08 // Lonely Visit

315 5 0
                                    

"AY! ANAK NG PUSA!" Nagulat si Yago ng mahulog mula sa tila tipak ng mga labahing hawak hawak niya ang basket na naglalaman ng mga sipit. Hindi niya iyon inaasahan, tama naman kasi ang balanse niya kaya ang akala niya ay hindi iyon mahuhulog. Nakita naman kaagad siya ni Megumi habang papalabas ito ng kwarto ni Lito. Inayos naman nito ang mga gamit ng binata at ang magulo nitong kama.

"Salamat!" Nakangiti pa si Yago habang tinutulungan niya.

"Kasi naman eh. Napaka clumsy mo!" Pinulot niya iyon isa isa. Pagkatapos ay isa isa rin niya iyong nilagay sa may lalagyanan ng sipit. Pagkatapos ay itinaas naman niya ang sheets ng upuan. Iniisip niya na baka daw may nahulog doon na hindi pa niya nakikita. Kaya naman ay yumuko siya. Binend niya ang kanyang katawan sabay silip nito sa may ilalim ng upuan. Ngunit sa kanyang pag yuko  ay siya namang pagkakita niya sa isang bagay.  

"Ano yun Meg? Bakit ang tagal mo diyan?" Pagrereklamo ni Yago.

"Shsss. Wait. may nakita ako." Kinapa kapa ni Megumi ang naturang bagay. Talagang inabot niya ang kanyang hintuturo sa ibabaw niyon saka niya initcha pabalik sa harapan niya. Pagkatapos ay bahagya niya iyong nilagay sa may ilaw upang makita ito ng husto.  "Cellphone?" Usal niya.

"Wow cellphone! Para kanino yan?" Kinuha ito kaagad ni Yago. Pina bali baliktad niya ito. 

"For whom?"

"Teka teka may message. Sinalat pa nito ang naturang sulat at bahagya iyong binasa. TO MEG. In bold letters. Oy Meg sayo to?"

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "For me? From whom?" Kinuha niya muli ito at pinag ikot ikot rin. Pero kahit na kakapiranggot ng pangalan kung kanino ito nanggaling ay wala siyang makita. "Kanino kaya galing to?" Tila binuhusan siya ng labis na kasiyahan. Kahit na hindi man ito ganun ka high tech kumpara sa dati niyang cellphone eh lubos na ang kasiyahan niya. Kahit na ano kasing tumbling ang gawin niya gitna ng kalsada buong mag hapon ay wala siyang makikitang ganun klaseng cellphone, naka sealed, bago at mukang mahal pa.

Maliban doon ay ito kasi ang isa sa mga kinokonsidera niya na isa sa mga mahahalaga niyang gamit maliban sa kanyang designer bag at mga alahas. Hindi paman niya binubuksan ang naturang kahon ay pinaulanan na niya ito ng halik. "Oy Yago salamat ahhhh."

"Anong salamat eh hindi naman sakin galing yan! Saka wala naman akong perang pambili niyan. Unemployed ako. Remember?"

"Eh sino naman yung nagbigay sakin nito, Si Tristan?"

"Mas lalong hindi kuripot kaya yun!"

"Eh sino si Miguel?"

"Bakit close ba kayo nun?"

Bigla siyang napaisip. Isa nalang kasi ang hindi niya nababanggit na pangalan. Bigla niya tuloy naalala yung eksena kagabi. Nahuli niya kasi Lito na tila may gustong sabihin sa kanya. Tila wala ito sa kanyang sarili at natutuliro. "Si Lito?" Bulalas niya pero mahina lang.

Binuksan na niya ang naturang box. Bagong model iyon ng cellphone pero in a budget friendly price. "Wow parang nakita ko nayan sa pamplet ng Moon moblie ahh!"

"Really. Ibig sabihin its a new model?" Pinindot kaagad niya ang buton niyon sa pinaka taas. Pagkatapos ay bigla umilaw iyon ng kaunti at biglang lumabas ang logo ng Moon mobile niyon sa may bandang gitna. Pagkatapos ay nagpunta kaagad siya sa kwarto ni Lito. Doon kasi niya tinago ang mga gamit niya. "Oh anong gagawin mo?"

"Teka lang okay." Mula sa kanyang kinuhang bag ay hinanap niya duon ang isang makeup kit. Binuksan niya iyon at mula doon ay kinuha naman niya ang kanyang simcard. Pinasok niya iyon sa bago niyang cellphone. And it was a succcess dahil minutes lamang ang itinagal niyon ay nailipat na kaagad ang kanyang mga phonebook at convesrsation sa bago niyang phone ng walang kahirap hirap. It was a breeze.

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon