Chapter 6

44 0 0
                                    

Chapter 6

July 16. Saturday. Oh. How I wish wala na lang Saturday classes para 2 days ang pahinga. Well, that’s college. Kailangan magpursige sa pag-aaral.

It’s our CWTS class. I don’t even no bakit kasali ito sa curriculum. Ito ang rason bakit one day lang ang pahinga. It’s my only class during Saturdays – well, for this year only. Sige lang gud. I don’t mind. I need this anyway.

C’mon. Bakit puro lesson? Hindi ba pwedeng mag-activity para ma-pay off naman ang pagpunta ko ng school. Come to think of it, boring talaga ang CWTS. I thought it’s about activities, fieldwork sa barangay. But then, we’re stuck here inside the four corners of the room.

“We must know that the environment should be … blah blah blah… get one-half crosswised paper for a short quiz about my lesson today.”

What?! Quiz?! I haven’t even listened to what you’re talking about. Ay na. What the heck am I going to do? Di ako nakinig.

Dismissal. I hope nasagutan ko yun ng mabuti. Sana maka-ten points man lang. Ito na ba ang tinatawag na di nakikinig. Anyways…

“O, saan man kayo ngayon?”, tanong ni Carylle.

“Uuwi na ako. May puntahan pa kami nila Mommy”, sagot ni Kim.

“May practice kami mamaya.”, sabi ni Denisse.

“Pupuntahan ko si Mary. May puntahan daw kami.”, sabi ni May.

“Ahm. You know. I have Peter waiting for me.”, said Nancy.

“Peter daw. Hehehe.”, hirit ni Carylle kay Nancy.

“He!”

“May duty ako. Alam nyo naman.”, sagot ko.

“Oo nga noh.”

“Ay, don’t forget pala. Kim, sa Monday na ang try-out para sa Quiz Bee.”

“Okay.”

“Atsaka, sali kayo sa Pinoy Games. Konte pa kasi ang players. Magsulat lang kayo ng pangalan niyo sa bulletin board.”

“Okay. Try lang.”

Then, off we go to our destinations. I went to the College Office para magprepare. When I mean prepare, I mean magpalamig. Woah! Mainit kaya.

As I got there, kinausap ako ni Kuya Al about the announcement.

“Yeah. Na-announce ko na sa first years. Well, some of them. Sinabihan ko na rin ang ibang officers na may connection sa varsities.”

“Good. So, one o’clock mamaya ha.”

“Sige. Text-text lang Kuya Al.”

And off he goes. I really hope for the best of our college. Kaya sa akin nakasalalay ang 2/5 ng responsibilities. The rest goes to the College Council and Faculty. Lumabas ng office niya si Sir Ronald, ang Program Head namin, na may hawak na papel. Nilapag niya ito sa desk at binasa. Nakita niya ako.

“Mister Bautista.”

“Good Noon, Sir.”

“Anong maitutulong ko?”

“Wala po sir.”

“O sige.”

Akala ko dati strict si Sir Ronald. As in yung super strict talaga na parang sinusunog ka araw-araw. No. Mali yung perception ko. Actually fun siyang kasama. Akala ko kasi dati, ang mga teacher ng Accountancy ay strict. Pero hindi pala. Parang sila pa yung mas happy-go-lucky. Yun na yun.

1:00 PM. Pumunta na ako ng gym para sa try-outs. Tinext ko na din lahat ng officers ko. Habang naglalakad ako sa pathway, may napansin ako. Di ko lang alam, pero may nakita akong lalaki. Familiar structure ng body. Nakaupo siya sa kiosk na may kasamang mga lalaki…

That’s him! Yung lalaki. And wait. May namumukhaan ata ako ha. Si Arlex. Kaibigan niya pala yung lalaki? Hmph. Matanong kaya si Lex.

Pagdating ko ng gym, may mga student na ang naglalaro. Andun na pala lahat ng officers. Ako lang pala ang hinihintay. Ngek.

“O, saan si Kim?”, tanong ng isang officer.

“Di siya makapunta. May appointment daw siya.”

Nilapitan ako ni Kuya Al. “Doon ka na lang sa basketball.”

“Nge. Di nga ako marunong mag-basketball.”

“Sige. Doon na lang ako. Sa volleyball ka na lang.”

“Okay.”

Then I went to the volleyball area. Tumayo na parang coach. Hehehe. But in fact, di din ako marunong mag-volleyball. Di na lang ako pumalag sa volleyball. Baka ma-offend ko pa si Kuya Al.

And I stood there still. Bigla kong naalala si Roman. Yung volleyball player na lalaking yun. Ahay. Sana makita ko siya ulit.

The try-outs ended. Nakapili na ako ng players. Some of them ay kilala ko naman, and I know they’re good at what they’re playing.

“Okay na ang players.”, sabi ni Kuya Al.

“Okay na po.”

Tapos na rin ang try-outs. I can rest now, after ko makarating sa bahay. Sumabay ako kanila Kuya Al sa paglabas. And then suddenly, dumaan siya. DUMAAN SIYA! Weeeeeee! Pero likod lang niya nakita ko. Di ko pa rin nakita ang mukha niya. Ergh! What’s with his face kung bakit di ko pa nakikita ang pagmumukha niya? Hmph. Balang araw, makikita ko din ang mukha niya.

Sundan ko kaya. Ay na. Ano ba itong dare ko? Well, try lang.

Papaliko na siya ng gym. Sinundan ko siya. At nung pagliko ko…

“Oh. Hi Danny.”

Si Joan. Joan Reyes. Co-officer ko sa University LFC. Yung assigned sa Socio-Cultural. Joan, you’re blocking my way.

“Hi Joan.”

“Alam mo na yung meeting sa Wednesday? Deliberation daw ng lahat ng rules and guidelines.”

Unti-unti na siyang papalayo. Yung lalaki. Paano ba naman kasi itong si Joan, biglang sumulpot.

“Ah. Oo. Sinabi na sa akin ni Kuya Dam kahapon.” Tiningnan ko yung lalaki na papalayo na.

“Ah. Okay. Sige. Aalis na ako.”

“Sige. Bye.”

Umalis na si Joan. Madali akong naglakad para mahabol ko yung lalaki. But then, chances are wasted. Malayo na siya. Andun na siya sa College Building nila. Ahay.

Ten Steps Away From Me (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon