Chapter1(Vacation)

867 23 3
                                    

5:30 am

Tumayo na ako agad sa higaan ko at naligo na ako agad-agad para mapatuyo ko ang buhok at maayos ko na ito ng mabilisan. Hayyy buhay sobrang aga mo dapat gumising kapag stewardess ka. Marami kang kailangan gawin pero okay lang kasi ginusto ko naman ito. Masarap mag-travel. At okay naman ang paga-assist sa mga pasahero sa eruplano. Adventure for short.

Natapos na ko sa sarili ko. Bumaba na ko ng hagdan at agarang umalis ng bahay. Binaba nako ni Manong Bon sa Airport, hindi ako nagda-drive mag-isa hatid sundo ako. Pero kapag gusto kong gumala muna kasama ang kaibigan kong si Jennie siya na lang naghahatid sakin.

Pumasok na ko sa loob ng eruplano at pagpasok ko palang ayan na nga si jennie naka-abang na sakin.

"Yahhh! Alex bakit ang tagal mo naman dumating alam mo ba na kanina pa ko dito" salubong niya sa'kin.

"Grabe ka naman jenn ehhh 6:30 palang naman mamaya pang 8:00 lipad natin" pangangatwiran ko sa kanya.

"Helloooooo! Kahit na dapat lagi tayong maaga" excited lang talaga bess porke si fafa lerry ung piloto ngayon aligaga kang ganyan. Haha

"Okay okay! Dahil ba nandito si Lerry kaya ganyan ka ka-excited?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo dyan Alex! Ano ba isara mo nga yang bunganga mo baka may makarinig sayo akala totoo yang sinasabi mo. Palibhasa ikaw Did not fell inlove yet"
Nang-asar din sya. Gumaganti talaga eh neh pamukha pa bess okay lang promise.

"Sige na ikaw na panalo. Tara na nga lagay na natin dun ung gamit natin" at hinatak ko na siya. Alam nya kasi kahinaan ko. Ayaw kong binubully niya ko gamit sa paraang iyon. I admit na masakit talaga.

***

Naka-balik na kami ulit sa Airport. Medyo pagod pero kailangan kasi ito trabaho ko. Pero meron kaming 3 weeks break. Kaya makakapag-pahinga kami.

"Lex wanna go?" Tanong sakin bigla ni jennie habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Saan?" Maikling sagot ko.

"Vacation" maikling sagot niya rin.

"Saan naman tayo magbabakasyon?" Tanong ko sa kanya.

"Na-isip ko lang tutal may 3 weeks break tayo, bakit hindi nalang tayo magbakasyon. Kasi halos sa araw-araw lagi nalang tayong nasa eruplano. Nakaka-sawa na. Tapos ngayon naman bakasyon natin ng 3 weaks tapos ano bahay lang" pagpapaliwanag niya sakin

"Saan naman tayo magbabakasyon kung sakali?" Tanong ko sa kanya. Tama naman kasi sya kailangan din namin mag-relax.

"Ehhh kung mag-camping tayo?" Naka-ngiting sagot niya na akala mo naman ang ganda ng na-isp niya.

"Alam mo jenn minsan hindi ko alam kung okay ka lang o di kaya may sakit ka. Sira kaba huh? Ang dami naman pwedeng gawin na iba dyan para makapag-relax camping pa? Sa tingin mo ba relaxing yun? Mabuti pa ihatid mo nalang ako sa bahay ko. Magpapahinga nalang ako sa bahay" Nilagay ko na sa likod ng kotse nya ung maleta ko at saka sumakay na agad dun sa harap. Wala narin siyang nagawa kung hindi ang sumunod sakin.

Habang OTW na kami papunta sa bahay ko. Bigla naman humirit itong si jenn.

"Lex ehh kung magpunta nalang tayo ng province. Doon nalang tayo mag-relax para maka-lasap naman tayo ng sariwang hangin" mukhang may sense yang na-isp mo ahhh.

"Pwede. Siguro nga tama ka pumunta na lang tayong probinsya. Nakaka-sawa na kasi dito sa siyudad. Walang fresh air. Sige deal" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Okay sige bukas ng 7:00am puntahan kita sa bahay mo dapat naka-ayos ka na nun ahhh. Para maaga tayo makarating" pagpapa-alala niya sakin.

"Okay"

***

5:30am

Tumayo na ko ng mabilis mula sa higaan ko. At inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Isang maleta at shoulder bag ang dadalhin kong gamit. Nasa maleta lahat ng damit at ang pera cellphone nasa shoulder bag nalang. Dinala ko na rin ung Camera ko para makapag-picture naman kami.

6:00am

Naligo na ko at nagbihis. I'm wearing Pink croptop, black pants and white highcut converse shoes. I loved the combination of blackpink&white. For me its really attractive colors.

Maya-maya nandyan si jennie kaya bumaba na ko at ipinababa ko na rin kay yaya yung gamit ko. Magpapa-alam na ko kay manang. Si manang Loreng na parang lola ko na.

"Manang aalis na po ako" pagpapa-alam ko.

"Sige mag-iingat ka doon huh? Huwag kang magpapalipas ng gutom" pagpapa-alala niya.

Linabasan ko na si jennie at nakita kong tinutulungan niya na si manong sa pagsakay ng gamit ko sa sasakyan niya.

"Ohhh ano na? Sakay na" sabi sa kin ni jennie.

"Yesa ma'am" mapang-asar na sagot ko.

"Tuloy na po kami" pagpapalam ni jennie kay manang.

"Sige mag-ingat kayo" habol ni manang.

****

Ilang oras din ang byahe namin ni jennie at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dahil naka-tulog ako.

"Ohhh Yeah! Yahhh Alex were here. Bilis baba na" sigaw niya sakin akala mo naman bingi ako para sigawan pa.

"Ne~" matamlay kong sagot kasi nga kagigising ko palang. It means inaantok pa ako.

Bumaba na ko at kinuha ung mga gamit ko. Pagpasok ko sa loob agaw pansin sakin yung pagka-ayos ng resort nila at ang lawak pa. Sa labas hindi ko gaanong napansin kasi inaantok pa nga ako. Pero nung pagpasok ko dito sa loob feeling nawala antok ko.

Nag-check in na kami ni jennie sa hotel at kinuha namin yung kwarto na tanaw mo ung beach. 347 ang number ng room namin. At pagpasok ko ng hotel lumabas ako dun sa may slidding window and wow! Grabe kahit ang dami ko ng napuntahang resort na magaganda wala parin tatalo sa resort na ito. Ang ganda ng beach! Tanaw na tanaw ko grabe.

"Alex pwede bang ayusin mo muna ung mga gamit mo dito. Marami pang time. Marami pang araw. Hindi pa naman tayo uuwi kadarating lang natin. Dito na mamaya na yan" KJ mo talagang babae ka.

"O.A mo ahhh alam ko naman pero syempre naa-akit lang naman akonsa kagandahan ng tanawin dito. Feeling ko sulit 3 weeks break natin" pagrereklamo ko.

"Buti pa sa tanawin naa-akit ka. Ehh kamusta naman sa mga lalaki lexy? Huh? Ano mas mamahalin mo nalang yang tanawin" ayyy wow ahhh! Lakas maka-hugot teh.

"Angyare sayo? Bakit biglang humuhugot ka dyan" broken hearted siguro siya haha.

"Helerr ako humuhugot? Hindi nohhh nagsasabi lang ako ng totoo" ma-arte arteng sabi nya.

"Aray naman! Hindi ko naman ginusto na wala akong mapili, di ko na kasalanan yun"
Pagtatanggol ko sa sarili ko. Di ko naman talaga kasalanan yin diba.

"Kasalanan mo yun. Ang dami na ngang nanligaw sayo since high school pero wala busted silang lahat" pina-alala niya pa. Ano ba ayaw ko sa kanila pangit sila.

"Ayyy basta wala akong panahon sa ganitong topic. Lalabas muna ko" Tuloy-tuloy na ko sa pinto.

"Woyyy! Yung gamit mo ayusin mo muna. Alex!..... " Nagdare-daretso na lang ako palabas ayaw kong mapagalitan sa nanay ko. Kilalang-kilala na talaga namin ni jennie ang isa't-isa since high school kase kami ng dalawa ang magkasama.

Naglakad-lakad ako sa hallway ng hotel. At pinagmasdan ko ang bawag sulok ng resort na ito, at walang alinlangan. Promise maganda nga talaga! Napangiti ako sa sobrang ganda! Napatingin ako sa bandang kanan at nakita ko ung lalaking may hawak ng camera at kinuhanan ako. Nagulat ako ng tumakbo siya nung napatingin ako sa kanya.

Ano yun bakit niya ko kailangan kuhanan ng litrato? Kilala niya ba ko? Anong kailangan niya?

aishhhh Sino kaya yun? .....

**************************

"Never been Kissed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon