16 // Wish List

219 3 0
                                    

MULING ini-scan ni Lito ang papel na hawak hawak niya. Mula duon ay kanyang tinignan ang listahan ni Megumi ng mga kahilingan nito na kinopya niya mula sa sikreto nitong journal. "Okay ano kayang uunahin ko dito?" Nalilito siya. Kahit na kasi siya eh hindi alam ang uunahin na gawin sa listahan na iyon. "Oyy ano yan?" Isang boses ang biglang nagpabuhay sa kabang nararamdaman niya. Agad niyang tinago ang papel at naihagis niya iyon sa loob ng oven. "Anak ng pitumput puting tupa! Megumi naman wag kang manggugulat." Wika niya habang nakahawak pa sa kanyang dib dib. 

"Anong pabigla bigla eh mahina lang kaya yung boses ko. You are the one who raise your voice! Bakit may tinatago kaba?"

"W-w-wala." Pag aakila niya. "Saka bakit ka nga pala nandito sa loob? Wala bang customer dun sa dining area? Dume-Dessa kana ahh!"

"Anong Dume-Dessa? Saka tama ka wala pang customer. Dadalawa palang. Kayang kaya nayun ni Rico"

"Dume-Dessa? Yung pabigla biglang dumarating ng walang paalam na akala mo eh break na  niya." Lumipat sa kabilang banda si Lito. Mula doon ay binuksan niya ang isa pang oven. "Saka Meg. Wag kang magpapakita kay Boss na nagpupunta ka dito sa oras ng shift mo. Magagalit yun."

"Oo na hindi na mauulit last nato." Pagkatapos ay lumapit rin ito sa pwesto niya. Sinilip ni Lito ang bina bake niya sa loob ng oven. Pretzel iyon. Isa sa mga best seller nila, pangalawa sa Chocolate cake. "Luto na bayan?" Tanong ng dalaga habang nanonood.

"Hindi pa. Pero malamit na." Muling isinara ni Lito ang binuksang oven. Pagkatapos ay tinanggal niya mula sa kanyang kamay ang suot suot niyang gloves at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa. "Lito anong paborito mong i bake?

Tumingin siya rito. "Ahmm Muffins?" 

"Ahh Muffins. Alam mo favorite korin yon." 

"Talaga?" 

"Oo. Alam mo ba na sa ibang bansa eh merong mga unusual na flavor ng muffins. Katulad nalang sa Japan. Na may wasabi Muffins." 

"Eh anong lasa nun?"

"Siguro hindi mapait." Medyo sumama ang mukha ni Lito. Iniimagine palang kasi niya mula sa kanyang isip kung ano ang lasa ng wasabi Muffins eh naduduwal na siya. "Ahmm Meg gusto mo turuan kitang mag bake?" 

"Talaga!" Halos mabiyak na ang bibig nito dahil sa sobrang katuwaan. Isa kasi ito sa mga wish list niya.

"Oo naman. Total eh matumal naman ang dating ng tao ngayon kaya tuturuan kita ng madaling recipe. Ano call?"

"Sure sure. Call."

Pinaghalo halo ni Megumi ang lahat ng ingredients base narin sa command ni Lito. Inilagay niya iyon sa may malinis na bowl hanggang sa maging fluffy ang texture nito. "Ano? Is this okay?" Tinignan ni Lito ang ginawa niya. "Medyo nasobrahan sa paghalo pero okay narin." 

"So what next?" Pagkatapos ay tinulungan naman siya nito na ilagay ang mixture sa mga cupcake molds.  Nakakatuwang past time talaga ang pag babake lalo na kapag sanay kana rito. Kaya naman ito ang napili ni Litong propesyon. "Yan tapos na. Ilagay na natin to sa may oven." 

"Sure!" Sagot naman ng dalaga. Habang naghihintay ang dalawa sa pag bake ng mga cupcakes ay hindi maiwasang pagmasdan ni Megumi ang binita. Duon lamang niya napag tanto na mas maganda pala ang mga mata nito sa malapitan. Nagiging redish brown iyon kapag natatapat sa liwanag ng apoy. Maya maya pa ay hindi niya inaasahang mapapatingin din ito sa kanya. "O bakit?"

"W-w-wala." Bigal siyang tumingin sa ibang bagay. 

It was a fantastic chocolate cupcake ang kinalabasan ng mga binake nila. Amoy palang niyon pag labas sa may oven ay talaga namang nakakatakam na. "Pwedeng tikman?"

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon