Chapter 10

67 0 1
                                    

Chapter 10

Oh my goodness! Di ko akalaing makikita ko ang pagmumukha niya. Ang pogi niyang pagmumukha. Wahahaha! I’m so amazed. AMPOGI niya! Especially kung nakasmile siya. Lumalabas ang kanyang cute dimples. Hahaha. Ang GWAPO niya! Pero naka-eyeglass siya. Sige lang. Gwapo bitaw.

So, afternoon na. For the short time, inayos na namin ang stage para sa pageant mamayang gabi. Nag-decorate, nag-pinta, nag-dikit ng glue, nag-everything chuva.

“Kapagod ‘no.” Nilapitan ako ni Joan habang nilagay ang pintura sa table.

“Super! Pero sige lang. It’s worth it naman.”

“Yun nga eh…”

“Sis, may damit ka na para mamaya?”, tinanong ako ni Mary.

“Opo sis. Bakit?”

“Wala pa ba. Wala kasi akong violet damit.”

“Paano yan?”

“Bibili lang ako ng plain tshirt mamaya.”

“Ngayon ka na bumili. Mag-close ang mga tindahan mamaya.”

“Ay. Oo. Sige-sige. Mag-excuse lang ako sa kanila muna. Magpapasama lang ako kay Hoekiey.”

“Okay.”

“As you were saying Joan?”

“Kakanta ako mamaya?”

“Oh really? Wow. Singer ka pala ah.”

“Di naman masyado.”

“Ano din awitin mo mamaya?”

“Basta. Pakinggan mo na lang.”

“Okay.”

Napatingin ako kay Ate Mitch. May tinatype siya sa laptop. Then suddenly…

“OMG. Wala pa pala akong speech para mamaya.”

“Hala. Paano yan?”

“Di ko alam. Di ko nga alam anong sabihin ko.”

Nilapitan ko si Ate Mitch.

“Ate Mitch, help daw beh.”

“O! Ano man Danny? What’s the problem?”

“Wala pa ba akong welcome address mamaya. Tinamad akong gumawa.”

“Ay naku. Madali lang yan lagyan ng mga etchos.”

“Anong mga etchos din?”

“Example. Tonight, we have come to the avenue of celebrating this one-time, one-day event in our lives. Yung mga ganun.”

“Hala. Makabaliw. Hmph… Penge ng papel pati ballpen. Try kong sumulat.”

“Oh sure.”

Kinuhanan niya ako ng paper and pen sa bag niya at inabot sa akin.

“O, eto.”

“Salamat Ate Mitch.”

“You’re welcome.”

Pumunta ako sa table na nakapwesto sa harap ng stage. Then, sumulat na ako ng welcome address na di ko kabisado at first time kong gawin.

“Avenue, avenue. Ano yun? Di ko alam anong isulat ko.”

So, tinamad na ako.

4:00 pm. I’ve worn my violet Ego Jeans polo. Pero ambaho ko. Paano ba naman kasi grabe ang init kanina sa field. I-assign ba naman sa Pinoy Games. Hmph. Sige lang. may perfume naman eh. Kaya di din mahalata ang amoy-pawis.

Nasa lectern ako na nasa stage. May iba akong co-officers ay nasa stage, nag-aayos ng damit, perfume, pulbo, kung pwede pa nga make-up. Tapos may mga nagtutugtugan din ng instruments na naka-set up sa side ng stage.

“Ay na. Kakanta na ako.”, sige lang sinasabi ni Joan.

“Hee. Hahaha. Ano bang kakantahin mo?”

“Basta.”

Medyo marami-rami na rin ang mga tao sa gym. Malapit na mag-start ang program. Kaya kinakabahan na ako. Kinakabahan kasi di ako gumawa ng speech. Hala! I’ll just rely on impromptu. Shocks! Pwede mahimatay?

Natapos ang session nung mga nagtutugtog. Then, may sumunod na magtutugtog.

“Si Lex yun ha.”

“Oo.”, sabi ni Joan.

“Ay, kilala mo siya?”

“Oo eh. Nag-practice kay kami.”

“Ah. Okay.”

Then, may umakyat ng stage. MAY UMAKYAT NG STAGE! Siya! Siya! SIYA! Yung crush ko. Yung crush kong cute ang dimples at gwapo ang pagmumukha. Tutugtog siya?! Marunong pala siyang tumugtog? At gitara pa ang instrument niya?! OMG! Siya na! Siya na ang pinakagwapo at pinakatalented na crush ko!

Ay na! Sinuot na niya ang sling ng gitara. Di ko akalaing tumutugtog siya ng gitara.

“Oh, Joan. Bakit di ka pa lumapit sa kanila?”

“Sila muna ang unang aawit.”

“Wait so you mean…?”

Hinawakan niya ang mic. Inayos-ayos ang stand. MARUNONG PA SIYANG KUMANTA?!!!! Ay na! Crush ko na talaga siya officially. Akalain mo yun. Unexpected talaga siya. In just one day, napa-impress na niya ako ng bonggang-bongga. Ay na!

“Joan. Joan. Sino yan siya? Yang may hawak ng gitara?”

“Ah. Siya? Norman Rodriguez.”

“Norman Rodriguez?”

“Oo.”

NORMAN RODRIGUEZ! I LOVE YOU! Hahahahaha. Grabe ko ka-wild sa isip. Norman. Ang cute ng pangalan niya. Norman. Norman. Ka-addict uy. Pwede ma-inlove?

“Wow. Norman.”

Nagpatugtog na sila… Look at his way of playing the guitar. Ay na! Kung makita niyo lang gud siya sa personal, kung paano siya mag-play ng gitara. Hay naku, himatay! Grabe niya ka-choy. Grabe niya ka-gwapo.

“Noong bata ka pa…”

AY NAKU!  Ang boses niya. Grabe makatunaw. Maka-inlove din ang boses niya. At ang pagkanta. Maka-inlove. Maka-amaze talaga yang naka-red shirt na hottie. Hahaha. Actually, ‘Ituloy mo lang’ by Siakol ang kinakanta niya.

Enjoy enjoy din akong makinig ng kanta niya. Grabe talaga.

Kinuha ni Joan ang microphone na nasa lectern. Pasimple lang siyang nakikisabay sa pagkanta ni Norman.

“At kahit na ano pa ang gusto mo. Basta wala ka lang tinatapakan na tao…”

“Uy. Joan. Ikaw, pasimple ka lang masyado.”

“Join ka sa akin.”

“O sige.”

Ako din pala itong pasimpleng makikisabay. Nakikikanta na lang ako sa mic ni Joan kahit di ko alam ang lyrics.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon