Chapter 1

112 3 0
                                    

 Chapter 1

“Okay. I want us to make this event good and easy to handle. At para maging maayos ito, we should be responsible with our tasks. We will divide the tasks, assign the head, and plan for it.”

“Kailangan bang crucial ang planning natin?”

“Of course. It should be. Mahirap nang magkakalabuan tayo when that day comes. Okay, so we’ll divide the tasks. Michelle, do the honors.”

“Okay, guys. So ang mga tasking natin ay ganito. We have for the Academics, Sports, Socio-Cultural, Pinoy Games, Ways and Means, and Food. Si Sam ang head sa Academics, si Troy para sa Sports, Joan sa Socio-Cultural, si Danny sa Pinoy Games, tapos kami na sa Ways and Means at Food. Okay, so mga head, magpili na kayo ng makakasama nyo sa na-assign sa inyo.”

“After that, bibigyan namin kayo ng 2 hour sa planning ninyo dahil ipa-plano pa natin sya as a whole. So mga head, go on.”

Hay. Ginawa akong head. Sa Pinoy Games pa talaga. Gusto ko pa naman sa Socio-Cultural or Academics. Hmph. Sige lang. Better luck next time. Dito na ako sa games. Siguro mas masaya dito. Aja. Kaya itech.

Hi. Ako pala si Danny. Danny Bautista. I’m a first year student at Accountancy ang course ko. I’m one of the officers of the University LFC or League of Freshmen Council ng school namin. President din ako ng LFC ng college namin. Grabe ko ka-over sa pagiging student leader. Sige lang, kakayanin ko din ito.

“Hoy gwapo, halika na. Mag-planning na tayo.”

Ewan ko sa co-officer ko ha. Sabihan ba naman akong gwapo. Well, yun naman palaging sinasabi ng mga tao sa akin. Gwapo. But sorry for them. Bakla kasi ako. “Sayang.”, yun ang parating sinasabi nila. Well, that’s life. Yeah. I admit. Gwapo nga ako. :) Bakla naman. :D Pero kakaiba akong bakla ha. Di ako marunong magsalita ng Gay Linggo. Ngunit palagi naman akong todong bakla sa mga performance namin like impersonation or sayaw. Weird, but that’s what I am.

This is me now. Busy sa planning. Mag-brainstorming. Lahat-lahat na basta magawa lang itong task.

“So, ang naisip ko ay Tug of War kasi yun naman yung parang main event ng Pinoy Games natin.”, sabi ko.

“Great. Gawaan pa natin ng rules yan. Malay natin, may magdaya.”

“Alangan. Mamaya na. Ako na bahala sa rules nun. May naisip pa kayo na games?”

“Sis, naalala ko yung Wet-a-Minute natin nung high school. I-try natin.” That’s Mary, ang aking “sis”. Sis ang tawagan namin nung nakasali kami sa Search for A1 student nung high school.

“Tama sis. Pwede yun. Gawaan lang natin ng rules maya. Kayo, may ma-suggest pa kayo kasi ako, madami. :P”

Nung natapos na kami sa kakaisip ng laro, saka namin ginawaan ng rules. Woah! Mahirap din palang gumawa ng rules ha especially yung “Chika ko” na sinuggest ko. Akala namin madali lang.

Nilapitan ako ni Mary. Bigla siyang napatanong ng question na di ko inexpect.

“Sis, paano kung may nakita kang gwapo tapos na-crush-an mo, titili ka ba ng todo?

“Naku sis. Kung meron man, oo talaga. As in to the highest level. Hahaha.”

“Uy sis. Wag. Gwapo ka din baya tapos makita ka ng mga tao na nagtitili sa lalaking yun. I’m worried sis.”

“Hay naku sis. Don’t worry. I’m sure mako-control ko sarili ko. Promise.”

“Sure sis ha.”

“Sure.”

Bumalik na sya sa pwesto nya. Woah. Na-gulat ako sa tanong nya ha. Parang pang-Miss Universe. Hay naku. Paano kaya kung meron? Ano kaya magiging reaction ko? Tili to the max or don’t mind him na lang as if di ko sya nakita? Dami ko na ring crush. Madadagdagan pa. Ma-overload ako nito sa daming crush.

Ayun. Tapos na kami sa pagsulat ng rules. Tapos na din yung time na binigay sa amin. Nag-plan as one na kami agad. Di din masyadong excited itong president na ito ha.

“These will be the venues in the morning and afternoon. Ang venue ng Academics ay sa auditorium. Ang Sports, sa gym pero sa tennis court ang lawn tennis at outside court naman yung volleyball for men. Tama ba ako Troy?”

“Yes Kuya Dam.”

“Okay. Ang Pinoy Games, sa field. Danny, sa field yun ha.”

“Grabe din si Kuya Dam. As if maarte ako sa putik. Di kaya.”

“Hahaha. Biro lang man. :) Tapos, around 3 pm, magpe-prepare na ang Socio-Cultural sa stage. Since matatapos rin ang Acad at Pinoy Games by morning, pwede na kayong magtulong sa pag-decorate ng stage. Okay ba yun Sam, Danny and company?”

“Yes, Kuya Dam.” Sabay-sabay kaming nag-agree.

“May sasabihin si Dear President Joan sa inyo about sa Pageant natin. Joan, take it from here.”

“Salamat, Mr. Pres. Okay. So naisip namin kanina kung sino ang mga magpe-prepare ng speech nila on the night of our event. Ang emcees natin ay sina Kuya Paul at Ate Mitch. Okay na raw sa kanila yun. Tapos, ikaw Danny, ikaw ang mag-opening remarks. Ako naman ang sa closing remarks.”

Biglang nagbagting ang tenga ko. “Ako ang mag-opening remarks?”

“Oo. Ikaw. Kasi VP ka so kailangan mong mag-speech.”

Hay naku! Wala pa ang event, kinakabahan na ako. Oo nga. Naka-public speaking na ako nung high school pero kinakabahan pa rin ako. Hmph. I must take the risk. Ay na! Makainis. “Ahay. Sige sige. Mag-welcome address na ako.”

“Good. Good. Ok na yan ha. Final na yan.”

“Final na talaga.”

And so, the planning continues.

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon