Chapter 8
After pagalitan nila Lolo si Johnson dahil sa ginawang pag-iwan nya sa akin sa kwarto ni Joanna, tinanong ko sya kung bakit nya ginawa yun at ang sinabi nya lang sa akin, natatakot daw sya pati na yung iba pang katulong dito sa bahay na kaugali ko si Joanna. Nagsorry naman sya kaya apology accepted. Naalala ko kasi yung sinabi sa akin dati ni Mamu, Wag mong problemahin ang problema, hayaan mong ang problema ang mamroblema sa problema mo. Nahilo ba kayo? Ako din nahilo nung sinabi nya pero palagay ko sinabi nya yun sa akin kasi ayaw nya akong magtanim ng sama ng loob, lalabas daw yun sa mukha at nakakawrinkles.
Pagkalabas ni Johnson sa kwarto ko since may curfew daw dito, mag-isa na lang ako sa kwarto at napatingala ako sa kisame. Kung iisipin ko lahat ng nangyari ngayong araw, masasabi ko na yung araw na ‘to ang pinaka-nakakabaliw sa lahat. Nadaig ko pa si Cinderella. Wala man akong Prince Charming, parang sa isang iglap lang, naging prinsesa na ako. Akala ko lahat ng bagay ay impossible pero ngayong araw na ‘to, parang unti-unti ko ng narerealize na walang imposible kung ito ay yong nais, wish ko lang. Pero sa totoo lang, I’m greatful na nangyari ‘to. Hindi ko lang sure kung kakayanin ko bukas yung gagawin ko. Ano nga bang gagawin bukas? Sabado kasi eh… bahala na nga lang, makatulog na nga.
***
Pagkagising na pagkagising ko, isang bwisit agad ang nakita ko. Pinikit ko ulit yung mata ko dahil baka binabangungot lang ako. Tapos nung tulog na ulit ako, napapanaginipan ko na naman yung nakakairitang mukha nya. Ano bang nakain ko at yung mukha nya yung nasa isip ko? Naramdaman kong may nagtanggal ng kumot sa akin. Bumangon ako bago kinapakapa kung mahahanap ko yung kumot pero kamalas-malasan nga naman, wala sya kahit saan.
“I know you’re awake already. Now stand up and change your clothes,” narinig ko yung boses ni KC. Jusko po, sana naman po mawala na sya isipan ko. Ayaw ko naman na makalimutan sya totally pero sana naman po mabawas-bawasan na po yung pagiging slightly dedicated ko sa hot na si KC. Pagkatapos ng 10 minutes na kapaan, nahanap ko din yung kumot at tinalukbong ko yun sa akin sa sobrang lamig. Parang nasa loob ako ng freezer sa lamig. Napaupo ako bigla sa sobrang gulat nung may biglang tumunog na alarm clock. Sinong naglagay nun?!
“Get your lazy arse up now or I’ll carry you!” panakot nya sa akin. Dinilat ko na yung mata ko nung narealize ko na totoo na pala ‘to. At sa totoo lang, naiinis ako.
“Mr. KC Villafuerte, kung ako sayo, hindi ako mamb-bwisit ng bagong gising. Hindi mo ba naririnig pa yung kasabihan ng matatanda na magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising?” tanong ko. Pagkatapos kong maglitanya, bigla na lang nya akong binuhat.
“Hoy! Ano ba?! Ibaba mo nga ako! Isa! Ibaba mo na sabi ako eh! Kaya ko namang maglakad! Aanhin ko pa yung paa ko kung bubuhatin mo na lang ako palagi?!” sigaw ko sa kanya. Sakto namang pumasok si Johnson at nahalata kung ano yung nangyayari. Unti-unti syang humakbang palabas.
“JJ! Bruha ka, tulungan mo ako dito!” sabi ko.
“Hindi ka nya pakikinggan dahil titingnan pa kung talagang ikaw yung tagapagmana nila at unfortunately, magiging future wife ko,” sabi nya. Future wife? Pwe! Ayaw ko nga! Oo, crush ko sya pero hanggang dun lang yun ah! Pero pwede rin naman… Mrs. AC Fuentabella-Villafuerte.Tapos magkakaroon kami ng anak tapos—waiiiit!!! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko! Hindi yun pwedeng mangyari dahil hindi ako ang gusto nya.
***
After ng mahaba-haba pang lakaran, nakaabot na din kami sa wakas sa dressing room, well, walk-in closet na sobrang layo mula sa kwarto ko, at dun nya ako binaba. After nun, dahil hindi talaga sya gentleman sa harap ko dahil siguro parehas ng girlfriend nya na bitter din dahil ako ang kontrabida sa love story nila (parang sa love story ni Lory at Chad ako si Cross), imbes na iabot sa akin ng maayos yung damit, binato nya sa akin yun.
“Change you clothes and then we’re going somewhere,” utos nya.
“Eh kung ayaw ko?”
“One, two, three—”
“Okay, okay! Eto na nga di ba? Labas ka na, magbibihis lang ako,” sabi ko na nagngingitngit sa galit. Nakasmirk lang sya at hindi man lang gumalaw.
“Eh kung ayaw ko?” he shot my own words at me.
“Johnson!!!” tawag ko. Lumapit lang sya ng lumapit sa akin.
“A-Anong ginagawa mo?” nauutal na tanong ko sa kanya.
“Ano sa tingin mo?” tanong nya.
“Ewan ko. Bakit sa tingin mo ba nababasa ko yang nasa utak mo?” tanong ko.
“You’re really a smart girl, unfortunately, Joanna is still better than you,” sabi nya.
“Do I look like I care?” tanong ko sa kanya habang nagkakatitigan kami.
“Feisty,” sabi nya. Tinirikan ko lang sya ng mata bago ko sya tinulak palabas ng kwarto. Alam kong 3rd year high palang kami at 14 palang ako. Hindi pa ako pwedeng main-love hangga’t hindi pa ako nagiging successful na tao. Kahit sino pa man yung magkagusto sa akin o magustuhan ko, invalid pa rin yan dahil plano kong magkaroon ng relasyon kapag naging puti na ang uwak…joke! Ayaw ko namang maburo at maging forever alone buong buhay ko noh! Syempre gusto kong magkaroon ng lovelife pero ang sa akin lang naman, ang love, hindi yan minamadali. Hindi rin yan contest ng paramihan ng ex o kung hindi naman, paramihan ng jowa sa isang buwan. Ang love, hindi yan ginagamitan ng mata, puso ang ginagamit jan. At ang love, hindi yan sapilitan, dumarating yan sa tamang panahon. Parang love expert lang noh? Pero sa totoo lang, NBSB ako. Kaya nga palaging sinasabi sa akin nung mga kaibigan ko na kung sino pa daw yung walang lovelife, sya pa ang magaling mag-advice. Haiiist! Magbibihis na nga ako, baka kasi bigla na naman sumulpot yung lalaking yun eh.
***
“Sexy back,” sabi ni KC. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko syang lumabas sa kabilang pintuan. Buti na lang nakatalikod ako at may short shorts akong suot kaya hindi nakita yung pangbata kong panty. (Alam nyo yun? Yung may nakaprint sa harap na Moday, Tuesday, etc.? Ganun yung suot ko ngayon. Ba’t ko nga ba sinabi yun sa inyo?) Binaba ko tuloy kaagad yung dress. Above the knee lang yung haba nung dress pero desente naman sya tingnan. Tumingin ako sa paa ko at bigla na lang may bumagsak na flats sa sahig. Napatingala ako at nakatinginan ko na naman si KC. Sinuot ko yung binigay nyang sapatos pero tiningnan ko muna kung may kung anong nakalagay sa loob at, well, wala naman kaya sinuot ko na. Hindi na sya nag salita pagkatapos nun pero hinila nya ako papalabas ng kwarto ko na kasinglaki ng sala namin sa dati naming bahay.
Hindi pa man din kami nakakalayo, nakasalubong namin si Lolo at Papa na may kasamang ilang tao. At kasama sa mga taong yun sila Joanna at Marita Santibañez.
“We demand for a DNA procedure. Another DNA Procedure!” sabi agad ni Marita.
“Good day to you too,” bati ko sa kanya pero nanlisik lang yung mata nya sa akin. Masyado ba akong maganda kaya naiinis sya?
“anakndakldsnal” sabi bigla ni Marita na ikinagulat ng lahat.
[[a/n: Ano kaya yung sinabi ni Marita? Tungkol saan kaya yun? Sorry naman kung parang may pagkangonge, inaantok na talaga ako eh. Sana po nagustuhan nyo! ^_^ Comment? Vote? Add this story in your RL? Thank you very much! -MsLovieDovey]]
BINABASA MO ANG
Clash of Elites
Teen Fiction"Elites at Lower Class, sa ibang tao mahalagang malaman nila kung saan ka galing. Kung mayaman ka ba o hindi. Kadalasan na nangyayari sa panahon ngayon, karamihan ng mga may kaya, iba ang ugali pero hindi naman lahat. Pero alam nyo para sa akin, wal...