03 // Muffins for the Win!

395 8 0
                                    

"GUYS NANINIWALA BA KAYO SA PANAGINIP?" Itinaas ni Rico ang dala dala niyang pamunas ng lamesa habang sinasambit ang mga katanungang iyon. Hindi paman tuluyang nagbubukas ang Cream and Honey Cafe pero halos tapos na nila ang mga gawin sa loob. Punas na ang mga lamesa. Malinis narin ang counter. Sumasabog na ang amoy ng mga cakes at patries sa buong paligid at kumpleto narin ang mga crew.

"Ano? Anong big mong sabihin dun?" Napatigil mula sa kanyang pagpupunas si Dessa.

"Ahh ganto yan. Panaginip. Kasi alam mo bayang pintuan ng Cream and Honay cafe eh dati napaginipan koyan. As in yung kulay, Yung itsura, yung mga nakasabit, parehong pareho."

"And so kung napanaginipan mo?"

"And so. Ang ibig ko lang sabihin na once na mapanaginip mo ng isang bagay eh may chance na mangyari ito sa totoong buhay."

 "Sus baka nagkataon lang yan." Sabay pagbalik ni Dessa sa kanyang ginagawa.

"Oyy hindi ahh nag research kaya ako. And sa Amerika palang eh marami ng nagpakatotoo na tunay yun. Mero pa ngang kinasal dahil dun eh. Dahil nakita nila ang mukha ng isat isa tungo sa kanilang mga panaginip." Mahilig talaga si Rico na magtanong ng mga bagay bagay. Para nga itong walking wikipedea sa dami nitong alam. Maya maya naman ay biglang dumating si Lito. Galing ito sa likod ng cafe at nagtapon ng basura. 

"Ikaw Lito naniniwala kaba?"

"Huh saan?" Napatingin siya dito.

"Na yung mga panaginip mo eh pwedeng maging totoo?"

Bigla siyang napatigil pag karinig niya ng sinabi nito. Agad niya tuloy naalala ang kanyang napaginipan nung nakaraan. Isang babae ang malabo ang mukha ang nagbigay sa kanya ng isang origami. "Hindi!" Walang kagatul gatul niyang sabi. "Saka sino na namang nagpauso niyang mga fact nayan!" Sa tila pagalit nitong sabi.

"Oy oy oy! Ano nanamang nangyayari sayo Lito at bakit parang bad mood ka ata." Tanong ni Dessa dito. Sa totoo niyan ay hindi parin maalis ang inis niya sa kanyang mga ka board mate hanggang ngayon. Pagdating niya kasi kagabi pauwi galing sa trabaho ay may nagpalit ng kurtina ng bahay nila. Kulay green iyon reminds him of her died girlfriend.

Pagdating kasi sa usaping girlfriend eh hindi na yun inaaungkat pa ni Lito. Para sa kanya, ang kulay berde ay isa sa pinaka ayaw niyang kulay. Bukod kasi sa paboritong kulay ito ng dati niyang nobya na namatay ay ito rin ang kulay ng damit na suot nito nang ito'y pumanaw.

"Sorry stress lang siguro ako."

Nilapitan siya ni Dess. Inaro aro ang kanyang likod. "Are you sure. Stress lang ba talaga yan. Kalma kalang kasi." Tumango lamang siya.

"Guys teka si Boss pala nasan?" Singit naman ni Rico sa usapan.

"Nasa office niya." Sagot naman ni Dessa.

"Kanina paba?"

"Oo naman kanina pa? Bakit hindi mo nakita?"

"Hindi eh." Speaking of boss eh bigla na lamang bumukas ang pintuan ng office nito. Galit na galit ang tono ng boses nito na tila may kausap sa telepno. "Mr. Hon bakit ngayon niyo lang sinabi. Eh about a minutes eh magbubukas na ang Cafe."

"Sorry po Sir Nathan. Eh ngayon ko lang din po nalaman na nasa ospital si Chef. Jerome."

"Shit! I cant believe it! Eh kahapon lang ang sigla sigla niya ah."

"Mero daw po siyang acute diarrhea." Binagsak ni Nathan ang kanyang pintuan. "Dammit talaga! O sige. Gagawa nalang ako ng paraan." Everyone was shocked sa nangyari. Ang ayaw na ayaw kasi nito na on the spot siyang iiwanan sa ere ng mga crew member niya. Ano ba namang bigyan siya ng time para makakuha ng pamalit sa mga ito. On the spot pa naman ang mga pastries sa cafe niya. Ang gusto niya kasi ay mainit init pa ito bago ito ibenta sa mga customer.

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon