11 // Origami

272 8 2
                                    

PAGKATIGIL palang ng sasakyan sa may tapat ng Asian Hospital sa Alabang ay bumaba na kaagad si Megumi sa may kotse. Kitang kita sa mukha nito ang labis na pag aalala. "Sis please calm down. Baka nakakalimutan mo. Baka nandiyan si Hideo. He see's you!" Pinigilan siya ni Amanda sa pagpasok

"Eh anong gagawin ko? my Dad is up there."

Lumapit naman si Amanda rito. Inaro aro siya nito sa may likod. Hinagod nito ang likuran niya mula itaas pababa ng paulit ulit. "I know. Pero mag hunos dili ka. Like what i said earlier baka nandiyan si Hideo."

"Okay fine." Medyo huminahon na ito."Sige doon ka muna sa may lobby tapos ipagtanong mo na kung saan yung room ni tito then ipapark ko muna sa parking lot tong kotse."

"Okay." Sagot naman niya. Sinigurado niya munang umalis si Amanda bago pa siya tuluyang pumunta ng looby ng ospital. Hinawi pa niya ang kanyang buhok habang naglalakad. Magara din ang kanyang damit na hiniram niya sa mga mamahaling damit ng kaibigan. "Ahmm Miss. Can I ask kung saan yung room ni Mr. Ikada Go?"

"Ahh si Mr. Ikada po ba? Nasa room. 401 po siya Maam." Sagot naman nito pagkatapos tignan ang pangalan nito sa kanilang log book. Dumating narin si Amanda pagkatapos ng limang minuto. Pagkatapos ay sabay na silang sumakay ng elevator papauntang fourth floor. 

Habang nasa elevator ay nanginginig parin ang kamay ni Megumi. Namamamawis iyon sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Baka kako sa sobrang nerbiyos niya at kaba. "Oy Sis what is happening to you?" Tuluyan ng hinawakan ni Amanda ang kamay niya. "Just relax and be strong."

"Hindi ko mapigila eh." Wika nito. Kabado si Megumi kapag naoospital ang Daddy niya. Nung nakaraan taon kasi ay na mild stroked ito at akala nila ay hindi na ito makakakilos pa. Hindi pa naman niya maimagine na wala ito sa tabi niya. Kahit na kasi hindi siya nito sinusoportahan sa mga gusto niya ay mahal na mahal niya parin ito. 

HIndi na mapakali si Megumi sa loob ng elevator. Parang gusto na nga niyang sirain ang automatic sliding door niyon upang makalabas na siya kaagad sa loob niyon. She was robbing her bare hands. Hindi man niya aminin pero kitang kita sa mga kinikilos nito ang sobrang nerbiyos. Nakatingala lamang siya sa may digital numbers sa itaas upang tignan niya kung nasaan na silang floor naroon. Nung nasa ika apat na ng palapag sila ng gusali ay pumrente na siya sa hiwa ng pintuan ng elevator. Talaga namang hinintay na niya ang otomatikong pag bukas nito. Ting! Dramatiko itong bumukas. Tila sinasadya iyon ng tadhana upang mas lalo siyang ma freak out. Ngunit sa tuluyang pag bukas nito ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura. Magkaharap sila nito na maraming dalang mga bitbitin.

"Manang?" Pagkagulat niya.

"My lady?" Gulat din ni  Manang Patring. Lumabas kaagad ng elevator si Megumi at ito na ang yumakap sa matanda. "Manang where is my Dad? Is he okay? What happened?" HIndi na niya naiwasan ang pag fe-freak out.

"Shsss!" Huminahon ho kayo My lady. Nasa kwarto ho ang Daddy ninyo at medyo okay na ang kalagayan niya."

"Its that true?"

"Oho." Maiksing sagot nito. 

Sinamahan ni Manang Patring si Megumi at ang kaibigan nitong si Amanda sa kwarto ng Ama nito. Tila isang swerteng pagkakataon ito sa kanila dahil si Manang Patring lamang ang tao na nagbabantay dito ngayon. Kakauwi lang daw ng Mommy nito na halos kalahating oras pa lamang ang nakararaan. 

Amoy kaagad ng asperin at likidong hindi niya mawari na amoy ang nalanghap niya. Sa totoo niyan ay ospital ang pinaka ayaw niya na lugar sa buong buhay niya. Maliban kasi sa ayaw niya sa amoy dito ay ayaw rin niyang makakita ng mga may sakit na tao. Nanghihina raw siya or worse eh mapanaginipan padaw niya ang mga ito. 

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon