Clash of Elites - 01

34 0 0
                                    

CHAPTER 1 : Buwis buhay Na Puro Eklabu

*insert tweet tweet-whistle whistle sounds*

1 NEW MESSAGE

From: Mamu

ANAK, ANAK KA TALAGA NG MAMU MONG BAKLA. UMUWI KA NA SA BAHAY BAGO PA KITA SUNDUIN JAN NG MAY DALANG KARIT! Labyu :*

Jusmiyo marimar. Nagtext na ang pinakamagandang bakla sa balat ng lupa. Ang tagal naman kasi kaming pauwiin ni Sir Castenos. Magdadalawang oras na kami dito sa room. Isa lang naman ang dahil kung bakit nangyari yun. Si Edmar na kaklase namin, kasama yung mga gusgusing kasama nya, pumunta dun sa pavillion na para lang sa mga elites. Sakto namang nakita sila ni Angelika pero hindi naman sila sinumbong. Nakipagkaibigan pa nga sa kanila eh. Ang nagsumbong sa kanila ay si *drumrolls!* ako. Oo, alam kong katangahan yung ginawa ko pero mas gugustuhin ko pang ako yung magsumbong kesa yung mga antipatikong estudyante sa kabilang school.

“At ikaw naman Ms. Fuentabella, ano namang ginagawa mo doon?!” tanong ni Sir. Jusko, pwede po bang magteleport ako ngayon? Kasi po, ramdam ko po na hinuhukay ko na yung sarili kong libingan eh. Bawat tingin nung mga kaklase ko lalo na si Edmar nanlilisik.

“Wala, na-curious lang ako kung saan sila pupunta. Malay ko naman na ganto kahahantungan kung magsumbong ako eh,” sabi ko pero pabulong yung sa bandang huli. Tiningnan ko yung mga kaklase ko tapos yung si Sir. Sasagot pa sana ako kaso biglang tumunog yung cellphone ko.

1 NEW MESSAGE

From: Mamu

ANAK, SI MAMITA ‘TO. TOL, NAKAKALALAKI KA NA HA! PARANG HINDI KA TINEXT NI MAMU MO AH! UWI KA NA AGAD-AGAD BAGO KA PA KUNIN JAN NG MAMU MO. Labyu :* p.s. may dalang karit yun

Nanlaki yung mata ko nung nabasa ko yung naka-lagay sa p.s. Alam kong hindi nagbibiro si Mamita kaya imbes na intindihin kung ano mang sinasabi ni Sir, kumaripas na ako ng takbo sa pintuan at daig ko pang race track runner sa sobrang bilis kong tumakbo. Napansin kong maraming estudyante sa grounds ng school. Nakakapagtaka naman dahil hindi naman ganito dito. Bago pa ako mag-isip isip ng kung ano-ano, tinulak ko lahat ng taong haharang sa dadaanan ko tapos tumakbo sa may gate. Sarado yung sa maliit na gate na pang isahang tao lang habang bukas yung sa malaki. Isa lang ibig sabihin nito, nandito yung mga Elites. Titigil pa sana ako pero bago ko pa magawa yun, nakita ko si Mamu. Kaya tumakbo ako palabas gamit yung daanan ng mga Elites pero kung minamalas nga naman ako… *sigh* nabangga ko yung isa sa kanila. At sa kamalasan ko, si KC Villafuerte pa yung nabangga ko. Ayos di ba?! *note sarcasm* Ang pinaka-antipatiko at walang modong taong nabuhay dito sa mundo. Wala sa aming natumba at maganda nga yun eh. Napansin kong nagngangalit na sa galit si Mamu kaya tinakbuhan ko na lang si KC at binangga lahat ng mababangga ko.

***

“Mamu, promise! Hindi ko kasalanan kung bakit naiwan kami dun sa school!” sabi ko. Alam nyo ba kung anong nangyayari ngayon? Parang nasa loob ako ng madilim na bahay at iisang ilaw lang yung bukas. At yung ilaw na yun, yung gumagalaw pa. Hanep di ba? Parang pelikula lang noh.

“Akala ko ba ikaw yung nagsumbong sa kanila? Eh di ibig sabihin, ikaw yung may kasalanan,” sabi ni Mamita. Parang Papito nga yun eh. Ang laki ng boses nya at sobrang macho pa. May bakla bang ganun? Sayang pa naman sila, yum yum yum pa sana eh. Binagsak ni Mamu yung kamay nya sa la mesa sa harap ko.

“Mamu, yung totoo… magiging si Hulk ka na ba?” tanong ko. Hindi ko naman planong galitin siya pero parang anytime ngayon, sasabog na sya. Jusko!!!! Itago nyo po ako kahit saan wag lang sa ilalim ng mesang ‘to. Tumayo ako sa kinauupuan ko bago ako tumakbo papuntang… CR? Seriously? Sa lahat ng matatakbuhan ko, CR pa? Di ba pwedeng wardrobe man lang? Yung katulad sa Narnia kaso  wag naman yung nag-ii-snow. Di ko pa keri ang masyadong malamig.

“AC FUENTABELLA! Lumabas ka jan sa CR!” sigaw ni Mamita.

“AYAW KOOOOO!” sabi ko na parang bata.

“Lalabas ka jan o kakaladkarin kita palabas jan?” tanong ni Mamu.

“Mamu, hindi mo ako makakaladkad kung sarado yung pintuan,” sabi ko.

“Lalabas ka jan o sisipaiin ko yung pintuan?” tanong ni Mamita. Napatingin ako sa paligid ko. Jusko, sa liit nitong CR namin siguro kung sisipain ni Mamita ‘tong pintuan, tatama sakin. For sure masakit yun kaya, mas mabuti pang sumuko na lang ako.

“Mamu, Mamita, lalabas ako pero sa isang kondisyon!” sabi ko.

“Ano yun?!” tanong nya.

“WAG NYONG KUNIN YUNG CELLPHONE KOOOOO!” sabi ko bago lumabas sa CR. Pagkatapos nun, binuhat ako ni Mamita since mas malaki sya compare kay Mamu tapos binagsak ako sa may sofa bed. At….kiniliti ako ng non-stop. Putchaaaaaa! Mamamatay ako sa kakatawa sa ginagawa nila eh.

“Ano ba naman yan AC, hindi pa nga lumalapit yung daliri ko jan sa Villafuerteg mo naka tawa ka na agad?” sabi ni Mamita.

“OA lang ang peg nya today,” sabi ni Mamu.

“Oh sya, tama na muna yung mga kaetchosan okay? Anyare sa school maliban dun sa nanumbong ka ng kaklase mo?” tanong ni Mamita.

“Sobrang dami…” sabi ko. Pero bago pa ako makapagsalita…

*TOKTOKTOK*

Clash of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon