Clash of Elites - 10

37 2 2
                                    

C10

[[A/N: I know, I know… Wala pang readers ‘to pero remember yung MHIASA before? Tiwala lang! patatagin lang yung loob eh xD Anyways, sana naman pagbigyan nyo na ko. Tinatry ko talaga yung best ko na wag ‘tong lagyan ng mga chenes eklabu okay? Ngayon, hindi ko po pinakidnap yung pinaka-abnormal na character na ginawa ko sa buong buhay ko, wala lang… trip ko lang na mawala sya sandali dahil for sure, kung hindi ko ginawa yun—teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sa inyo? Basahin nyo na nga lang ‘to. Enjoy!]]

*KC’s PoV*

“Hoy, asan na kaya si AC? Gustong-gusto ko pa namang makita na sya,” sabi ni Jordan.

“Wala pa ngang nakakaalam okay? Pero palagay ko, kelangan na nating magmadali na mahanap sya,” sabi ni Joseph. Asan na ba kasi sya eh?

After 1 week…

*AC’s PoV*

Bakit sobra naman kayang liwanag dito? Nasaan na nga ba ako? Di ba kanina lang… MAY DUMUKOT SA AKIN!? Nasaan na ba ako? Ilang araw na kaya akong nawawala? Baka nag-aalala na sa akin sila Mamita at Mamu. Teka, asan ba talaga ako? Hindi ako pamilyar sa lugar pero ang laki nyang kwarto. Kasing laki nung tinulugan ko sa Mansion ng Fuentabella. Nakahiga ako sa kama na sobrang lambot… HOLY CHEESE! IBA NA YUNG DAMIT NA SUOT KO! Ano ba talgang nangyayari dito?!

“Good Morning Young Lady,” sabi nung maid. Young Lady? Nasa mansion pa rin ba ako ng Fuentabella? Pero bakit hindi pamilyar ‘tong lugar na ‘to? Nilapag nung maid yung tray na may lamang Pan de Sal, hotdog, itlog at kape na may gatas. Oo, gatas at hindi creamer. Ang galing ng bahay na ‘to ah! Amazayn! Tumingin ako sa paligid at napansin kong maraming poster ng One Direction dito. This is surely heaven! Ganto yung gusto kong kwarto. After kong kumain, biglang may pumasok… bakit sya nandito?

“Young lady, pinapatawag po kayo ni Don Franco…” bakit sya nandito? At tinawag nya rin akong Young Lady? Nananaginip ba ako? Kahit kelan, hindi sasabihin yun ni Edmar and I’m pretty sure of it.

Young lady? Seriously Edmar wala ka na ba sa sarili mo?” tanong ko pero hindi sya sumasagot.

“Nasaan ba ako? Pwede bang sabihin mo?” tanong ko pero wala pa rin syang imik.

“Fine! Susunod na ako sayo,” sabi ko. Tumango sya sa akin bago nag-antay. Sabi ko nga eh, susunod na ako sa kanya.

***

Habang naglalakad kami papunta sa kung saan man, napansin ko yung iba’t ibang portrait pero may isang nakakuha ng attention ko. Bakit may portrait ako dito? I’m sure na hindi ako ‘to dahil never pa ako nakarating dito. Sa susunod na picture/painting, picture nung kamukha ko kasama yung isang lalaki. Lumapit ako sa may gold plate na may letters na naka-carve dun.

‘Lizelle Margarette De Guzman-Fuentabella and Mauricio Sebastian Fuentabella’

Ibig sabihin, sya ang Mama ko? Kaya ba lahat silang nakakita sa akin ay inisip na ako talaga ang anak nya? Anak nila? Pero paano kung hindi din pala ako yun? Ayaw ko ng masaktan, ayaw ko na maranasan lahat ng nangyari nung isang araw. Isang araw nga ba o isang linggo? Ano ba?! Kelangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong ko.

“Young lady, sundan nyo lang po ako,” sabi ni Edmar. Ang galing din ng bahay na ‘to! Meron ding elevator! Siguro kasing laki o mas malaki pa ito sa SM Mall of Asia. Nung makarating na kami sa ground floor, maraming tao ang sumalubong sa amin. Mga nakasuot ng itim at parang mga trabahador dito sa bahay na ‘to… er… mansion. Paglabas namin sa elevator, lumakad si Edmar papunta sa pila tapos sabay-sabay silang nag-bow sa akin. Ano ba talagang nangyayari dito? Bago pa ako makapag-react, biglang may dumating na matandang lalaki na nakaupo sa automatic na wheelchair.

“Aira Chloe… My granddaughter!” sabi nya. Granddaughter? Another grandfather? Pero pano kung hindi naman talaga ako yung hinahanap nya?

*KC’s PoV*

Isang linggo na syang nawawala pero hindi naman namin pwedeng isapubliko itong pangyayaring ito eh. Ano ba naman yan? Dumudugo na yung ilong ko dahil sa tagalog na yun. Pahingi nga ko ng tissue, malakas masyado yung tagas ng dugo sa ilong ko. Lahat na ng kakilala namin tinawagan ko na, lahat ng kakilala ng parents namin na nagtatrabaho sa NBI, PNP, FBI, DILG, MIB at kung ano-ano pa.

“Babe, ako naman talaga yung girlfriend mo di ba?” tanong ni Joanna. I glared at her bago mag-dial ulit sa cellphone ko. She grabbed my phone and throw it towards my bed.

“What the?! Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?!” galit na tanong ko sa kanya.

“Ano pa ba sa tingin mo?! Don’t you know na hindi talaga sya yung apo! Ako! At ako din ang girlfriend mo, okay?!” pasigaw na tanong nya. I will never believe her, wanna know why? Simple, kahit isang part sa mukha nya wala man lang syang nakuha sa kahit kaninong ‘birth parents’ nya instead more of Marita’s.

“No Joanna, it’s not okay and will never be. You are not the real heiress and you are not my girlfriend anymore. Remember that every dates as the public call it is fake! All fake and scripted! If you think I will love you that way then let me tell you this, you should wake up from your daydream because we will never get back together,” sabi ko sa kanya.

“You will never find her. I will search for her and once I find her, expect her cold and lifeless body in front of this mansion,” she threatened. Hindi naman nya gagawin yun di ba? Pero kung talagang desperada na sya, kaya nyang makapatay ng tao. Nasaan na ba sya?

*Joanna’s PoV*

Nakakainis na talaga lahat ng tao dito sa mansion na ‘to! Lahat ng sulok ang pinag-uusapan eh yung pagkawala nung attention-seeker na yun. Obvious naman na gusto nya lang na mapansin sya at eto na nga, pansin na pansin na sya kaso nasobrahan nga lang. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko nung maramdaman kong nagvibrate yun. Tumawag na si Gerald, yung kumidnap kay AC, sana naman maganda yung balita nya sa akin.

“Ma’am,” pambungad nya.

“How did the plan go? Is she there already?” tanong ko.

“T-Tungkol pala dun ma’am… h-hindi po namin siya nakuha… N-nalate po kasi kami ng dating kasi po nasi—”

“JUST SHUT UP NOW OKAY?! WALA NAMANG MAGAGAWA YANG KAKANGAWA NYO! NEXT TIME YOU CALL ME, MAKE SURE YOU HAVE HER OR ELSE…” sabi ko bago ko sya binabaan ng phone. Kung wala sya kay Gerald… nasaan kaya sya?

*Nicole’s PoV*

Asan na kaya si AC? May aaminin ako sa inyo… plano kong kidnapin si AC para lang ma-test ko kung paano magrereact si kuya ang kaso hindi nagwork yung plano eh. Nung tipong papalapit na kami nila Alfred, may mamang nakabonet na tinakpan yung ilong ni AC gamit yung panyo na may parang pampatulog.

“Nicky! Akala ko ba isang araw lang, bakit inabot na ng isang linggo?” tanong ni Shayne.

“Sa totoo lang, wala sya sa akin eh… May nauna na sa atin…” sabi ko. Her jaw dropped when I stated that. Nasaan na kaya sya?

[[A/N: Sya na! Si AC na talaga ang suki na hostage! Pero anong say nyo? Bakit kaya sya pinadukot nung sarili nyang Lolo? Maganda nga ba ang dala nya para kay AC o isa rin sya sa mga magpapahamak sa kanya? Abangan sa susunod na kabanata ;) xx –MsLovieDovey]]

p.s. I will delete the other one on my other account.. baka pagbintangan ng plaigarism :3

Clash of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon