CHAPTER 2: SUNOOOOOOOOG!!!!!
*toktoktok*
Hala! Sino namang abnormal ang kakatok sa bahay ng mga Fuentabella sa oras na sarado na ang parlor? Hindi naman pwedeng si Manang Ising (yung may-ari nung bahay) kasi sa pagkakaalala ko, nakabayad kami sa upa kahapon. Hindi rin pwedeng Meralco o di kaya tubig kasi last week nakabayad na kami. Sino kaya yung kumakatok sa pintuan?
“Lumabas kayo jan sa bahay nyo!” hala! Boses yun ni Kapitan Tiago ah! Ano kayang nangyayari? Bubuksan ko ba yung pintuan o hindi? Ano ba?! Napatingin ako kay Mamita at Mamu na parang biglang natakot. Bakit kaya? Ano kayang problema?
Malalaman mo ba kung hindi mo itatanong? Pero pwede mo rin namang buksan yung pintuan para malaman mo yung sagot jan sa tanong mo? Haiiiisssst! Mababaliw na ako! Kinakausap ko na yung sarili ko eh! *GRRRRR* biglang tumingin sila Mamita at Mamu sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganyan yung itsura nila pero sa totoo lang, para silang natatae (sorry for the word xD).
“Bibilang ako ng sampu!” panakot ni Kapitan. Akala naman nya matatakot ako sa gagawin nya? Never.
“Gusto mo tulungan pa kita?!” pasigaw na tanong ko.
“ISA!” panakot nya.
“SAMPU!” pamimilosopo ko.
Tumingin muna ako sa pinto bago ako pumunta sa kusina.
“Hanggang bilang lang pala yan eh. Jan na nga kayo,” sabi ko. Binuksan ko yung ref tapos kinuha yung mga ingredients na kelangan ko.
PAID ADVERTISMENT (echos!)
How to make a scrambled egg!
Hello mga hayahay! Ganito ang proper way ng pagluluto ng itlog!
Step 1, kelangan nyong buksan yung ref nyo kung meron kayong stock ng itlog sa ref at kung wala naman kayong ref pero may stock ng itlog sa bahay nyo kunin nyo yun, at kung wala naman kayong itlog sa bahay nyo, bumili kayo sa pinakamalapit na tindahan. Step 2, ihanda lahat ng kakailanganin sa pagpiprito ng itlog; kawali, sandok, takip ng kawali, tinidor, bowl at… wala na. Step 3, tuktukin ang shell ng itlog para lumabas yung laman nung itlog. Step 4, lagyan ng pampaalat (e.g. Magic Sarap®, Ajinomoto®, Ginisa mix at ang pinakarecommended, ASIN®). Nakalimutan ko! Ilagay nyo muna pala sa bowl yung laman nung shell at wag ilalagay yung shell doon! Step 5, kapag may nasamang shell o hindi maayos yung pagbasag nyo sa itlog… LAGOT KAYO! Pwede nyong ulitin mula umpisa o kung ayaw nyo naman, tanggalin nyo ang shell. Step 6, Haluin nyo yung itlog at pampaalat, turo ni Mamita sa akin dapat daw bumula yung itlog. Note! Hindi ibig sabihin na pabulain nyo na gamit yung sabon okay? Hindi lang yung itlog ang sure na bubula pag mangyari yun. Step 7, Pagtapos haluin ang itlog, ilagay ang kawali sa ibabaw ng kalan at buksan ang kalan. Painitin ang kawali at pag mainit na, ilagay ang mantika. Note! Humingi ng tulong sa nakakatanda kapag gagawin ang parteng ito. At ibayong pag-iingat ang kailangan. Magsuot ng shades, jacket, gloves at helmet para safe kung gusto nyong kayo ang gumawa. Kapag pumutok ang mantika, gamitin ang takip ng kawali hindi para takpan ang kawali kundi pang-shield.Paniguradong hindi na masakit yung balat nyo. Step 8, siguraduhing maiinit na yung kawali at mantika. Ilagay yung itlog tapos antaying mabuo. Kapag buo na, gamitin yung sandok dahil hindi lang yun props, at ibaliktad yung nilulutong itlog.
*END OF ADVERTISEMENT*
“ANAK!!! May sunog ba?! *cough*cough*” grabe naman sila makainsulto. =3=. Puno kasi ng usok yung kusina dahil nagluto ako ng scrambled egg.
Maraming boses akong narinig sa labas na nagsabing, ‘May sunog daw!’ ‘Tumawag kayo ng bumbero!’ ‘Naku, okay lang kaya sila?!’ Nakakainis na ha! Hindi na nakakatuwa.
***
“Putcha naman anak. Sana tinawag mo na lang kami kesa nagluto-luto ka pa dito. Tingnan mo, muntik muntikanan pang may bumberong dumating dito. Sa susunod ha, tawagin mo na lang kami,” sabi ni Mamu. Nakakainis naman ‘to. Kababaeng tao ko hindi ako marunong magluto ng itlog. Pano pa kaya kung hotdog yung lutuin ko? *sigh*
“Ayos lang ba kayo? AC, bakit mukha kang sundalo sa gera? May uling-uling ka pa sa mukha,” sabi ni Kapitan. Laiitin ba naman ako ng ganun? Imbis na maki-USI pa ako sa mga tao na nag-trespass sa bahay namin, pumunta na lang ako sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko kaagad yung itsura ko na mukhang sundalo. Anlayo kasi ng itsura ko para maging pulubi sa kanto eh. ^_^
Napakapit ako sa dibdib ko nung may biglang sumulpot sa likod ko. Si Mamita lang pala. Akala ko naman kung ano na.
“OA ka rin noh? Manang-mana ka talaga sa akin,” sabi nya.
“Syempre naman, ako pa? Hindi magmamana sa inyo,” sabi ko. Lumapit sya sa akin bago ako niyakap ng sooooooooobrang higpit. Ano kayang problema? Sandali lang naman akong nawala. Mga 1 minute lang mahigit ah. Bakit parang galing akong ibang bansa o di kaya aalis ako na matagal?
“Alam mo naman na labs na labs ka namin ni Mamu mo di ba?”
“Opo naman Mamita. Bakit mo po naman biglang naisipan sabihin yan?” tanong ko.
“Wala lang, namimiss lang naman kasi namin yung baby namin eh,” sabi nya. Napansin kong umiiyak sya. Masyadong hebigat ‘tong drama eklabu namin ah. Ano kayang nangyari?
“Andrama nyooooo! Sali ako sa group hug!” sabi ni Mamu. Na-sandwich ako sa pakidan nilang dalawa at niyakap nila akong parehas.
“Anong drama nyo ngayon Mamu, Mamita? Mag-a-abroad ba ako at kung makayakap kayo sa akin eh parang wala ng bukas,” sabi ko. Nagkatitigan muna sila Mamu bago ko napansin tumango-tango si Mamita. Parang binagsakan sila ng langit at lupa at hindi ko alam kung bakit…
“Anak, may dapat kang malaman…”
BINABASA MO ANG
Clash of Elites
Teen Fiction"Elites at Lower Class, sa ibang tao mahalagang malaman nila kung saan ka galing. Kung mayaman ka ba o hindi. Kadalasan na nangyayari sa panahon ngayon, karamihan ng mga may kaya, iba ang ugali pero hindi naman lahat. Pero alam nyo para sa akin, wal...