Daniel's Pov
Nagbibigayan kami ng regalo ng bigla akong tawagin ni Lester.
Psssst, pahatid naman kay chandria oh" pakikiusap ni Lester sa akin.
Ako talaga? Okay lang yan Dj hindi ka naman niya kilala e, kaya hindi siya maiilang. Whooooa
"Ako ang maghahatid?" ako
"Oo, please naman oh? Ikaw lang kase mapagkakatiwalaan ko sa kanya e. Please?" siya
"Sige, nasaan ba siya?" ako
"Ayun oh, Lika samahan kita" pumunta kami sa kinaroroonan ni kath
"Chands, Siya ang maghahatid sayo sa iyo. Oy ikaw na bahala sa bestfriend ko ha. Chands text mo ko pag nakauwi ka na" Lester
hindi nagsalita si Kathryn.. Nakatingin lang ito kay Lester. Para siyang iiyak na hindi ko maintindihan. Kaya nagsalita na ako
"Sige Bro, Ihahatid ko siya sa kanila." aalis na sana kami ng bigla ulit siyang nagsalita
"Uy, wait lang. Gusto ko sa 23 lahat tayo magkakasamang mag papasko" siya
"Sige, Sasabihin ko sa kanila" ako
"Pero teka lang saan naman tayo mag papasko?" ako
"Dun tayo sa beach ng lola ko. Kita kita nalang tayong lahat sa bahay namin. Alam nyo naman yun diba?" siya
"Oo naman. Sige bye" tapos umalis na kaming dalawa.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse.
"Bakit ganyan kayong manga lalake? Sasabihin niyong mahal niyo kaming manga babae tapos ano? iiwan niyo din" sabi niya sa akin.
"Alam mo kath kaya lang namin yun ginagawa kase mas sasaya sila sa piling ng iba. Minsan kailangan mong magsakripisyo kahit na masakit.. dapat kayanin mo.. Kase yun yung nararapat gawin." Kung alam mo lang Kath..
"Ewan ko, hindi ko kayo maintindihan. Ang gulo niyo" tapos humawak siya sa ulo niya.
"Masakit ba ulo mo?" ako
"Nahihilo ako" sabi niya
"Naandito na tayo sa inyo" lumabas ako at pinagbuksan siya ng pinto. Lumakad siya pero pagewang gewang kaya.
"Hindi mo kaya? Ako na.. Ako na ang bubuhat sayo" hindi ko na siya pinagsalita kase binuhat ko na siya.
Dinala ko na siya sa Kwarto niya. Tapos hiniga ko siya sa kama. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita
"Ang lamig" sabi nito
Lumapit ako sa kanya at hinipo ko yung noo at leeg niya
"Pano to? Ang taas ng lagnat mo! Wala ka namang kasama dito kung iiwan kita.. Wag kang mag-alala aalagaan nalang kita" sabi ko
Lumabas ako at nagluto ng lugaw. Kailangan niyang kumain para naman lumakas lakas siya at para narin makainom sya ng gamot.
Vaughn Lester's Pov
Pagkatext ko kay Lily ay dumaretso na ako sa kanya.
Papalapit na ako sa kanya tapos tinakluban ko yung mata niya.
"Akina ang pera mo," inipit ko yung boses ko para hindi niya malaman na ako si Lester baka hindi siya matakot e. hahaha
"Hoy Vaughn Lester Giri alam kong ikaw yan. Wag mo akong pinaglololoko. Matatamaan ka sa akin." sigaw niya
"Hay nako!! Ang brutal naman ni Lily, Alam mo kahit nasaktan ako kanina. Nagagawa ko parin mang inis. Hahaha" ako
"Lily na naman." siya
"Hahaha, Ang cute kase e, Lily " ako
"Bahala ka nga!! Ano na nga palang napag usapan niyo?" Lily
"Nagsayaw kam--" ako
"Anong Kanta?" siya
"Huling sayaw T----" ako
"Tapos? anong sinabi mo?" siya
"Sabi ko pag natapos ang kanta ibig sabihin matatapos narin ang pagmamahal ko sa kan---" ako
"Bakit mo yun ginawa?" sya
"Hindi mo kase ako naiintindihan kase hindi ka pa naman nagmamahal. Kaya ko yun ginawa dahil alam ko na mas sasaya siya sa iba kaya yun ang g---" ako
"Lahat ng nagmamahal nagiging makasarili. Ikaw lang yata ang naiiba e" siya
"Saglit nga lang. Napapansin ko lagi mong pinuputol ang mga sasabihin ko." ako
"Ehehe, Sorry" tapos nag peace siya.
"Tara Mall tayo, Kain tayong ice cream tapos punta tayo sa Restaurant" ako
"Whooa, Treat mo?" Lily
"Oo na, Para tumaba ka naman."
"Ang sama mo" siya
"Joke lang Lii" ako
Naandito na kami sa Restaurant.
bakit ganon? Kahit binitiwan ko si Chands. Diba dapat nasasaktan ako? pero bakit ganto? pag kasama ko siya nakakalimutan ko na nasasaktan ako. Eto ba epekto ng salitang Kaibigan?"Hooooy, baka nakakalimutan mo na naandito ako. Kung ano ano mga iniisip mo dyan" sigaw nitong babaeng to
"Oy, Lily ang ingay mo nakakahiya sa kanila oh! Tingnan mo nakatingin sila sa atin" bulong ko
"Ayaw mo nun? Sikat tayo?" siya
"Ewan ko sayo." ako
"Sama ka sa amin sa 23" ako
"Anong meron?" siya
"Sama sama tayo sa pasko, Ayaw mo nun? kasama mo Bestfriend mo?" ako
"Gusto!! Pero pano si Ka---"
"Hindi ko na siya nililigawan.. Okay? kaya sasama ka?" ako
"Oo na po, Bii" siya
"Uyy, Bii? As in Baby?" ako
"Gagii, Bii? As in Vaughn. Diba sabi mo ayaw mong itawag ko sayo Vaughn? Edi Bii nalang. Tapos ang tawag mo pa akin Lily or Lii. Para pantay lang tayo" siya
"Ahh, So.. Lily ka na ngayon? Okay lang Lii hahaha" ako
"Okay lang naman saakin Bii" siya
"Oh siya kain na" ako
"Paheram naman ng Cellphone mo" sabi niya
"Bakit?" ako
"Hahaha, Basta" binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Tapos para meron siyang kausap. Ah ewan. Kumain nalang ako.
"Oh Bii" sabi niya.
Alam ko yung ngiting yun e, Alam ko may ginawa tong kalokohan. Makakain na nga lang..
---------FastForward--------
Kakauwi ko lang, Pagpasok ko sa kwarto humiga agad ako.
Ang sakit kase ng ulo ko e, dahil kay Liza kaya sumakit yung ulo ko.
Pano ba naman Bili dito, laro doon, punta dito, gala doon, kain dito, Uwi Ngayon. Kaya ayan sa kakaikot namin sumakit ang ulo ko..
Kamusta kaya si Chands? Sana masaya siya. Kase kasama niya ang mahal niya.. Kung naaalala ka niya daniel ang swerte mo. Kase mahal ka ni Chandria samantalang ako eto nasa sulok, nagmumukmok, umiiyak. Sana wag mo siyang sasaktan. Kase pag nangyari yun, Yung gabay niya ang magpoprotekta sa kanya. Aagawin niya sayo si Chandria kaya sana mag pakabuti ka.
Ano ba tong mga pinagsasabi ko. Makatulog na nga lang...
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
FanfictionNang dahil sa isang aksidente hindi ko na siya nakilala. Hindi ko na naalala ang mga araw na kasama ko siya. Yung mga araw na sobrang saya nating dalawa. Pano kung hindi pala tayo nakatadhana sa isa't isa? Pano pag dumating yung araw na Makilala ko...