Chapter 4

70 1 0
                                    

Chapter 4

It was 3 hours ago since nakita ko ang taong yun. But still, siya pa rin ang nakatatak sa utak ko hanggang ngayon. Desperado ba talaga akong makita ang pagmumukha niya? Oh my Gad. I’m darn desperate. Mukha akong tanga na nag-i-imagine ng mukha niya. Sino kaya ang kamukha niyang artista? Hope si Robi Domingo. Ano ba yan? Pati si Papa Robi nadamay.

Bigla kong naalala ang Freshies Day. “Uy, mauna ako sa inyo. Ibibigay ko pa ang pinaghirapan ko kagabi.”

“O, sige.”

So, pumunta na ako ng SSG (Supreme Student Government) Office. Nagha-hallucinate ata ako. Nagra-radar kasi ako. Baka makita ko ulit yung lalaking yun, kahit mahirap ng alamin kasi di masyado nakita ang mukha.

“Asan na kaya yung taong yun? Ergh Danny. Para kang buang. Stop. Stop… Oh my Gad. Si Jake.” O.o

Iba ang nakita ko. Si Jake, ang crush ko since high school. Dancer siya kaya ko siya na-admire. Atsaka may hawig siya ni Robert Pattinson. Yung yung hinala ko dati sa kanya. What the heck. I need cover.

Kinuha ko agad ang cellphone ko para sabihin busy, at para sabihin na di ko siya nakita. And so, he passed by.

“Hay. Buti naman. That was so close.”

Akala niyo di ko siya gusto. Ganun lang talaga ako. Pag nandyan ang crush, di ko pinapansin. Mahiya kasi ako.

So, pag pass-by nya, tinitigan ko muna siya, then… BLAGZ! Nahampas ako sa pader. Nice one. Hahaha. Ay na. Yun ang mas makahiya. Tinawanan ko na lang sarili ko.

Dineretso ko na talaga papuntang SSG Office. Nakarating na din ako sa wakas.

“Hi Mr. President.” Andun pala si Kuya Dam.

“Oh Danny. Napa-dito ka?”

“Ibigay ko lang yung rules na na-type ko.”

“Ah. Good.”

Inabot ko sa kanya ang flash drive.

“Salamat.”

“Tingnan mo lang Kuya Dam kung may mga changes pa or anything.”

“Sige. Mamaya ko na ibigay. Ilipat ko pa kasi sa flash drive ko.”

“Sige, Kuya Dam. Bye.”

Paglabas ko, nakasalubong ko si Ate Mitch. Kinausap niya ako.

“Uy Danny.”

“Hi Ate Mitch.”

“Nabigay mo na yung rules?”

“Opo. Nasa kay Kuya Dam na.”

“Okay. That’s good… Ay na. Sayang ka talaga Danny. Ang gwapo mo pa naman tapos gaganyan-ganyan ka. Magpakalalaki ka na kasi.”

“Next time. Hahaha. Ine-enjoy ko pa ang freedom ko.”

“Ay. Ikaw talaga.”

“Sige. Mauna ako Ate Mitch. Bye ulit Kuya Dam.”

“Bye Danny.”, sabi ni Kuya Dam.

“Okay. Babye.”, sabi ni Ate Mitch.

Ewan ko kay Ate Mitch ha. Ico-convert lang nya ako ng ganun lang. Hahaha. Ay na. Kawawa naman ako. Sige lang. Like what I said, ie-enjoy ko muna ang pagiging gay. Ako na ang bahala kung kailan ako magpakalalaki. As of now, madami pa akong crush. At may isa pang mysterious ang pagmumukha.

“Hay naku. Buhay nga naman.”

Pumunta ako ng student’s lounge para hintayin ang next class. Nang nakaupo, may naisip ako agad.

“Ay na. Na-miss ko na si Roman.”

Si Roman. Si Roman na crush ko nung high school. Si Roman na na-experience kong maging baliw sa isang lalaki. Si Roman na naging inspirasyon ko sa paggawa ng kanta. In fairness, naging sikat ang kanta ko sa classroom namin. Paano ba naman kasi maganda ang melody nya.

~ I can’t get over, baby I can’t get over

I don’t wanna break you up when I want to stop

‘coz I just can’t get over

I can’t get over, no I can’t get over

You are a cupid who makes me stupid

I just can’t get over ~

Bigla akong napakanta. Na-miss ko tuloy yung kagagahan ko dati. Tapos may naalala akong title.

“Ten steps away from me. Hala. Di ko pala yun nagawaan ng lyrics. Magawaan nga.”

Kumuha ako ng notebook at ballpen. Sinulat ko muna ang title. Pero makalipas ang isang minute, walang pumapasok sa akin na melody, tono, or words man lang para ma-start.

“Ay. Wala pala akong inspiration ngayon.”

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon