Chapter16(The Faked Wedding)

251 12 4
                                    

Alexandra's POV

Tumunog ang alarm clock ko nang 6:00am pero pinatay ko ito at natulog ulit ako dahil sa sobrang pagod kahapon. Tumayo ako ang 7:30am nag-shower na ako at lumabas nang kwarto.

"Ahh okay sige Sugar magkita nalang tayo mamayang 4:00pm diyan. Okay see you" binaba na ni jack ang phone. Saan naman kaya siya pupunta mamayang 4? Anong gagawin nila ni Ms.Sugar?

"Ohh Finally gising kana pala? Come here I prepared some breakfast so that we can eat especially you. Hindi ka kumain kagabi." Pagyaya sakin ni jack. At bumaba na ako nang hagdan at umupo para makakain. Actually gutom na talaga ako.

"Saan nga pala kayo magkikita ni Ms.Sugar?" Umupo din si jack sa tapat ko.

"Anong ako lang. Tayong dalawa. Mag-ayos ka nang gamit mo. Pupunta tayong beach mamaya dun sa resort na sinasabi ni Sugar. Doon ang last Pictorial at Let's see kung pwede narin na doon tayo ikasal. Damihan mo na ang dalhin mong damit." Mahabang paliwanag ni jack. Ano? Beach? Gosh! Favorite place ever.

"Ahh okay." Maikling sagot ko at kumain na.

Pagkatapos namin kumain papasok na sana ako nang kwarto para makapag-ayos nang gamit, nang tawagin ako ni jack.

"Alex!" Lumingon ako.

"What?" Umakyat siya sa taas at pumasok sa kwarto niya. Tingnan mo ito tatawagin ako eh uunahan lang pala akong umakyat. Tss.

Paakyat na sana ako nang bumukas ang kwarto ni Jack at hinatak niya ako palabas nang bahay.

"Teka bakit? Ano ba bitiwan mo nga ako. Bakit parang nagmamadali ka? What's the problem ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Basta pumasok ka na sa kotse" pumasok ako sa kotse at mabilis niyang pina-andar ang sasakyan. What's with him? Hindi man lang dahan dahan. Kakain ko lang kaya! Tss. Sipain kita diyan e.

"Saan ba tayo pupunta?" Naiiritang tanong ko.

"Sa Mall" maikli niyang sagot na hindi man lang lumingon sakin.

"Anong gagawin naman natin sa mall?" Humarap ako sa kanya pero steady lang ang ulo niya sa daan

"Ano bang ginagawa sa mall?" Aba pilosopo ka pa huh?

"Ano nga kasi? Aayos kaba o aayos ka?" Magkabaliwan na tayo dito.

"May bibilhin lang ako." Juicecolored! Bibili lang isasama pa ko. Imbis na nakapag-ayos na ko nang gamit. Tsss. Kainis la huh.

"Akala ko naman kung ano." Humarap ako sa daan mula sa pagkakaharap sa kanya. "Kainis ka huh. Isa nalang tatadyakan na kita diyan" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" Narinig niya pala

"Wala!" Sumandal nalang ako at pumikit muna.

"Babae gumising ka na diyan nandito na tayo" Tinapik niya ko. Akala mo naman natutulog ako. Nakapikit lang lalaki!

"Gumising lang walang TAYO!" Biro ko sa kanya at lumabas na nang kotse.

"Malapit nang magkaroong TAYO" natahimik ako sa sinabi niya.

"Fake na TAYO. Correction" ngumuso ako. Mukhang nainis siya. Haha!

"Atleast TAYO! Anyways. Tama na itong TAYO na ito. Halika kana sumunod ka sakin." Sumunod nalang ako sakanya papasok nang mall.

"Ano ba kasing bibilhin mo? Bakit kailangan kasama pa ako? Importante ba yan?" Pagreklamo ko habang naglalakad kami sa loob nang mall.

"Basta sumunod ka nalang. Ang dami pang tanong e" Ano ko PA mo?! Kailangan nakasunod sayo. Tss. -_-

"Okay Stay here. Ako na lang ang papasok sa loob para bumili. Okay. Diyan ka lang huwag kang aalis" I just rolled my eyes. Pumasok na siya sa loob. Ano bang bibilhin niya dito? Sinama pa ako eh siya rin naman pala ang papasok sa loob. Kainis lang.

Habang naghihintay sa kanya nakita ko yung BOOKSTORE kaya pumasok muna ako doon. I loved Books kasi. Grabe ang ganda talaga dito. Ano bang magandang story ngayon? Latest stories nasaan kayo?

Habang naghahanap nang libro naramdaman kong nag-vibrate ung phone ko sa bulsa kaya kinuha ko at sinagot.

"Heyy! Where are you? Sabi ko diba huwag kang aalis? Nasaan ka?" Galit ka na niyan?

"Keep Calm Jack. Ang OA mo. Nandito lang ako malapit sa pinagbilhan mo. Sa BOOKSTORE. Pumunta ka nalang dito. Bye" then I end the call. Ayoko nang marinig pa ang boses niya.

"Ano bang magandang story ngayon? HELL UNIVERSITY? Nabasa ko na ito." Bulong ko sa sarili ko.

"Hanggang anong oras ka mamimili nang Libro dito? Akala ko naman kung anong libro ang pinunta mo dito. Wattpad story lang pala." Nagulat ako nang magsalita bigla si Jack mula sa likod ko.

"Hoy! Huwag mo ngang ma'LANG ang Wattpad story. Ang ganda kaya ng mga story dito. May nakakatakot, Nakakakilig, Nakakaiya...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin niya

"Fine bilisan mo na lang mamili. Oras na" Tiningnan ko nalang siya nang masama at namili na nang libro. At may nakita akong something interesting.

"Got It! The FAKED Wedding!" Itinutok ko sa kanya ang title nang story na nakuha ko.

"Ohh bayaran mo!" Ibinigay ko sa kanya ang libro para bayaran niya at lumabas na ako at lumakad na palabas ng mall.

"Samdali!" Sigaw ni Jack habang tumatakbo papunta sakin.

"Ohh Libro mo. Ako pa talaga nagbayad huh?" Kinuha ko nalang ang libro at naglakad ng mabilis.

Pagkadating namin sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko para mag-ayos nang gamit na dadalhin ko mamaya.

After How many Hours

"Heyy! Alex! Not done yet? 3:50 na malayo pa biyahe natin bilisan mo na diyan!" Lumabas na ako nang kwarto at hinatak ko ang maleta ko pababa. Hindi man lang talaga niya ako tinulungan! Walang pagka-Gentleman! -_-

"Akin na ilalagay ko na sa kotse. Sure kang ito lang dala mo?" Naalala ko ung libro ko at ung pack bag ko pa palang isa.

"Ahh sige iuna mo na yan kukuhanin ko ung pack bag ko. Nandoon kasi ung libro kong THE FAKED WEDDING na kabibili ko palang kanina. Wait lang huh." Tumakbo na ako paakyat. Idinikdik ko talang ang THE FAKED WEDDING sa kanya. Haha.

Sumakay na ako nang kotse. Inilagay ko na ang seatbelt ko baka siya pa maglagay tapos saan pa mapunta.

"You ready?" tumingin siya sakin.

"For what?" Itinaas ko ang isa kong kilay.

"For long ride?" Ngumisi nalang ako at inilagay ang earphone sa tainga ko at kinuha ung libro ko.

"Ano pang tinatanga mo diyan tara na. Akala ko ba malayo ang biyahe. Sisimulan ko na itong FAKED WEDDING ngayon para agad matapos!" Nagulat ako nang sumigaw siya

"FAKED WEDDING! Ano ba? Kanina ka pa huh! Bwisett!"

Natahimik ako sa naging reaksyon niya. Ngayon nakita ko na kung paano siya magalit.

*****

See you to the next Chapter❤

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon