Chapter9(Jack's Trip)

389 13 4
                                    

Jack's POV

"I said- I' don't' want' to-" medyo seryoso ang pagsabi ko non. Ang sarap niya palang lokohin mukhang akala niya ire-rape ko na siya HAHA! (Evil laugh)

Nagulat ako ng bigla siyang himatayin. Hindi ko expect to ah. Buti agad ko siyang nasalo. Pero God anong gagawin ko? Naka-tapis lang siya ng towel. Panigurado wala pa siyang suot na damit kahit ano.

Dug! Dug! Dug!

Katangahan kasi Jack! Ano pa nalalaman mo. E sorry naman hindi ko naman alam na ganito mangyayari! Tss nababaliw na ko pati sarili ko kinaka-usap ko na sa isip ko.

Wala na kong choice kaya binuhat ko na lang siya ay hiniga ng dahan-dahan dahil baka matanggal yung tapis niya buti na lang hindi. Kumuha ako ng kumot sa kabinet at kinumutan ko nalang siya. Pinaka-takip ko ang buong katawan niya.

Krug! Krug! Krug!

Ayon na sumingit na ang tiyan ko! Nagugutom na ko. Alam ko na. Magte-take out nalang akong pagkain. Pagdadalhan ko nalang siya. Iniwan ko na siya sa kwarto niya at sumakay na ng sasakyan at bumuli ng pagkain. Sa MCdo nalang ako o'order. Mabilis akong umorder at lumabas na. Agad-agad na kong bumalik ng bahay baka ano nang nangyari sa kanya. Nasisiraan na talaga ako ng ulo bakit ko ba kasi siya pinag-tripan! Aishhh~

Pinark ko na agad ang sasakyan ko at pumasok na ng bahay pumunta muna ako sa kusina para mai-ayos ang pina-take out ko.

Pag-pasok ko sa kwarto niya. Kung paano ko siya iniwan ganon ko parin siyang binalikan. Grabe ganon ba talaga siya ka'kaba. Tss

Nilapag ko napang ung pagkain sa tabing mesa.

Ring! Ring! Ring!

Nagulat ako ng mag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Dali-dali ko naman itong kinuha. Pero nang akmang pipindutin ko na ung answer bottom bigla itong namatay.

"Ano kayang kailangan ni Jennie? Bakit siya tumatawag?" Aishhh. Hindi ko na siya nagawang I-call back dahil sa ganitong lagay ni alex. Ano ba yan bakit hindi ka pa gumising?.

Kumuha nalang ako ng papel at ballpen pagkatapos kong isulat ang sasabihin ko kay alex inilagay ko sa tabi ng pagkain. Para kung sakaling magising siya alam niya kung kanino galing yun. Paglabas ko sa kwarto niya pumasok nalang ako sa kwarto ko at itinapon ko ang sarili ko sa kama. At napa-tingin ako sa wall clock. 7:00pm na pala. Ganon na ba talaga kabilis ang oras. Aishhh bakit hindi ka pa ba gumising alex.

Ayy oo nga pala hindi pa rin ako kumakain. Bumaba na ulit ako at pumunta ng kitchen at kinuha ang order ko para sa sarili ko. Kumain lang ako ng kumain because I'm really hungry. Bakit nga pala tumatawag kanina si Jennie? Ano kayang kailangan niya?

Jennie's POV

Ano ba yan kanina pa ko tawag ng tawag kay Lex pati si Jack tinawagan ko na rin pero walang sumasagot. Ano na bang nangyari sa dalawang yun? Kamusta na kaya si Alexandra? Okay lang kaya siya. Hindi naman siguro susuway sa DEAL si Jack at isa pa para sa kanya din naman iyon.

Nandito na ko ngayon sa bahay namin ngayon at boring kase 2weeks akong walang gagawin. Napaliwanag ko na kina manang Loreng kung anong nangyari kay Alex pero ang sinabi ko napatagal ng 7 months ang break niya kaya hindi siya makaka-uwi. Nagtaka sila nung una pero napapaniwala ko rin naman. Kaya okay na yon. Mamaya na nga lang ulit ako tatawag baka marami pa silang inaasikaso ngayon.

Jack's POV

Naubos ko na ang kinakain ko at niligpit ko na ito at umakyat ulit sa kwarto ni Alex and nothing change. Tulog parin. Grabe naman ang pagka-himatay mo ah Alexandra tagos hanggang bone marrow. Haha XD. Lumabas nalang ako ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ko at nahiga na lang ulit.

After 30 minutes

Ring! Ring! Ring

Nagising ako sa vibration ng cellphone ko sa bulsa ko. Hindi ko agad nakuha kasi nga nakatulog ako at inaantok pa ako noh. Aishhh sino ba ang istorbong ito. Pagkakuha ko sinogot ko nalang ito agad hindi ko na tinignan kung sino pa sya kasi inaantok pa nga ako at kasalukuyang naka-pikit ng dalawang mata ko.

"Hello?" Matamlay na panimula ko.

[ Buti naman sinagot mo rin ang tawag ko.]
Nagulat ako sa narinig kong boses. At tinignan ko kung sino sabi na nga ba e. Si Jennie.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

[Wow ah. Malamang manghihingi ng update. Kamusta na? Si alex?] Akala ko naman ako ang tinatanong niya.

"Hmmm okay naman siya huwag kang mag-alala pero hinimatay siya kanina. At siguro hanggang ngayon tulog pa yun"

[What?! Bakit siya hinimatay?!] Aray naman sakit mo sa tenga ah.

"Ehh kasi napag-tripan ko siya kanina e."

At yun nga sinabi ko kung anong nangyari sa amin kanina at ipinaliwanag niya ang lahat. Agad akong tumakbo sa kwarto niya at nang hawakan ko ang noo niya at leeg. Gosh. Totoo nga nilalagnat nga siya. Grabe naman ang sakit na meron ka. Sa ganoong bagay lalagnatin ka ng ganyan. Tss.

Kumuha ako ng hot water at towel na ipamumunas ko sa kanya. Kumuha pa ko ng isa pang kumot sa kwarto ko. Malakas daw kasi siyang ginawin sabi ni Jennie.

Dahan-dahan kong ipinunas sa kamay niya ang towel at pagkatapos binasa ko ito at ipinatong sa noo niya. Kumuha ako ng upuan at umupo sa gilid niya.

Ayy sh*t wala pa pala siyang saplot. Okay na naman siguro yan. Doble doble na naman ang kumot mo. Napatingin ako sa kanya. And napansin ko ang mukha niya ng walang bangs. And...

"Kaya pala stewardess kinuha mo kasi may airplane ka. Haha Malaki-laki din ehh.(PEACE)

Bully lang talaga ko kung minsan (Madalas pala) Hihintayin ko nalang siyang magising. Pero 9:00pm na pero hindi pa siya kumakain. What to do?! Tss.

Hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ko. Dahil sa sobrang tagal niyang maggising.

**

Mom! Dad! Please don't leave me!

Mom! Dad Please don't leave me!

Mom! Dad! Please don't leave me!

Mom! Dad!

PLEASE!

Nagising ako sa sigaw ni alex. Ano bang nangyayari sa kanya sigaw siya ng sigaw. Nananaginip ba siya? Mukhang giniginaw siya. Pinatay ko na ang aircon at tumabi ko sa may gilid. Pero hindi ako nag-kumot(Remember) Niyakap ko sya dahil nga giniginaw siya.

Mukha ngang malungkot buhay mo ALEXANDRA.

Tama nga si JENNIE.

***

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon