Chapter 4: Pakipot effect >.<
“May isa pa pala kaming sasabihin sayo pero wag kang mabibigla…”
“Ano yun?” Kinakabahan naman ako sa isa pang sasabihin ni Mamu at Mamita. Sana naman maganda-ganda yung sasabihin nila hindi puro seryosong bagay. Kasi naman noh, nakakastress kaya yung masyadong seryoso at alam nyo din ba, ang masyadong seryoso nagkakaroon ng wrinkles ng maaga?
“Bukas…” sabi ni Mamu
“Luluhod ang mga tala?” malokong sabi ko.
“Shonga, bukas may pupunta daw dito na doktor ata yun. Kukuha sila ng sample ng buhok mo o di kaya laway mo para sa DNA test na gagawin. Para lang daw masiguro na ikaw nga yung nawawalang apo ni Don Mariano,” sabi ni Mamita. Don Mariano? Yung tatay ni Mauricio Fuentabella na may-ari ng mamahaling restaurants at malls?!
“ANO?! Mamita, Mamu nagjojoke ba kayo?! Pano naman nila nasabi na ako yung nawawalang anak ng isang Billionario?! At tsaka di ba nakita na daw nila yung anak ni Mauricio Fuentabella? Yung si Joanna Santibañez,” sabi ko.
“Peke daw yun. Pineke lang daw nung Marita Santibañez yung resulta ng DNA tests. Sa pagkakaalala ko, yun yung dating nobya ni Sir Mauricio. Nakipaghiwalay sya dun 4 years ago after nilang imbestigahan yung tungkol dun sa Joanna na yun. After nun nga, napag-alaman nilang may planong masama yung Marita sa kayamanan ng mga Fuentabella. Pag daw kasi mapatunayan na si Joanna yung anak ni Mauricio, sya yung magmamana ng lahat ng bagay na pagmamay-ari ng pamilya at higit sa lahat, maikakasal kay KC Villafuerte na kilalang negosyante sa murang edad,” sabi ni Mamu. Wow, NBI lang ang peg nya ha! Maraming alam tungkol sa magulong buhay ng Fuentabella… pero teka, ano daw yung sinabi nya?!
“ANO?! IPAPAKASAL KAY KC VILLAFUERTE YUNG MAPAPATUNAYAN NA TUNAY NA ANAK NI MAURICIO FUENTABELLA?!”
“Anak, puno ka na ng ka-OAyan.”
“Binge lang? Oo nga, matagal na kasing napag-usapan nung Lolo ni KC at ni Don Mariano na ipapakasal nila ang kaisa-isa nilang apo sa isa’t isa para mapagsama nila yung dalawang pinakamalaking kompanya sa bansa at pag nangyari yun, yung dalawang kompanya na pinagsama ang pinakamalaking kompanya sa buong mundo,” sabi ni Mamita.
“Teka, kilala mo si KC Villafuerte?”
“Oo naman. Sinong hindi makakakilala sa isang hot at matalinong lalaki sa balat ng lupa? I mean, yung muscles nya… yung mata nya… yung mga labi nya…”
“Nak, okay lang naman na pagpantasyahan mo sya pero ang tanong, magugustuhan ka ba nya? I mean, ikaw ba yung tunay na Fuentabella? Kasi alam mo, ayaw ni KC na makita yung tunay na apo dahil minahal na nya yung Joanna. Nasaktan nga sya nung sinabi sa kanya nung lolo nya na hindi na sila pwede ni Joanna. Sa tingin mo mapapatawad ka ba nya? Kung sakaling ikaw nga yung hinahanap na Fuentabella, sa tingin mo masisiyahan sya dahil ikaw ang dahilan ng paghihiwalay nila nung girlfriend nya?” tanong ni Mamita. Hindi ako makasagot. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala yung nangyari kay KC at dun sa Joanna. Pero bakit nya ako sisihin? Dapat sisihin nya yung nanay nung Joanna dahil pineke nya yung resulta nung DNA. Ang swerte nga nung Joanna na yun dahil mula nung 2 years old sya, naalagaan sya nung mga taong hindi naman pala nya kadugo talaga. Sige na, bitter na kung bitter pero masisi nyo ba ako? Matagal din akong walang Nanay at Tatay. Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako dahil si Mamita at Mamu, palaging nasa tabi ko at inaalagaan ako. Hindi man nila ako kadugo o kahit yung nanay ko, taos-puso parin nila akong inalagaan. Binisihan ng simpleng damit, pinakain, pinaaral, tinuruan. Lahat ng alam ko, galing sa kanila. Bakla man sila kung tawagin, mas mabuti pa silang magulang kesa sa isang pamilyang magulo at walang pagkakasundo.
***
Pagkatapos naming maghapunan, dumiretcho na ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa kisame at inisip lahat ng nangyari ngayong araw na ‘to. Sa school, nastuck kami sa classroom dahil sa akin. Dito sa bahay, nalaman ko na yung tunay ko palang pamilya naghihintay sa akin. Nalaman ko rin na may kukuha ng DNA sample bukas. Muntik ng masunog yung bahay dahil sa ginawa kong sunog na itlog. Pero sa lahat ng bagay na nangyari ngayon, isa lang ang pinakamemorable sa lahat. At yun ay yung aksidenteng pagbangga ko sa isang KC Villafuerte
***
Pagkagising ko sa umaga, nag-ayos na ako ng damit at lahat ng gamit ko, nilagay ko na sa bag ko. Kumain ng almusal (uminom ng kape at kumain ng pandesal na sinawsaw sa kape), nagtoothbrush pagkatapos kumain at sinuot ko na yung medyas at sapatos ko.
“Papasok na po ako sa school!” pagpapaalam ko. Paglabas ko ng pinto, nakangiti ako pero nung lumabas ako sa may gate, napansin kong puno ng mamahaling sasakyan yung daanan. Tumingin ako sa kaliwa at nakita sila Warren, Gavin, Darryl, Jeremy at KC habang sa kanan, nakita ko sila Nicole, Shayne, Angelika at Mika.
O_O
Bakit nandito ang Elites?! Anong ginagawa nila dito?! At bakit nakaharang yung mga sasakyan nila sa kalsada namin? Hindi naman sa samin nakapangalan yung kalsada pero dito sa street na ‘to nakatayo yung bahay namin. Hindi rin naman sa nakakaupo yung bahay pero—arrggggh!!!
“Anak! May…ibibigay kami sayo…” sabi ni Mamu na parang kinabahan bigla. Napatingin ako sa kanila at napansin kong may hawak na kwintas si Mamita.
“Eto pala yung kwintas na hinabilin ni Liz nung araw bago sya nanganak. Ibigay daw namin yan sayo paglaki mo,” sabi ni Mamita habang nilalagay sa akin yung kwintas. Akala ko ba kahapon lang yung artehan na tungkol sa katotohan sa akin? Bakit parang may part 2? Feel ko part two tong chapter na ‘to. Tama ba ako miss Otor?
[a/n: Hindi. Feeling mo lang yan. Oh sya! Sunod!]
Okay. Eto na nga di ba. Ayun na nga, pagkatapos na maisuot sa akin ni Mamita yung kwintas, hinawakan ko yung at napansing may na ukit na letra sa pendant nung kwintas. AC.
“Jan namin kinuha yung pangalan mo. Sabi ni Liz, meron ka na daw record sa NSO bago pa sya manganak. Hindi namin alam kung pano nangyari yun pero yun yung sabi nya eh. Kaya ka namin tinawag na AC dahil jan sa nakaukit sa pendant na yan,” sabi ni Mamu.
“Salamat Mamu, Mamita,” sabi ko. Biglang may nagbusina kaya bigla akong napatalon.
“Ano ba?!” pasigaw na tanong ko.
“Sasakay ka ba o hindi?!” tanong ni KC.
“Nagtatanong ka ba o Nananakot?!” tanong ko.
“Nananakot. Sumakay ka na kung sasakay ka,” sabi nya.
“Ayoko nga, I’d rather walk para mabawasan yung Calories sa katawan ko,” sabi ko.
“Bahala ka jan,” sabi nya bago umalis. Sunod-sunod na silang nagsilayasan at pinaharurot yung sasakyan nila. Eto naman o, hindi na mabiro. Nakakairita, maglalakad pa tuloy ako. =3=
[A/N: Ginusto mo yan eh. Pakipot pa kasi…]
“Sige na, simulan mo nang lumakad para mabawasan yung Calories sa katawan mo,” pabirong sabi ni Mamu. Haiiisssst! May choice pa ba ako?!
***
After 30 minutes na paglakad, nakarating na agad ako sa school pero isang pangyayari ang nakagulat sa akin…
[[Welcome Young Lady AC!]]
BINABASA MO ANG
Clash of Elites
Teen Fiction"Elites at Lower Class, sa ibang tao mahalagang malaman nila kung saan ka galing. Kung mayaman ka ba o hindi. Kadalasan na nangyayari sa panahon ngayon, karamihan ng mga may kaya, iba ang ugali pero hindi naman lahat. Pero alam nyo para sa akin, wal...