Chapter Thirteen:

44 1 0
                                    

Vaughn Lester's Pov

"Bakit ka Tumakbo?" tumingin ako kung sino ang nagtanong. Pagharap ko nakita ko si Chandria na hinahapo.

"Wala. Masama lang pakiramdam ko" ako

Umupo siya sa tabi ko. Tapos tumingin sa akin.

"Sige, Alis na ko" naglalakad na ako palayo ng bigla niya akong yakapin.

"Vaughn bakit napakatanga  mo ha?" siya

"Ganon talaga e. Pag mahal mo ang isang tao kailangan mong magpakatanga. Tingnan mo ako, Minahal ko yung babaeng hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Oh Anong tawag don? diba tanga?" tapos kinalas ko na yung kamay niya. at nagsimula na ulit akong mag-lakad.

"Wag kang mag-alala lalayo na ako sayo" sinasabi ko yan habang lumalakad ako palayo sa kanya.

"Vaughn Lester Giri, I Like You" sigaw niya. Kaya napahinto ako, Hindi tayo pwede chandria. Gusto mo ko pero may mahal ka ng iba. Ayokong samantalahin ang kahinaan mo. Eto na naman ako, nagiging duwag nanaman. Bakit kase nauso ang salitang pag-ibig kung kailangan mo namang magsakripisyo?

"Hindi na tayo pwede" tapos tumakbo na ako tumulo ng tumulo tong luha ko. Habang tumatakbo ako may nabangga akong isang babae.

"Les? Bakit ka umiiyak?" Tinignan ko kung sino yun. Walang iba kundi si Liza. Hindi ko alam na bigla ko na lang siyang niyakap.

"Liza, Ang sakit" habang yakap ko siya ng mahigpit.

"Shhh, tahan na. Wag ka ng umiyak. Para kang bakla, Halika nga dun tayo umupo" tapos hinawakan niya yung kamay ko. Pagkaupo namin.

"Ano bang nangyari" siya

"Sinabi niya na Gusto niya ako" ako

"Yun naman pala Gusto ka niya, o anong iniiyak iyak mo dyan?" siya

"Hindi na pwede" ako

"Bakit?" siya

"Kase may mahal siyang iba" ako

"Shh wag ka ngang umiyak. Lika nga hug nalang kita" tapos niyakap niya ako. Sana ikaw nalang Liza. Sana ikaw nalang ang minahal ko. Siguro hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero hindi e, Si Chandria ang mahal ko, Pagdating sa kanya nagpapakatanga ako.

Kathryn Chandria's Pov

Nung tumakbo si Vaughn sinundan ko siya. Umupo siya sa may puno sa likod ng school.

Argggh, MAHAL NA MAHAL KITA CHANDRIA " sigaw niya. Kaya nagsalita ako

"Bakit ka Tumakbo?" ako

"Wala. Masama lang pakiramdam ko" ako

Umupo ako sa tabi niya. Tapos tumingin ako sa kanya.

"Sige, Alis na ko" naglalakad na siya palayo. Pero niyakap ko siya

"Vaughn bakit napakatanga  mo ha?" hindi mo ba naiintindihan na Gusto kita?

"Ganon talaga e. Pag mahal mo ang isang tao kailangan mong magpakatanga. Tingnan mo ako, Minahal ko yung babaeng hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Oh Anong tawag don? diba tanga? " tapos kinalas niya na yung kamay ko at nagsimula na ulit siyang mag-lakad.

"Wag kang mag-alala lalayo na ako sayo" sabi niya habang lumalakad palayo

"Vaughn Lester Giri, I Like You" sigaw ko. Kaya napahinto siya

"Hindi na tayo pwede" tapos bigla nalang siyang tumakbo palayo.

Bakit hindi na pwede? May mahal ka na bang iba? Kakasabi mo lang na Mahal mo ko tapos hindi na pwede? Bakit? Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

Pumunta na ako sa Classroom, sinalubong ako ni Bes.

"Oh anong nangyare?" siya

"Sinabi niya na Hindi na pwede" ako

"Ano bang sinabi mo?" siya

"Sinabi ko na gusto ko siya" ako

"E, Ano bang tinitibok ng puso mo? Sinasabi ng isip mo gusto mo siya pero yung puso mo anong sinabi?" siya

"Huh?" ako

"Alam mo ba kung bakit sinabi ni Lester na hindi na pwede?" siya

"Bakit?" ako

"Kase mas sasaya ka sa piling ng iba. Mahal na mahal ka niya kaya niya ginawa yun. Kahit siya ang masaktan at magdusa Makita ka lang niyang masaya Okay na daw yun" siya

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Vaughn sa room kasama si Liza. Mukang masaya siya hah. Kinuha niya yung bag niya lalabas na sana siya ng biglang tumingin sa akin.

"Kathryn, wag mo na pala akong tawaging Vaughn hindi narin kita tatawaging Chandria, Ge Bye" ang cold ng pagkakasabi niya tsaka lumabas.

hindi ko alam bigla na lang akong napaupo sa sahig at umiyak ng umiyak.

"Uy bes bakit ka umiiyak?" siya

"Bakit ganon sinabi niya na mahal niya ako pero bakit ganto? ako

"Bes bago ka magdesisyon itanong mo muna dito sa puso mo. kung sino ba talaga ang mahal mo" siya

Sino ba talaga ang mahal ko??

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon