Chapter 9

26 0 0
                                    

Chapter 9

“In three minutes, we will start the first game - sack race. Kailangan ng five male players and five female players in each college. After three minutes, kapag wala pa dito ang mga players o kulang kayo ng players, your college will be disqualified for this game.”

Nag-announce na si Sis sa students na nasa field. Kami naman lima ang nag-prepare ng sako sa mga linya ng college. Pagkatapos namin maglagay, nilapitan ko si Mary.

“Sis, announce ka ulit. Wala pang nagpe-prepare na college.”

“Sige sis.”

After three minutes of waiting, inumpisahan na namin ang laro. In-inform ni Mary ang rules for the game. Wow. I’m so excited. Nababahala lang ako sa mga maglalaro. Maputik kasi ang field. Yet, it’s a great challenge for them. Wahaha. I want to see them doing gulung-gulong in the mud. Bwahaha!

“Ready. Set. Go!”

Ayon na sila na parang kunehong nakabalot sa sako. Hahaha. Run my pretty pets. Hahaha. Ang sama ko naman.

Madaming nagche-cheer sa kani-kanilang college.

“GO CED! GO CED! GO GO GO GO!

“CBA! CBA! CBA!”

“WOAH! GO CHS!”

Naku! I can barely hear what I’m shouting. Masaya bitaw kaming lahat, kahit maputik.

Natapos na rin ang sack race. Nanalo ang CHS. Hmph. Third lang ang aking beautiful college. Anyway, nag-proceed kami agad sa Tug-‘O-War. Dito ako mas excited kasi maputik. Hahaha.

“Susunod ang Tug-‘O-War. Ganun pa rin. Five male and five female players. You are given five minutes to prepare and assemble here in the field.”

Naluya na ata ang mga tao. Napagod agad sa first game? C’mon.

Tinanggal na namin ang mga sako at nilagay ang pagkabigat-bigat na lubid. Di ko carry.

Nagkumpulan na ang players ng Engineering pati Arts and Sciences. Ang iba, wala pa.

Natapos ang five minutes. Ang CBA, kulang pa. Ang CCS naman, walang players.

“Okay. CBA, saan ang ibang players nyo?”

“Wala pa dito.”

“Saan na raw sila?”

“Di namin alam.”

Magpapakastrikto kami, kahit masakit sa kalooban ko. Nge!

“Since five minutes defaulting time is up, it means CBA and CCS are disqualified for this game.”

Na-sad sila kasi wala pa ang ibang players. Na-sad din ako. Aduy.

“Anyway, we will start the Tug-‘O-War. First competitors, College of Arts and Sciences versus College of Health Sciences.”

“Sis. Sorry talaga ha.”

“Okay lang Sis. Bawi lang kami sa next game. Hahaha.”

“Sige. Pero sorry talaga ha.”

“Okay lang uy. No big deal sa akin. Kasalanan bitaw nila.”

Nagtayuan na ang players sa tabi ng lubid. Kinuha na nila ang lubid. Pinuwesto muna ng kasama namin ang handkerchief na nakatali sa lubid sa gitna ng dalawang college.

“On the count of three, tug the rope. Okay. One! Two! Three! HILA!”

Hala. Naghilaan na ang CAS pati CHS. Nadudulasan ang ibang players dahil sa putik. Andaming tagasuporta sa CHS. Madami namang nagsisigawan para sa CAS. “HALA! BIRA! BIRA PA!” Ako rin itong nagsisigaw.

Hala! Natumba ang CHS. Wow! Palaban ang CAS ha.

“Next round. CAS and CHS, palitan kayo ng pwesto.”

You could see na grabeng strategy ang ginagawa nila. Striving for the gold.

“Sa bilang ng tatlo. Isa! Dalawa! Tatlo! HILA!”

“CHS! CHS! CHS!”

“GO CAS! WOOOH!”

“GO CBA!”

Ay. Atrabida talaga ako. Pati CBA, dinamay ko.

“And the winner for this round is the College of Arts and Sciences… Next competitors, College of Engineering versus College of Education. Players, pwesto na.”

“Hahaha. Grabe ka-wild Sis. Promise.”

“Hahaha. Yun na ngani Sis. Makatawa masyado.”

Pumuwesto na ang players ng CEN pati CED at hinawakan ang lubid. Ang kasama ko, pinuwesto ulit ang handkerchief.

“Sige. On the count of three. One! Two! Three! HILA!”

It’s a tough competition. Nakatingin kami ni Mary sa handkerchief kasi parang hindi pa rin gumagalaw. Andami pa ring nagbubulyawan ng mga suporta nila.

Napatingin ako sa Engineering students. Suddenly, what I never expected. Isa sa mga players ng Engineering. Actually, dalawa sila. Dalawa silang gwapo with their greatest pull sa lubid. Pero yung isang yun. Yung medyo chinito na lalaki. Na nakasmile habang humihila. Na familiar ang body structure at kulay ng balat. Na naka-red t-shirt at Maong pants. Na nakapaa. Na engineering student.

“OH MY GOD. Yung lalaki.”

Biglang natumba ang CCS. Pati siya at ang kasama niya, natumba.

“And the winner for this round is the College of Engineering. Okay. Palitan naman kayo ng pwesto.”

Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari. Sa mga pinangsisigaw ng mga tao o sa sinabi man lang ni Mary. All I know is that nakatitig ako sa lalaking yun. Nakatingin sa kanya habang pumupunta siya ng kabilang pwesto. Startled sa nakikita ko. It is really him!

“Isa! Dalawa! Tatlo! HILA!”

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Shouting with the crowd pero hindi ko alam kung ano ang sinisigaw ko. Siya nga yun!

“And the winner is the College of Engineering. Final match. College of Arts and Sciences versus College of Engineering.”

“On the count of three. One! Two! Three! HILA!”

“GO ENGINEERING!”

“CAS! CAS! CAS!”

“And the winner for this round is CAS. Next round…… One! Two! Three! HILA!”

“And the winner is CAS.”

I’m still startled. Stunned. Tinitigan ko siya habang papunta siya ng gym.

“Damn! He is that guy. And gwapo siya.”

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon