Chapter 2

87 1 0
                                    

Chapter 2

          Another typical school day is on. 2 weeks na lang bago ang Freshman’s Day. I’m so excited yet kinda bothered. Baka kasi sosobrahan ako sa cramming at ikadudulot ito ng stress sa akin. Iba na talaga ‘pag binibigyan ka ng task for University LFC at isa naman sa College LFC. Hirap, pero kailangang panindigan ang pagiging officer.

          “Mr. Bautista, gumising ka dyan. Magkakaroon tayo ng quiz.” Nasa harap ko na pala si Sir.

          Ayon. History. Bigla akong naka-knockout. Paano naman hindi antukin kung inatupag ang Pinoy Games kagabi? Pina-type kasi sa akin ang rules namin. Akala ko naman sila na ang bahala sa encoding. Nang dahil dyan, reward agad kay Sir Luma (Luma, as in old, as in History).

          “Sorry sir. May kino-concentrate kasi ako. Di ko talaga maalala yung gumawa ng Katipunan flag.” Na! Nag-banat ako agad ng tikal.

          “Okay. I understand.” Buti naman na-uto ko siya. :P

          “Bakit naman di niyo ako ginising?” Tinanong ko si Denisse at Kim, na katabi ko lang.

          “Bigla man nagpunta si Sir sayo, tol. Kaya di ka na namin nagising.”, sabi ni Denisse.

          “Next time kasi tol, wag magpuyat.”, advice sa akin ni Kim.

          “Di ko talaga nakayanan tol kay antok talaga ako masyado.”

          “Hmph. O sige. Na! Paano na yan? Di ka man nakinig kay Sir.”

          “Hala. Ito tol oh. Sayo na lang itong ½ crosswise ko na isa.”

          “Tulungan ka na lang namin magsagot. Wag lang tayo magpahalata.”

          “Salamat talaga mga tol.”

Ay na. Makaiyak ako sa care nila ha. Sila na talaga ang the best friends in the world. Oo nga pala. Si Kim at Denisse pala, ang dalawa sa mga bestfriends ko.

Si Kim Villaflor or Kim ay bestfriend ko since elementary. Siya ang chinita kong kaibigan na valedictorian nung high school kami. Matalino talaga siya. Di talaga malamangan ang katalinuhan niya. Mahilig siya sa Math, tulad ko. Sya ang palaging quizzer ng high school namin before.

Si Dennise Atienza o Denisse ay bestfriend ko din since 2nd year high school. Matalino at mahilig din siya sa Math. Isa siyang athletic na babae, at dancer na palaging sumasali ng dance competitions. Actually, Di man namin talaga siya magiging classmate kasi aaral dapat sana siya sa Gensan. Pero sa kabutihang palad, classmates pa rin kami ngayon.

Tol ang tawagan namin kasi sa circle of best friends namin na tinatawag na “7ups”, tol ang tawagan namin sa isa’t-isa.

          “Okay. Pass your papers in front. One… Two… Three…”

          “Hay. Salamat talaga mga tol.”

          “You’re welcome tol.”

          Rrrriiiingggg! Ring Ring! Tumunog na rin ang bell.

          “Tomorrow, we’re going to discuss the different revolutionary groups during Spanish era. You may go now.” Pahabol ni Sir.

          “Hay salamat naman. Ayon. Nawala ang antok ko.”

          “O. Ano man ang rason bakit late ka na natulog?”, sabi ni Kim.

          “Kasi tol, pina-type pa sa akin ang rules ng Pinoy Games para sa Freshies Day. Tapos kailangan na daw nila ngayong araw.”

          “Hmph. Yan kasi, nagpa-officer ka pa dyan sa Univ. LFC.”

          “Ikaw man din tol. Officer ka man din.”

          “Sa college man natin yun. Atsaka di ko naman yun ginusto eh. In-elect niyo lang talaga ako.” Totoo nga naman pala.

          “Oo. Alam ko. Pero officer ka pa rin.”

          “Uy Danny. Dumaan si Philip. Hahaha.”, sabat ni Mylene.

          “Aw. Okay. Hahahaha. Nakita ko man din siya kanina.”

Eto naman si Mylene Sanchez or May, for short. Kaibigan ko din siya since elementary. Best friends, evidently. Pero nakahanap rin siya ng mga nakikisama niya nung high school. She’s chubby, if I prefer. Di naman masyadong mataba. Siya ang sinasabihan ko ng aking mga sekreto about sa mga crush ko. At kung masabi ko na, pakikisamahan niya ako sa paghanap o pag-sightseeing sa kanila.

          “Hee! Tol. Ikaw ha. May crush ka pala kay Philip.”, sabi ni Kim.

          “Di man halata Kim. Hahaha. Alam mo naman siya. Kahit sino na gwapo ang crush niya.”, banat ni May.

          “Hahaha. I know right.”

          “Uy. SRA na pala. Punta na tayo.”, inform ni Denisse.

Pumunta na kami ng SRA Room. Habang naglalakad, biglang nag-radar ang eyes ko kasi may nakita akong lalaki sa pathway sa baba ng building. Di ko masyado nakita ang mukha niya dahil natakpan ng puno ang view ko… Nang nakarating kami sa SRA Room, kinausap ako agad ni Mylene.

          “Ikaw Danny ha. Napansin ko yun. Sino yung tinititigan mo kanina?”

          “Ewan. Lalaki. Basta feeling ko gwapo sya.”

          “Madadagdagan naman yang set ng crushes mo.”

          “Hahahaha. Syempre. Ako pa. What the eyes see increases the population.”. Echos!

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon