09 // Endless Sadness

298 7 2
                                    

MAAGA palang ay gising na si Megumi. Siya narin ang naghanda ng mga pagkain at mga plato sa may hapag kainan. Nagprito siya ng limang hindi maintindihan na itlog at nagtimpa ng malamlam na kulay ng kape. "Tada!" Winagayway nito ang kanyang kamay sa ere na parang nasa circus. Kulang na nga lang ay magsuot ito ng isang kapa at maghanap ng isang malaking leyon para paamuin. 

"Nakatingin lang naman sila Tristan, Yago at Miguel sa mga akto nito. "Anong meron at bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Yago sa kanya habang nagkakamot pa ito ng kanyang ulo.

"Wala. Sige na kain na kayo! Maganda lang ang mood ko ngayon sa umaga." Siya narin ang humila ng mga upuan sa may lamesa upang komportableng makaupo ang mga ito ng ayos. "Bon appetite!" Wka ni Meg sa salitang french.

"Anong bona appetitte?" Tanong naman ni Yago

Dinagukan naman siya ng bahagya ni Miguel. "Baliw sabi niya sayo na kumain ka nalang daw."

Inumpusahan na nang talo ang kumain. Una nilang nilantakan ang hindi mawaring prito ng itlog ni Meg. Nilagay ni Miguel ang isang piraso sa plato niya. "Okay tikman natin kung masisisyahan ako ngayong umaga." Wika nito. Ngunit isang subo palang ang nagagawa  niya ay niluwa na niya kaagad iyon. "Ang alat!'' Napasigaw ito. "Ano ba naman Meg!? Galit kaba sa akin!" Halos maubos nito ang isang pitchel ng tubig.

"Pasensiya na." Pagpapaumanhin naman nito.

"Well sa akin okay lang wala namang lasa." Opinyon naman ni Tristan.

Nakangiti lamang ang dalaga habang pinapanood niya ang tatlo na kumakain. Alam niya kasi na hindi pa siya ganun kagaling mag prepera ng pagkain kaya okay lang na lait laitin nila iyon. And its a free of charge. "Ay teka nasan na pala si Lito? Bakit parang hindi pa siya nagigising?" Tanong ni Tristan sabay baba nito ng kanyang tinidor sa tabi ng kanyang plato. 

"Oo nga? Ako nalang ang gigising." Singit naman ni Meg. Ngunit ng pupunta na ito sa mismong pintuan ng Lito upang itoy katukin na ay bigla naman siyang pinigilan ni Miguel. "Hep hep hep! Wala diyan si Lito."

"Huh!" Nagkatinginan silang tatlo. "Eh nasan si Lito pre?" Tanong naman ni Yago.

"Ewan ko. Umalis kanina  eh pagkadating ko."

"Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?" Pagtataka ni Meg

"Hindi eh. Pero naka pang alis siya." Sagot nito. Ang alam kasi ni Meg ay day off ngayon ni Lito kaya naman naghain siya ng sa palagay niya ay matatawag niya na perfect breakfast para dito. Pero bakit ganun?  Kung kailan naman siya ng effort na mag luto eh ito pa ang araw kung saan ay may pinuntahan patong ibang lakad na hindi manlang nila alam.

MATAAS na ang sikat ng araw pero tila makulimlim parin ang mga mukha nila Mrs and Mr. Ocampo. Kasama si Justine ay tinungo nila ang libingan ng kanilang anak na si Melody. Kaarawan kasi nito. Ang gusto nila ay duon sila dumaan saglit upang kahit papano ay mabuhay mula sa kanilang mga puso ang masasayang araw nila sa dalaga. 

Sinidhinan ni Mrs. Ocampo ang isang maliit na kandila na nakalagay sa isang bilog na cake. Nagpagawa rin sila ng mga puting lobo na may mga mesahe ng pag asa. Isa isa nila iyong binasa sa harapan ng puntod nito. "To my one and only Mel. Kung nasaan kaman ngayon. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka namin." Pag sisimula nito. 

"We want to cherries all your happy legacy that you bring to us. Pag nag sho-shopping tayo, pag kumakain tayo sa labas, even habang pumipili ako ng damit kasama ka." Bahagya na itong umiiyak. Hindi na nito nagawa pang ituloy ang kanyang mga salita bagkus ay lumapit ito sa kanyang asawa at duon na ito humagulgol ng iyak. 

Sa kanyang ina pinakamalapit si Melody. Parang mag best friend at hindi mag nanay ang turingan ng dalawa. Madalas nga silang mapag kamalang magkapatid more often kaysa mag ina dahil daw sa batang ora ni Mrs. Ocampo. Halos pitong taon din ang hinintay ng mag asawa upang maipagbuntis ni Sonya si Melody. Halos ginamit na nila ang mga natural and medicinal ways ng pagbubuntis pero hindi parin ito gumagana sa kanya, kaya naman ng naipagbuntis niya ito ay laking tuwa niya sa may kapal dahil sa wakas ay natupad na nila ang kanilang pinaka aasam na kahilingan. Ang bigyan sila ng supling.

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon