“We demand for a DNA procedure. Another DNA Procedure!” sabi agad ni Marita.
“Good day to you too,” bati ko sa kanya pero nanlisik lang yung mata nya sa akin. Masyado ba akong maganda kaya naiinis sya?
C9: One day Billionaire
“Don’t you think na naghihiganti lang sa inyo yung lalaking kabit ng asawa mo dati? Don’t tell me you forgot who Jordan Lopez is,” sabi ni Marita na ikinagulat ng lahat, well, ako. Paano nakilala ni Marita si Mamita eh samantalang hindi pa nakikita ni Mamita si Marita? O baka, magkakilala na sila ang kaso nga lang, hindi nila sinasabi sa akin.
“Paano mo nalaman ang pangalan ni Mamita?” tanong ko. Halos magdugtong naman yung kilay nya habang tumitingin sya sa akin.
“Mamita? Hindi naman bakla si Jordan eh. Actually he’s a straight guy. Kaya nga nagustuhan sya Nung dati mong asawa di ba? Sophia, right?” tanong ni Marita bago nya bawiin rin ito, “Oh wait, right! Sophia was your ex-girlfriend when you and Marge married each other right?” tanong nya. Napansin kong nagngingitngit na sa galit si Papa…er…Sir Mauricio habang sinasabi yun ni Marita.
“I got this letter at the letterbox, another DNA examination,” sabi ni Johnson bago iabot yung sulat kay Lolo. Napakunot yung noo nya habang binabasa nya yung kung ano mang nakasulat doon. Napatingin sya sa akin tapos kay Joanna. Nanlisik din yung mata nya sa akin.
“Be honest with me, who is your father?” tanong ni Don Mariano.
“Hindi ko po alam,” sagot ko. Baka I-Napoles ko sila ngayong araw na ‘to.
“For sure this is one of that Jordan’s plan na umarte ka bilang isang tunay na Fuentabella,” saad ni Marita. Pigilan nyo ko mga men baka masuntok ko ng di oras ‘tong babaeng ‘to na man-made ang bumper.
“For your information, I was raised by that Jordan you’re talking about and his best friend. Not to sound rude but, don’t you think acting as if your daughter is the real heiress for 12 long years is enough?” tanong ko. Naha-high blood na naman ako dahil sa mga taong ‘to eh.
“Don’t you dare talk to me as if I’m not standing here,” sabi ni Joanna. Hindi pa ako nakakapagsalita, pinaalis na agad ako ni Don Mariano sa pamamahay nya. Tumingin ako kay Johnson, kay Sir Mariano at kay KC. Alam ko naman na wala akong kakampi dito eh. Bakit ba kasi ako naniwala kaagad sa kanila? Bakit ba feel na feel ko na ako nga yung apo eh samantalang ako, hindi ko nga kilala kung sino talaga yung magulang ko?
Pagkalabas ko sa main door, naabutan ko naman na dumating ang mga elites. Kahit gusto kong pigilan yung luhang lumalabas sa mata ko, hindi ko na kayang gawin dahil parang gripo na sya. Nakakainis! Bakit wala akong laban sa kanila? Dahil ba mas mayaman sila at lumaki silang mayaman o dahil nagtatangahan lang ako?
“Hey, why are you crying?” tanong ni Gavin sa akin. I need a shoulder to cry on pero hindi ko pwedeng gawin sa kanila yun. Pero siguro, pwede nila akong ihatid sa lugar kung saan pwede akong umiyak at kung saan alam kong hindi ako sasaktan. Sa lugar kung nasaan ko ramdam yung pagmamahal ng isang magulang. Sa piling nila Mamu at Mamita.
“Hindi mo na kailangang malaman pero, can you give me a ride papunta sa bahay nila Mamu? I just… I just… need to be with them… please?” pagtangis ko. Bakit ganun, kung galit ako nakakapag-English ako ng diretcho o kung hindi naman, nakakapag-Tagalog ako ng sobrang lalim.
***
“Salamat Gavin ha, kahit may lakad ka kasama nung iba, hinatid mo pa rin ako,” sabi ko sa kanya. Nagsmile lang sya sa akin bago nagsalita.
“Wag kang mag-alala, part ka naman ng Elites eh,” sabi nya.
“Pero baka hindi rin ako kasama sa inyo,” sabi ko bago tumalikod at nagdoorbell sa may gate. Nagsimula ng magmaneho papalayo si Gavin. Medyo natagalan sila sa paglabas ah, ano kayang problema? Bakit kaya ang tagal nilang lumabas? Sana naman di ba, nasa loob lang sila ng bahay ngayon. Nag-antay pa ako ng matagal pa at nung akmang papaalis na ako, may biglang nagtakip sa ilong ko at nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Clash of Elites
Teen Fiction"Elites at Lower Class, sa ibang tao mahalagang malaman nila kung saan ka galing. Kung mayaman ka ba o hindi. Kadalasan na nangyayari sa panahon ngayon, karamihan ng mga may kaya, iba ang ugali pero hindi naman lahat. Pero alam nyo para sa akin, wal...