Chapter7(He's going to KISS me?)

380 15 0
                                    

"Dun nalang ako maghihintay sa labas. Bilisan mo nalang." Lalabas na sana ko ng biglang sumara ang pinto at nakita ko ang kamay niya mula sa likod ko. Kinabahan ako bigla.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Pumunta ka dito dba. Tapos lalabas ka?" Medyo nayabangan ako sa tanong niya

Hindi ako na-kasagot. Nagulat ako ng bigla niya akong iharap sa kanya at isinandal ako sa pinto. Hinarang niya ang dalawang kamay niya. At tinitigan ako mula sa mata pero hindi ako makatitig ng matagal kaya linisya ko ang tingin ko. At nakatapis lang ito ng tuwalya kaya ibinabaling ko talaga ang mga mata ko.

"Ano b'b'ang g'gi'ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko.

Hindi siya sumagot at patuloy sa pagtitig sakin. Ano bang ginagawa mo. Kinakabahan talaga ko. Dahil ngayon lang ako hinarang ng ganito promise.

"Ano ba. Paalisin mo nga ko. Kapag hindi mo ko pina-alis hindi talaga ko papayag na tulungan ka." Tiyaka ko siya tinitigan ng masama. Unti-unti niya namang tinanggal ang mga kamay niya. At sa wakas naka-hinga rin.

"Magbihis kana ng mabilis tsaka ka lumabas kung gusto mong malaman ang desisyon ko." Tsaka na ko lumabas sa kwarto niya.

Grabe naka-hinga rin ng maluwag luwag. Umupo ako sa may sala at inikot ko ang aking paningin sa kanyang room. Malawak, pero bakit parang bahay niya na ang dami niya kasing gamit.

"So ano na? Tutulungan mo na ba ako?" Nagulat ako ng narinig ko sya. Tapos na pala siya. Tumayo ako at tumingin sa kanya.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Ehh sinabi mo na sa harap ng magulang mo at sa harap ng maraming tao. Napag-tsismisan na nga ko. Kaya sige pumapayag na ko na tulungan ka, pero may mga conditions din ako." Lumapit ako sa kanya.

"First gusto ko sa kasalang magaganap walang kiss." Panimula ko.

"Ano?! Paano yon? Baka magtaka ang mga taong pupunta?" Tanong niya

"Edi wag na tayong mag-imbita ng bisita secret wedding nalang gawin natin basta makakuha tayo ng contract na magpapatunay na kasal tayo. And secondly gusto ko after wedding parang wala lang. At magka-iba dapat ang kwarto natin seperate tayo okay." Dagdag ko.

"Ano bang klaseng condtions yan?" Tanong niya na natatawa pa.

"Ayaw mo? Okay" aalis na sana ko pero

"Gusto ko. Sige na tuloy mo na." Pagpipigil niya. Gusto rin pala ang daming pang sinasabi.

"Okay and the last one bawal kang mainlove sakin at ganon din ako sayo" pagpapatuloy ko.

"Wow! As if naman magkakagusto ko sayo. Di kita type" nakangising sabi niya

"Edi mas okay" maikling sagot ko. Hindi daw ako type pero first time ko palang siya nakita binigyan na ko ng ganoong kondisyon. Sira ulo yata talaga ito.

"So Can we start now?" Bigla niyang tanong

"What? Now?" Nagtatakang tanong ko.

"Kailan mo pa gusto? Para agad ng matapos ang seven months. After the wedding aalis na kasi ulit ang parents ko. Babalik na silang states dahil doon ang malaking negosyo nila so let's start now. Earlier much better." Paliwanag niya at lumakad papuntang kusina.

"So you mean after wedding aalis na magulang mo? Eh bakit 7 months pa tayong magpapanggap?" Curious kong tanong

"Because seven months akong hahawak ng kompanya namin dito sa manila. Training ko ito kumbaga at kung itatanong mo kung bakit kailangan pa natin magpakasal dahil ayokong maging asawa si Irene na magiging business partner ko dito. At hindi pagpapanggap yung kasal totoo yun ang pagpapanggap ay yung kunware mahal natin ang isa't-isa." Mahabang paliwanag niya. Grabe alam niya talaga na itatanong ko yun. Haha. Matalino ka rin pala Jack.

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon