06 // Hidden Feelings

317 8 0
                                    

WALA NA SIYANG SAPATOS pag gising niya ng umaga. Kapansin pansin din na hindi man lang siya ginising ni Lito gayong ang pagkakaalam niya ay meron pang part two ang kanyang household chores kuno. Medyo dim ang liwanag sa buong kwarto pag mulat niya. Tinanggal na rin niya ang kumot na halatang ibinalot sa kanya habang siya ay natutulog. Sino kaya ang nagkumot sa kanya? Maari kayang si Lito? Pero hindi mangyayari iyon dahil wala itong puso. Wala itong pakielam sa kanya.

Hinipo ni Megumi ang kanyang buhok at bahagya iyong iniayos. Sulit na sulit ang tulog niya na halos lalagpas ata sa walong oras. Naglakad na siya mula sa may pintuan. Inikot ang saradora ng pintuan ng kwato at bahagay iyong binuksan. Mula sa labas ay agad niyang narinig na tila may naghuhugas ng pinggan. Sino kaya iyon?" Dali dali siyang nagpuna sa kusina. Mula sa doon ay nakita niya si Yago. Bising busy.

"Oh Meg gising kana pala!" Inilalagay na nito ang huling basong hinugasan nito sa may lalagyanan.

"What is happening?"

"Huh anong what is happening?"

Nagkamot siya ng ulo. Supposed to be kasi na siya dapat ang maghuhugas ng mga plato ngayon ayon narin sa kanyang household chores schedule. "Diba ako ang maghuhugas ngayon?"

"Ahh yun ba. Ako na ang naghugas. Bigla akong sinipag eh. Saka nahihiya naman ako sayo. Pagod na pagod ka kagabi."

"Ahh ganun ba?" Tila nahiya siya dito.

"Pero wag kang mag alala dahil meron ka namang ibang gagawin."

"Like what?"

Nagpunta si Yago sa may ref at mula doon ay kinuha nito ang isang sticky note. "Ito oh. Sabi ni Lito na pagkatapos mundaw maghugas ng pinggan eh maglaba kadaw."

"What is maglaba?"

"Maglaba hindi mo alam? Ahh." Pinuyos nito ang kamay niya na tila nagdedemo. Kinuha pa niya mula sa kanyang suot na damit ang laylayan nito at kinusot kusot iyon kunyari. "Yan like tihis naglalaba." Pinakita niya dito kung paano iyon gawin.

Naunawaan naman ni Megumi ang gusto nitong iparating sa kanya. "Ah maglalaba. It means washing the clothes." Wika niya na tila nadidismaya.

Pagkatapos niyang kumain ng agahan ay sinimulan kaagad niya ang paglalaba. Tinulungan siya ni Yago. Kumuha ito ng tubig sa may drum at ibinuhos nito iyon sa isang malaking batya habang nakaupo naman sa harapan niyon si Megumi. "Ikaw Yago bakit ka nanadito? Wala ka bang apply ngayon?"

"Nako wala. Saka naubos na yung pamasahe ko. Wala nakong pera." Bahagya itong nalungkot. "Sana nga eh kahit manlang isa dun sa mga inaplayan ko eh may tumawag."

"Sure yun. Muka ka namang matalino eh."

"Eh sa mukha. Mukha bakong mapagkakatiwalaan?" Tumingin pa ito ng direcho sa kanya. Pero Imbis na saguitn niya ito ay yinuko lang ni Megumi ang kanyang ulo."

Binaba tuloy ni Yago ang timbang hawak hawak niya. "Ang sama mo Meg! How could you!" Wika nito habang tumatawa.

Kinuha ni Megumi ang isang t-shirt na puti na may nakasulat na logo doon na nikey. Binasa niya iyon sa isang batya na may tubig. "Kanino to?" 

"Kay Lito ata bakit?" Mabango ang amoy ng pang itaas na iyon. Kahit na alam niyang sinuot na ito ng binata ay tila naiwan parin nito ang mabangong amoy nito roon. Nakalimutan niya ang kanyang ginagawa pansamantala. Gusto pa naman sana niya iyong amuyin ng malapitan ngunit nakalimutan niya na nandon lang pala si Yago at tila pinapanood siya. "Meg anong ginagawa mo? Bakit mo naamoy yan?"

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon