Chapter19(Jealous)

213 11 3
                                    

Alexandra's POV

Hinahanap ko parin hanggang ngayon si Jack. Hindi ko talaga siya makita sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot kaya tinawagan ko si Jennie.

"Ohh Lexy baby? Why?" Bungad sakin ni jennie pagkasagot niya sa phone.

"Ahh kasi Jenn kanina ko pa hinahanap si Jack pero hindi ko siya makita"

"Subukan mong tawagan"

"Ginawa ko na pero hindi niya sinasagot. May alam ka bang pwede niyang puntahan dito?"

"Wait nasaan ka ba pupuntahan kita para matulungan kita"

"Sa harap ng hotel kung saan kami naka-check in"

"Okay wait for me." Pinatay ko na ang phone at hinintay ko nalang na dumating si Jenn.

After a few minutes nandiyan na nga siya.

"Ohh Lexy! Lets go?" Umalis na kami ni Jenn sa tapat nang hotel at sinubukan naming hinanap si Jack pero sa loob nang ilang oras na paghahanap hindi namin talaga siya makita.

"Alam mo lexy kaysa sayangin natin ang oras natin sa paghahanap diyan kay Jack, pumunta na lang tayo sa disco let's have fun. Para naman bago ka ikasal ay makapag-enjoy naman tayo" tingin ko may point si Jenn. Kaysa sayangin ko ang panahon ko sa paghahanap kay Jack magpa-party nalang kami.

"Okay Leggo!"

Nagpunta kami sa isang malapit na disco dito sa resort. Humanap nang table si Jenn at umorder siya nang 2 glass of whine.

"Sabi ko Juice lang ako Jenny! Di ako umiinom!" Reklamo ko kay jenn kasi naman ang sabi ko juice tapos whine parin ang kinuha niya sa akin.

"Minsan lang ito wag ka nang maarte!" At dahil ayaw ko talagang uminom pumunta ako kung saan niya kinuha ang alak na yon at Juice ang inorder ko.

"Kuya 1 Pineapple juice nga. ThankYou"

Habang hinihintay ko ang waiter napalingon ako sa paligid. At hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"JACK!"

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Jack is kissing a girl!

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bakit ganoon ang naramdaman ko. I felt something in my heart. Nawalan na ako nang gana at nang aalis na ko sa disco na ito.

"Uyy Lexy ito na daw Juice mo angyare sayo?" Tanong sakin ni jenn pero na kay Jack at dun sa babaeng kahalikan niya parin ang tingin ko.

"Ahh Sayo nalang Jenn I think I need to go now. Wala na konh gana eh." Umalis na ako pagkasabi ko at napansin ko naman na hindi na ako nasundan ni Jenny.

Lumabas ako sa Disco na iyon na alam kong hindi na maipinta ang aking mukha. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may something na hindi ko mawari kung ano. Aishh! -_-

Habang naglalakad hindi ko napansin na may nakabanggaan ako.

"I'm sorry!" Pasensya ko pero hindi ko na tiningnan kung sino ang nabangga ko. At aalis na sana ako nang...

"Heyy! Alex?" Napataas ang tingin ko nang marinig kong sinabi niya ang pangalan ko.

At familliar ang mukha niya sakin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita at kailan.

"And you are?" Hindi ko siguradong tanong.

"Heyy hindi ko alam na ganoon kana kabilis makalimot. I'm John ung lalaki kanina sa beach?" At naalala ko na nga kung sino siya. Oo nga pala sa sobrang lalim nang iniisip ko hindi ko na namalayan na nakalimot ako nang ganoon kabilis. -_-

"Look like youre thinkin' something?" Napatingin ako sa paligid sa tinanong niya sa akin.

"Ahh nothing. I just want to rest for now" I smiled

"Ohh really? But it's to early for that? Gusto mong sumama sakin?" Na-curious ako kung saan.

"Saan naman?" Hindi naman siguro masama diba? And he's right to early to sleep.

"Ahmm nagpa-apoy ako dun malapit sa beach gusto mong makita? Masaya kasi doon kapag gabi ang sarap lang tumambay. Waht do you think?" Masarap? Anong lasa? Hahaha! Charot. I think that is Fun.

"Hmm. Okay! Let's go?"

Pumunta na nga kami sa beach kung saan siya nagsindi nang apoy. And ang cool lang ahh. Parang camping haha. May nakalatag pa na mahabang tela para pwede nga namang mahigaan or maupuan.

"Ang ganda nang naisip mo ah!" Puri ko sa kanya at pagkatapos umupo ako sa may nakalatag na tela.

"Really? Thanks!"

"Wala ka bang kasama?" Napangiti siya sa tinanong ko. May nakakatawa ba dun?

"Alam mo ang Funny mo lang haha. Siyempre meron. Ikaw!" Ayy tawa pa sige! Maganda yan

"What I mean is wala kabang kasama na nagpunta dito?"

"Hmm meron mga barkada ko. Kaya lang ayaw nila dito eh. Nasa disco sila. For sure nakikipaglampungan sa mga babae ang mga yun!" Naalala ko lang bigla si Jack at ang nakita ko kanina.

"Buti ikaw hindi ka doon?" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Inabot niya ung bottle of Softdrinks.

"Hmm tingin mo?"

"Ako nagtatanong tapos ipapasa mo sa akin?" Baliw yata to eh!

"Ahmm. Haha wala lang ayoko lang doon. Ang gulo kaya nila. Buti pa dito ang tahimik at ang lamig nang simoy nang hangin na nagmumula sa dagat." Believe lang ako sa kanya parang wala siyang hilig sa babae.

"Sabagay may point ka" humiga ako at tumingin sa kalangitan.

"Ang ganda nang STARS! Sana ganyan ako kaningning sa paningin niya" hindi ko namalayan na humiga din siya sa tabi ko.

"Bakit? Maganda ka naman ah?"

"Oo nga pero hindi naman ako kasing ningning nang mga bituin sa langit"

"Naniniwala ako na lahat nang babae may Shine na tinatago. So don't compare yourself to a star! Remember your a human and not a Star." Medyo napangiti ako sa sinabi niya. Amg ganda lang nun ah. Brainy yata to eh!

Napatingin ako sa relo ko at hindi ko namalayan na medyo natagalan na ako dito at kailangan ko nang bumalik sa hotel.

"Ahh John kailangan ko nang mauna. Thank you so much sa time. I really enjoy it. Bye!" Tumakbo na ako papunta sa Hotel.

Jennie's POV

Alam ko kung bakit naging ganoon ang reaksiyon ni Alex. Dahil nakita ko rin si Jack. I think nagseselos siya. Don't tell me Alex likes Jack na? Omo!

Kaya agad akong lumapit kay Jack at pinutol ang pakikipag-halikan niya kung sino man ang babaeng ito.

"Hey Jack! Are you crazy? Alam mong ikakasal kana makikipaglandian ka pa sa iba. At ikaw namang babae ka. Ang landi mo rin eh noh!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. At ang sama pa nang tingin nang babaeng ito sa akin.

"Jack sumunod ka sakin may pag-uusapan tayo!" Lumabas na ako ng Bar na ito at hinitay si Jack.

"Ano na naman Jennie?" Nagtanong ka pa!

"Talagang iyan pa ang tanong mo eh noh! Nakita ka lang naman ni Alex na kahalikan ang babaeng yon! At ngayon hindi ko alam kung saan siya nagpunta!" Mukhang natauhan si Jack sa sinabi ko.

"Huh?! Really?!"

*****

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon