07 // The Gift

323 7 0
                                    

"ANO PAKIULIT MO NGA?" Nagulat si Lito sa isinumbong ni Tristan sa kanya kinabukasan habang nasa jeep sila para pumasok. Naalala pa ni Tristan ang sinabi sa kanya ni Miguel habang sila ay nag uunwine sa may sala. Kasalukyan kasi siyang tapos na sa pagkain ng bigla siyang nakakita ng isang piraso ng bagay sa may ilalim ng upuan. Sinuri suri niya iyon. Nagtataka kung ano iyon.

Biglang sumigaw si Miguel "Oy sinong nakatoka ngayon na mag hugas ng pinggan?"

"Ako?" Pag aako naman ni Yago. Kasalukuyan pa nitong inuubos ang pagkain niya. Kung sino pang masiba eh siya pang mahina sa pag ubos ng pagkain.

Nilapag niya ang piraso ng bagay na iyon sa may lamesa. "Ano yan?" Tanong ni Yago sa kanya sabay kuha rito. Isa iyong tila pahabang kulay itim na hindi niya maintindihan. "Hindi ko nga alam eh. Nakita ko lang yan dun sa may ilalim ng upuan."

"Ano ano yan patingin!" Humirit naman si Miguel. Kinuha niya rin ang bagay nayun at inikot ikot. "Ayy alam ko nayan. Back panel yan nung cellphone ni Meg." Sa normal nitong sabi.

"Cellphone ni Meg? Pero bakit?"

"Eh kasi kahapon habang naghuhugas siya ng pinggan eh nahulog yung cellphone niya sa may lababo. Eh kamalas malasan pa niya eh dumulas pa sa kamay niya. Kaya yan ang result. Super durog."

"Eh anong ginagamit niya ngayon?"

"Eh di wala!" Sagot naman ni Miguel."

Napa kagat labi naman si Lito habang nakikinig sa kwento ni Tristan sa kanya. "Kaya pala hindi ko na siya nakikitang nag tetext kasi nawarak yung cellphone niya. Pero bakit hindi niya sakin sinasabi?"

"Syempre eh baka bungangaan mo nanaman. Eh halos tumatakip kaya ang tenga nun kapag naririnig palang yung boses mo sa malayo. Kala moba."

"Kahit na!" Nagtangis na siya ng boses sa loob ng jeep. Halos lahat ng pasahero don ay nagsi tingin sa kanya.

"O kita mona! Ganyan ang resulta pag nalaman mo. Tapos ngayon nagtatanong kapa sakin kung bakit hindi sayo sinasabi ni Meg. Nako pre kakaiba ka talaga!" Sabay iling naman nito.

PAGDATING ng tanghali ay nagmamadaling nagpunta si Megumi sa isang malapit na saloon. Nakita na niya ito dati nung una niyang tapak sa lugar na ito kasama si Lito. Kaya lang eh sarado ito dahil gabi yun. Isang babaeng hindi naman kagandahan ang nakita niyang nag wawalis sa tapat. Naka black blouse ito at naka short na maikli. Napahinto ito sa kanyang pagwawalis ng nakita siya. "Hi Miss magpapaayos ka? Swerte mo kasi may promo kami ngayon." Wika nito.

Sa totoo niyan ay talagang matagal nang gustong magpaayos ni Megumi. Sa paraan kasi na ito niya maitatago ang dati niyang itsura. Ngayon kahit papano ay hindi na siya mangangamba kapag lalabas siya ng bahay. Konting ayos lang niya sa kanyang buhok at lagay lang ng shades eh siguradong hindi na siya makikilala ng mga tao na naghahanap sa kanya.

Pumasok na sila sa loob. Inalalayan siya nito sa likod na para bang first time nito at sabik na sabik siyang gupitan. Amoy pangkulay ng buhok at matapang na amoy gamot ang agad niyang naamoy sa buong paligid. Wala din noong gaanong costumer pwera sa isang babaeng nagpaparebond ng buhok at siya lamang. 

Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa isang mono block. Ano bang pagagawa mo sa akin. Magpapagupit kaba? o  magpapapedicure?"

"Papagupit po."

"Ahhh papagupit. Anong klaseng gupit?"

"Kayo napong bahala. Basta yung maiiba yung ora ng mukha ko. I wat to be different." Ika niya.

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon