Chapter 6
[[A/N: Sana po magustuhan nyo ‘tong update ^_^]]
Pag-uwi ko sa bahay namin, alangan naman na sa bahay nyo ako umuwi… Napansin ko na maraming sasakyan sa labas ng bahay. Parang nangyari na ‘to ah. Ah! Tama, kaninang umaga nung may mga buraot na dumating. Ano kayang nangyayari naman sa ngayon? Kanina kasi, seven na sasakyan lang yung nandito pero ngayon, one two three four five—eight nine ten. Sampung sasakyan yung nandito at ang pinaka-angat sa lahat, yung limousine. Maraming lalaking nakaitim din yung nakatayo sa may kalsada at hinaharangan yung mga tao at media. Teka, bakit may mga media dito? May artista ba na dumating? Pano ko malalaman kung hindi ako pumunta doon, di ba? Haisssts! Plural yan, with ‘s’. Naglakad ako papalapit sa may bahay namin pero bigla akong hinarangan nung isa sa mga guards.
“HOY KUYA, NAKIKIUSAP NA AKO SAYO BAGO PA KITA KAGATIN, UMALIS KA JAN KASI NAGUGUTOM NA AKO,” sabi ko. Oo, caps lock on para intense. Hindi pa rin umalis si kuyang guard kaya ginamit ko yung advantage ng pagiging maliit ko. Tumungo ako bago tumakbo papunta sa gate namin. Bago pa ako makapasok, hinarangan na ako nung mga guards na nakaharang sa may unahan ng gate.
“KUYA, KANINA SA SCHOOL GANITO NA DIN YUNG NANGYARI KAYA PLEASE LANG! PADAANIN NYO NA AKO! GUTOM NA GUTOM NA AKO!” pagmamakaawa ko. Hindi pa rin sila gumalaw at pinipigilan parin nila akong makapasok sa loob. Bilang kayong tatlo magwawala ako dito.
Isa, dalawa—
“Padaanin nyo na sya. She’s living in that house,” sabi nung lalaki sa likod ko. Pagtingala ko, since medyo matangkad sya, medyo familiar sya sa akin… TAMA! Sya yung kapatid ni KC! Si Ashton Villafuerte. Balita ko nasa States daw sya, eh bakit nandito sya sa likod ko? Gravacious to the highest level ha! Andaming gwapings ang naglalabasan ngayon!
“You’re AC right?” tanong nya at tumango naman ako. Wag nyo namang sabihin pati ‘to English spokening. Gawd! I’ve had enough na with English people—Speaking in English is contagious. Josko day! Nakakahawa na talaga yung pagiging sosyal nung mga rich kids. Nakakaimbyerna kaya yung mga taong mahilig mag-English. Sana man lang nga, kung ako man yung apo na hinahanap nila, sana may makausap ako na marunong mag-Tagalog… kahit maids kakausapin ko. After kong ipakita yung ID ko, pinapasok na din ako sa bahay namin na nililinis na. Anong ibig sabihin nito?
[A/N: In English?]
What’s the meaning of this?! Oh di ba Ms. Otor tama ako! Hahaha! Eto na nga, napanganga ako nung biglang nakita ko yung mga gamit namin na nilalabas pero may nahalata ako, bakit lahat ng gamit sa sala eh tinanggal habang yung nasa may kusina at yung aquarium, nandun parin kaso wala na yung mga isda. Teka, asan na ba si Baby Zayn ko? Alaga ko yun na fighting fish. Maniniwala ba kayo kung sabihin ko na naglupasay ako nung ayaw bilhin ni Mamu yun?
Anyways, back in reality. Pumunta ako sa may kitchen at hindi ko nakita dun sila Mamu. Bakit kaya? Alam naman nila yung oras ng uwi ko at alam din nilang gutom na gutom na ako pagdating ko, mas lalo pa ngayon kasi napa-English carabao ako dun sa school.
“Your things were all in there right?” na-curious ako kung sino yung nagsalita kaya lumabas ako sa kitchen at pumunta sa may sala. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko si Don Mariano na bumababa ng hagdan. Kasama nya si Mamu at Mamita na maganda ang araw ngayon. Bakit kaya? Ano kayang nangyari? Kung kukunin yung gamit namin, bakit hindi kasama yung ref? Pinaka-importanteng bagay sa mundo yung ref! Maliban sa Kama at electric fan, yun ang pinakamahalaga. Nandun yung pagkain, yung tubig at kung ano-ano pang ka-echosan.
“Mamu, Mamita, bakit nawawala yung gamit natin? Teka lang, nawawala nga ba? Asan na po ba yung gamit natin?” tanong ko. Natawa naman ng konti si Mamu.
“Wow ha, galang mo men,” sabi nya.
“Minsan lang naman eh, pagbigyan mo na,” sabi ni Mamita.
“Is she?” narinig kong tanong ni Don Mariano. Tumingin muna sa akin si Mamita at Mamu bago sumagot ng ‘Oo’ kay Don Mariano. Lumapit sya sa akin bago nya nilagay yung kamay nya sa pisngi ko. Ngumiti sya sa akin bago nagsalita.
“Kamukhang-kamukha mo yung Mama mo. Ikaw ang eksaktong replica nya… kaya siguro naluha yung Papa mo nung nakita ka nya sa eskwelahan nyo noon,” sabi nya. Ano? Matagal na akong nakikita ni Sir Mariano? Amazayn lang ah! Ah, miss Otor? Akala ko po ba medyo babawas-bawasan mo yung pagiging ‘dedicated’ mo… bakit may ‘Amazayn’ jan?
[a/n: Naka-auto correct na yan! Hala sigi! Wag mo na ngang pakialamanan]
Peace on earth na o. High blood ka naman kaagad eh. So, ayun na nga. Sinabi nila sa akin na lilipat na daw kami ng bahay dahil according daw sa mga engineer na nag-observe nitong bahay, madali na daw masira ‘to kaya dapat daw, lumipat na kami sa mas maganda at mas malapit na bahay sa mansion ng mga Fuentabella.
“Kelan tayo aalis? Now na? As in Now na Now na?” tanong ko at tumango silang lahat. Okay good.
***
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Mauricio Fuentabella kasama sya. Kaming dalawa lang sa sasakyan at kaunti na lang talaga, makakatulog na ako sa sobrang katahimikan. Medyo malayo pala yung bahay nila, kaya pala ang pasok ng mga Elite class around 8 o’clock na or 9. Iba na talaga ang mayaman.
“So, I heard na ikaw yung pinakamatalino sa classroom nyo, is it right?” tanong nya habang traffic pa. Tumingin ako sa kanya bago ngumiti. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at ayaw ko din naman na magsalita na English. Nakakasawa na dahil sa isang buong araw, mula umaga hanggang pagkatapos nung klase, english yung pinag-aralan namin.
“Don’t worry, pwede kang magsalita in Tagalog since tayong dalawa lang naman yung nandito,” sabi nya.
“Okay po… pwede po ba akoong magtanong?” tanong ko.
“Ano naman yun?” tanong nya.
“Bakit po kami lilipat ng bahay?” tanong ko.
“Lumabas na kasi yung results ng DNA test. Nakakuha kami ng sample na galing sayo nung napunta ka sa clinic ng LC. I believe yun yung time na you fainted. May mga hair strands dun sa unan na ginamit mo tapos yun. Lumabas na yung resulta kahapon,” sabi nya.
“And?”
“And, it turns out that your are my long lost daughter,” sabi nya.
“Are you sure? I mean, it’s not that ayaw ko noh… pero, hindi po ba kayo nagtataka kung totoo po ba yun or hindi since yung last time is sort of… erm…you know,” sabi ko. Ngumiti lang sya ng bahagya bago sya umiling.
“This one’s confirmed. Walang nakakaalam na nagpaDNA test na tayo. You got a record na nga din sa mga hospital eh. At alam mo ba, simula nung una kitang nakita sa may school, akala ko nakita ko ulit yung asawa ko… yung mama mo,” sabi nya. Hindi ko alam kung ako lang ba ‘to o talagang totoo na malungkot sya.
***
[[a/n: Oo na, hindi ako marunong gumawa ng matinong ending pero, next chapter…. Basahin nyo nalang po! ^_^ Dedicated sa pinakamagandang author sa wattpad xD Ate Anne! Love her stories so mucccccch! Comment/Vote/Add this story to your RL, very much appreciated]]
BINABASA MO ANG
Clash of Elites
Teen Fiction"Elites at Lower Class, sa ibang tao mahalagang malaman nila kung saan ka galing. Kung mayaman ka ba o hindi. Kadalasan na nangyayari sa panahon ngayon, karamihan ng mga may kaya, iba ang ugali pero hindi naman lahat. Pero alam nyo para sa akin, wal...