10 // Secret Journal

272 6 3
                                    

HALOS tumakbo na si Lito kinabukasan pagpasok niya ng Cafe. Kung kanya lang mamarapatin ay gusto na niyang magkaroon ng pakpak at lumipad sa may ere upang makapunta na siya tungo sa kanyang destinasyon. Pagpasok pa lamang niya ng cafe ay nakita na niya kaagad sila Dessa at Rico na naghuhunus dili na. Nakalagay na ang mga cellphone ng mga ito sa kanilang mga tenga na halatang tatawagan na siya. "Hep hep hep! nandito nako. Pasensiya na, na late ako."

"Anak ng tokwa ka naman tol ohh. Galit na galit a si Boss. Magbubukas na daw yung cafe pero wala ka padaw gawa kahit isang cake. Eh ano bang nangyari sayo ha?" Kwento ni Rico.

"Nasan naba si Boss?" Tanong naman niya habang tila sumisilip sa may counter.

"Im here Lito." Isang boses naman ang bigla na lamang sumingit sa kanilang usapan. Si Boss Nathan pala iyon na halos mamula na ang maputi nitong mukha dahil sa galit. "Lito to my office right  now!"

Sa opisina. Halos magmarka ang paghampas ni Nathan ng kanyang mamahaling ballpen sa table nito. "What the hell Lito! Alam mo ba kung anong oras na? You are one hour late! Nag iisip kaba o ano? You disappoint me!"

"Eh sir. Meron pa naman pong stock eh..." Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin.

"So yun ang gusto mong sabhin na meron pang stock? Eh paano kung walang stock. Saan akong Cafe manghihingi ng mga cakes and pastries. Tell me!"

Napalunok si Lito. Gisang gisa na kasi siya sa malakas na boses ng kanyang amo. Bakit pa kasi niya naisipang uminom kahapon ngayong alam naman niya na palagi siyang maagang pumapasok. Ang usually na calltime niya sa cafe ay six oclock in the morning at magbubukas naman ito as early as seven thirty sa umaga.

"Alam mo Lito. Wala ka dapat dayoff eh. Pero sabi mo kahapon na may lakad ka. And so to speak na pinayagan kitang mag off. Pero ano tong ginawa mo sa cafe ko. Lulugiin mo ba ako? Time is precious in my place Lito. Pero kung hindi mo kaya yun eh mag re..."

"Nako Boss. W-w-wag naman po." Sa nanginginig nitong boses.

Umupo si Nathan sa kanyang upuan. Pinagmasdan niya sa Lito sa nakakaawa nitong mukha. "Okay I give you another chance pero huli nato ahh. Pag inulit mo pa ulit ito eh pasensiyahan nalang tayo. Understand?"

"Nako Boss Nathan oo naman po. Hinding hindi napo mauulit." 

Lumabas na si Lito sa opisina ni Nathan pagkaraan ng mahaba nilang deskusyunan. Pagkabukas niya ng pintuan ay nahuli niya kaagad sila Dessa at Rico na halatang nakikinig sa usapan nila sa may loob. "O ano nang balita Lito?"

"Kunyari pa kayo eh kanina pa kayo nandiyan." Nagtawanan naman ang dalawa. Pagkatapos ay tuluyan na silang naglakad papunta sa may dining area. "Nako buti nalang talaga eh hindi ka sinibak ni Sir. Ang tigas kasi ang ulo mo eh. Naglasing ka nanaman no?" Sita ni Dessa.

"Oo na. Napainom lang naman ako ng kaunti." 

"Yan tayo eh. Dahil diyan sa kaunti nayan kaya ka na late ngayon. Kaya tsong magtanda kana."

Napatigil si Lito sa kanyang paglalakad. Alam nyo! yung totoo! Mga konsensiya koba kayo? Bakit ba parati nyo nalang akong pinagiinitan?"

"Dyosko naman Emmanuelito ahh! Ano pabat inembento ang sayings na what are freinds are for."

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ano pakiulit mo nga?"

"Ano yun, yung sayings na sinabi ko?" Pag uulit ni Dessa.

"Hindi yung tawag mo sa akin."

"Ay yung Emmanuelito? Oh bakit?"

"Utang na loob Dessa. Wag mokong tawagin sa tunay kong pangalan kinikilabutan ako." Napahawak pa ito sa katawan niya na parang nanginginig. 

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon