Chapter 7

35 0 0
                                    

Chapter 7

It’s a Monday afternoon. 4 PM. Activity Period. So is my time for the Freshies Day.

“Ang amplifier?”, tanong ni Angie.

“Di ko alam.”

“Hindi pa pala nakahiram ng speakers?”

“Wala pa. Di ko nga din alam kung kanino hihiram.”

Magpapa-practice kami ng production number ng candidates ng pageant. Well, ako at si Angie lang naman ang talented sa sayaw na willing mag-take charge ng production number. Ahmph. Ang gagwapo. You can just fantasize the male candidates. Ang gwapo nila eh. Well, just 5 of them. I’ll subtract the other one. Mukha kasi siyang batang-pulubi. Hahaha.

“Samahan mo ako kay Sir Marco.”

“Okay.”

Pupuntahan namin si Sir Marco sa CED Office para makahiram kami ng speakers. Nang makarating kami, andun si Sir Marco sa table niya. Gwapo siyang teacher. Fresh graduate. Pero di ko na pagnanasaan kasi awkward tingnan. Bahala na ang ibang mga babae na crush siya. Hehehe.

“Salamat Sir.”

Binuhat ko (Yes. Binuhat ko.) ang mabigat na amplifier sa office nila at dumiretso ng lounge. Yes. Sa Students’ lounge kami magpa-practice kasi wala kaming lugar na pwedeng puntahan.

“Set up mo na yan. I-orient ko muna itong candidates.”

“Okaaayy.”

Pumunta na si Angie sa mga kalahok. Lumapit si Kuya Dam habang inaayos ko ang speaker.

“Okay ka lang dyan, Danny?”

“Okay lang po Kuya Dam.”

“Tulungan na kita dyan.”

“Okay po.”

Kinuha niya ang cable wire para ikabit sa saksakan.

“You know, wag mo na akong sabihan ng ‘po’.”

“Wala lang po…”

“Oh ayan ka na naman.”

“Sorry. :) Sanay kasi akong maging magalang sa nakakatanda sa akin.” Echos.

Natapos na namin ang pag-set up. Nilapitan ko na ang si Angie.

“So, guys, this is Danny. Vice-president. Siya ang magtuturo ng sayaw niyo boys.”

“Ganun talaga?”, banat ko kay Angie.

“Ganun talaga.”, sagot din niya.

“So girls, ang music natin ay ‘Run the World’. Sa boys…”, lumingon si Angie sa akin.

“Ah! Sa boys. ‘OMG’ ang music natin.”

“Okay. Let’s start. Girls, go with me. Boys, sundan ninyo na lang si Danny.”

Sumunod na sila.

“Kuya, saan tayo?”, tanong ni Marvin. As president of CBA-LFC, siya ang pinili ko na male candidate ng college namin.

“Ano ka man Marvin? Wag mo daw ako i-kuya.”

“Oh sige. Ate, saan tayo?”, asar niya.

“Yan ang tama.” Nagtawanan din kaming lahat.

Nakahanap na ako ng pwesto namin. Tinanong ko sila kung makakaya nila ang ituturo ko.

“Siguro.”, sagot ni Cian, male candidate ng Arts and Sciences.

Nag-agree na lang ang lima sa sinabi niya.

“Okay. Let’s start. I’ll give you your positions muna. Formation, rather.

Pinuwesto ko na sila sa formation.

“Dito ka po.” Hinawakan ko ang braso nung candidate ng CCS para ipuwesto siya. (Para-paraan. Hahaha.)

“Tapos dito ka Kuya.” Hinawakan ko din ang braso ni Cian. Laki ng braso ha.

Nang natapos ko ang pagpuwesto sa kanila, pumunta na ako sa pwesto ko. So, nag-isip muna ako ng steps.

“So, look infront. Hands on side. First step. Left hand, i-raise pataas. Next, ilagay sa eyebrows. Yung parang naka-salute. Next, habang lilingon kayo sa right, yung left hand, slowly siyang pababa sa right direction.” Ginawa ko din ng maayos ang step.

Tiningnan ko sila na ginagawa ang step. Makatawa kasi di nila magawa ng maayos. Oh my god! Andali-dali kang naman nun.

“Ganito?”, tanong ni Marvin.

“Nope. I-curve mo pababa.”

“Ganito?”, tanong nung taga-CCS.

“Mali. Pointing yung kamay mo habang pababa.”

“Ganito?”

Hay naku! This is going to be a tiring day. How I wish may i-present sila sa pageant. Aja Danny! Kaya yan.

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon