sinabi. "INGAT KA BABE!"

"Babe mo mukha mo!" Sumakay na ako ng sasakyan at pumunta na ako sa market. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Sobra-sobrang pagtulong na yata itong ginagawa ko para sa kanya. Pero aaminin ko, Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Parang ang saya-saya ko kapag kasama ko si Jack. At hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko kapag naglalapit kami sa isa't-isa.

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon