14 // Identity

225 3 0
                                    

"KAMUSTA si  Meg?" Pinaandar na ni Rico ang sasakyan. Magtutungo sila ngayon sa Manila hotel para ideliver ang ginawa ni Litong cake. Five layers ito ngayon na nilagyan niya ng swarovski crystal at palamuting laso. Kulay itim ang cake pero kuhang kuha nito ang atensiyon ng mga kumikinang na palamuti. "Medyo okay okay na. Baka bukas eh papasok narin yon."

Kinambyo ni Rico ang sasakyan. "Buti naman. Alam mo bang grabe yung kaba ko nung nakita ko siya sa may sahig habang nakakalat yung kape nung costumer natin." Pagkekwento ni Rico habang tila nanatili parin sa mukha nito ang nakakagimbal na expression. "Teka pare saan nyo ba nakillala si Meg?" 

"Huh?" Nabigla siya sa tanong nito. "Nakita ko lang siya sa may labas ng cafe. Tinulungan ko tapos dinala ko sa may bahay."

"Ahh. Napaka gentelmen mo naman pala pre eh. Alam mo kulang nalang eh gawaran ka nang ulirang BInata award for the year two thousand and fourteen."

"Hindi naman. Sabihin na nating. Nangibabaw lang sa akin nung mga panahon nayun ang awa."

"Sus uso paba yun?"

"Oo naman. Palibhasa wala kanun! Saka Rico pwede wag mo akong intrigahin at dun mo nalang ituon yang utak mo sa pagmamaneho. Tsismoso!" Umusbong nanaman ang pagka antipatiko nito. 

"Opo Sir. Nakalimutan ko lang po." Hirit naman ni Rico. Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho ay tumigil narin ang kanilang sasakyan sa nasabing estblisyimento. Bumaba kaagad siya at kinuha ang tatlong layer ng cake. "O ikaw Rico sayo yung dalawa."

"Lito naman. Dalawa nga lang yung akin pero yung dalawang malalaki naman. Nasan ang hustisya?" Napatawa si Lito. "Bakit may angal ka? Baka nakakalimutan mong mas mataas ang posisyon ko sayo."

"Oo na! Lagi naman akong kawawa sa inyo ni Dessa eh. Lagi nalang akong under Dog."

Naglakad na silang dalawa papunta sa likod ng hotel. Mula doon ay merong shortcut papunta sa may recreational area kung saan gaganapin ang nasabing wedding. Itinulak ni Lito ang pintuan ng kwarto gamit ang kanyang pwet. Naamoy kaagad niya ang bango ng buong paligid dahil sa mga rosas na ginamit doon. Simple but elegant ang tema ng venue. One hundred seaters lamang ang nakalagay sa area habang pinapalibutan naman ito ng mga masasayang kulay na pula at itim na motiff.

Sumunod naman si Rico sa pagpasok. Mula sa isang lamesa ay nilapag nila ang cake at duon nila ito  inasemble. "Oh my God!" Napahawak si Miss Yvette Cortez habang nakikita niya ang pag aayos nila ng cake. Litaw na litaw duon ang ginawa ni Litong special figurine na hugis sapatos at korbata na gawa sa fondant. "This cake is genius. How many hours to build this gorgeous cake?" Lumapit si Yvette rito at hinipo ang gilid niyon.

"Ahmm about a day rin po Maam. Kasama na po duon ang baking and decorating."

"I totally liked it." Minuto pa ang lumipas ay dumating naman ang mapapangasawa nito. "Ahh Is that the cake. Fantastic!"

"I told you Hon na sa Cream and Honey tayo magpagawa." Nagyakapan silang dalawa. 

"Nako maraming salamat po Sir, Maam." Inabot ni Yvette ang bayad sa cake. At para daw sa ibinigay nilang kasiyahan sa kanila sa pag design nito ay binigyan din sila nito ng bonus na tig iisang libong piso. "Nako Maam. Wag napo bawal po kaming tumanggap ng tip."

"Really. Lumaki ang mga mata nito. "Ayy hindi." Ito na mismo ang naglagay ng pera mula sa mga palad niya. "Tip ko yan dahil maganda ang presentation ng cake. At wag kayong mag alala dahil hindi ko sasabihin yan sa boss niyo."

"Nako Maam maraming salamat po talaga." Sabay tungo naman nilang dalawa.

Tuwang tuwa sila Lito paglabas nila ng venue. Hindi dahil sa perang nakuha nila kundi dahil sa isa nanamang costumer nila ang nasatisfied sa kanilang sebisyo. "Ang bait bait talaga ni Miss Yvette no? Sabi ko naman sayo pre eh na magugusuhan nila yung gawa mo."

Cream and Honey (Book 3) - Emmanuelito (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon