Chapter 8
July 24. The actual day. It’s Freshman’s Day. Freshies Day, as some would say. It’s the time of the Freshmen para ipakita nila ang skills and talents nila. But for me and to my co-officers, it’s our time to be responsible, to be active, and to be leaders. Tagapamuno ng araw na ito. Kami ang mga hari at reyna ng activity. Hahaha. Echos lang. It’s my burden time. Sige lang. It will be worth it naman eh.
“Okay na ba ang lahat?”
“Not yet.”
“Bakit parang konti lang ang mga tao dito? Ganito lang kadami ang first year students?”
“We should wait first. But for now, mag-announce ka muna dyan Angie.”
Pressure na agad. Ahay. As long as nakaka-get over ako sa lalaking yun, I might get the pressure out. Well, pagod na din akong umasa na makikita, makikilala, makakausap, makakatext, at makakaibigan ang lalaking yun. For now, I should think of this activity first. Responsibilities first before crush.
“Form your lines guys. College of Engineering sa right, then College of Health Sciences, then College of Arts and Sciences, sunod ang College of Business and Accountancy, College of Computer Studies, and sa left banda ang College of Education.”
“Ay naku. Ang gulo ng mga tao dito.”
“Nasaan na yung megaphone?”
“Nasa office pa.”
“Troy, pakikuha nga nung megaphone.”
“Ako na lang Kuya Dam. Kailangan namin sa Pinoy Games.”
“Sige. Hanapin mo lang. Baka nasa table.”
Naglakad na ako papuntang SSG Office para kunin yung megaphone.
“Andami pa palang mga tao dito ha.”
Nasa students’ lounge pa pala ang mga ibang estudyante. Meron din Nursing students ang nasa college building nila. May iba pang nasa canteen. Hay naku. Di makaintindi ng 7:30.
Nasa office na rin ako. Kinuha ko na ang megaphone na nakapatong sa lamesa at dali-daling bumalik ng gym.
“Paano kaya ito gamitin?”
Ignorante lang? Hahaha. Pinaandar ko rin ang megaphone. And out of nowhere, naisipan kong gamitin ito para mag-inform sa mga estudyante na pumunta na ng gym.
“STUDENTS, PROCEED IMMEDIATELY TO THE GYMNASIUM. THE PROGRAM IS ABOUT TO START. GO NA. PUNTA NA DOON.”
Pumunta rin ako ng Nursing Building at canteen para magputak na pumunta na ng gym.
“BILIS! WE’RE GOING TO START THE PROGRAM NA.”
Wah! I’m the king of the world. :D
Then, may lalaki. Bumaba siya ng hagdanan ng CHS Building. Hindi siya yung lalaking hinahanap-hanap ko. Iba naman siya. Well, gwapo siya. Ay! Crush ko na siya. Hahaha. Stop it Danny. May program pa.
Dumiretso na ako ng gym.
BINABASA MO ANG
Ten Steps Away From Me (On-Going)
SaggisticaSynopsis: This story is based on 70% true story and 30% imagination. Here it goes. Si Danny ay isang bakla. Isa syang gwapo, matalino, talented, at student leader na bakla. Accountancy student sya. May crush siya sa isang lalakeng nagngangalang Nor...
